Simula
I have unlocked the other part of my memories. It is all about the happy moments that both of us created. I started to dream of him last week, it continues. And as the memory of us keeps coming back, I've felt a buried feeling for a long time ago that is being revived.
It feels good, but at the same time, I feel devoured by the void.
Throughout my healing process for eight years, I am pretty sure that I have catched all of the important people in my life. But he is left behind, which made me feel guilty and haunted for not remembering who he is.
I tried my best to identify him. I forced myself to dig more even though I know in exchange, it will hurt my head. Pero hindi ko talaga siya makilala dahil malabo ang mukha niya. I wonder about him.
I sighed to ease the heavy I am feeling and let the waters drop from the shower to travel down my body.
"Ros, matagal ka pa?" I managed to hear my sister's voice, ate Sarmo, despite the loud shower noise.
I twisted off the shower before shouting, "malapit na ate. Give me 5 more minutes and I'll be there. Right away."
"Siguraduhin mo lang dahil naiinip na si kuya Ortis. Pati rin ako. Sigurado akong sina mama, papa, at ya Irites din. Ito ang unang beses mong makakatapak ulit sa bahay natin sa Quezon City kaya nae-excite na ang mga 'yon," aniya.
Hindi na ako sumagot pa at ni-focus ang sarili sa paliligo dahil limang minuto lang ang palugit na hiningi ko, kasama na roon ang pag-aayos sa sarili.
Plain white t-shirt ang sinuot ko, sakto lang sa payat kong katawan. I tacked it inside my black jeans. Sa sapatos naman ay iyong puting sneakers ang sinuot ko.
Nagmamadali kong kinuha sa loob ng cabinet ang itim na bonnet para takpan ang poknat sa ulo ko at dalawang segundong pinasadahan ang sarili sa may cabinet ng salamin bago tumakbo pababa ng kusina.
Nakapalumbaba si kuya Ortis nang makababa ako sa kusina. Automatic na napako ang mata niya sa akin at nabuhayan ng loob. Si ate Sarmo naman ay abala sa kanyang telepono. Nakatalikod siya mula sa akin kaya bahagya niyang ni-twist ang katawan para masulyapan ako.
Nahihiya kong kinibit ang ulo para sabihan silang umalis na kami pero nanatili silang nakatitig sa'kin, tahimik at wala na yata sa mga sarili.
"Let's go?" I shyly said. Medyo nahirapan pa akong bigkasin ang salita na 'yon dahil ako ang dahilan kung bakit male-late kami sa birthday ni mama.
Tumayo na si kuya Ortis. Nagsenyasan pa kami ni ate Sarmo bago sumunod sa kanya. Siyempre, si kuya Ortis ay nauna na sa garahe habang kami ni ate Sarmo ay ni-lock pa iyong pinto gamit ang susi.
"Galit ba si kuya?" mahina kong tanong dahil nasa labas pa rin si kuya Ortis at baka marinig ako.
"Oo," tinatamad niyang sagot.
Binigay sa akin ni ate Sarmo ang susi. Binuksan ko ang pinto sa backseat para paunahing papasukin si ate Sarmo bago ako.
"Thank you," sabi ni ate Sarmo sa girly na tono at nginitian ako.
Sa aura pa lang ni kuya Ortis ay alam ko ng galit siya. Carbon copy kasi sila ni papa na madaling hulaan kapag galit na. Mula sa makapal nitong kilay, may authotidad na mata, at tindig na nakakatakot.
Si ate Sarmo naman ang carbon copy ni mama sa hindi makabasag pinggan nitong mukha. At ako ang kalmadong version ni papa. Nahaluhan kasi ako ng traits ni mama.
Ni-check muna ni kuya Ortis kung nakasarado ba ang mga pinto ng sasakyan bago niya buhayin ang makina.
My hands tightened with each other and my teeth gritted. I feel anxious visiting our house in Quezon City, ang bahay kung saan ako nakatira dati.
YOU ARE READING
Enjoying Youth Photograph (LITM 1)
Teen FictionRosar Jimboy Culminado lived his whole teenage life full of fears. He is closeted. He don't want his family to know that he is gay. But after the conversation happened between him and his father, he came out of the closet unexpectedly. Starting tha...