Kabanata 03
"Nagpa-load pa ako para ma-contact ka. Bakit mo ba kasi ni-deactivate account mo?" reklamo ni Melchor sa kabilang linya imbes na sabihin kung ano ang talagang pakay ng pagtawag niya.
Ni-pause ko muna ang pinapanood na BL series sa laptop para mag-focus sa kanya. Sabado ngayon. Dapat ay nagre-relax kami.
I hummed. "Social media detox. Bakit ka tumawag? Sabado ngayon a."
"Si Redo. Inaaya ako sa intramuros. Hatakin sana kita kung available ka dahil kasama roon si Jay-ar. Para naman makita mo…"
Tumaas ang isang kilay ko sa sinabi niya. "Ano namang gagawin nila roon?"
"Magpi-picture raw para sa subject nila. Basta. 1PM ang kitaan sa Central Station. KKB," aniya.
"Okay." I ended the line.
Tuluyan na 'kong bumangon ng kama at tumingin ng susuotin sa cabinet. Malayo-layo ang bahay ko mula sa Central Station kaya kailangan kong mag handa nang maaga.
I wore a white t-shirt and I tucked it inside my fitted black jeans. Sinabit ko na ang DSLR sa leeg habang sinusuri ang itsura ko sa malaking salamin at nang makuntento na ay pinaliguan ko na ang sarili ng cologne.
"Saan naman ang lakad mo ngayon?" tanong ni papa nang nakasalubong niya ako paglabas ng bahay. Kasama niya si mama at kagagaling lang sa pamimili dahil may mga dalang paper bag.
"Diyan lang po. Naaya lang po ni Melchor," sagot ko.
"Exact location?"
"Intramuros."
"May pera ka ba diyan?" tanong ni mama.
Tumango ako.
Hinintay ko pa sandali si papa na ilagay sa loob ang mga paperbag dahil ihahatid niya raw ako sa LRT Station kaya mapapadali ang buhay ko.
Nakarating ako sa Central Station ng 12:30 PM at pagkababa ay agad na lumipad ang titig ko kay Melchor na nakaupo sa coke bench. Busy siya sa kanyang telepono at hindi napansin ang pagdating ko.
He is wearing a dark green t-shirt and black maong. He has a black cup on his head and for the shoes, he is wearing a top sider.
"Ikaw pa lang?" tanong ko nang hindi makita ang circle ni Jay-ar sa paligid. Umupo ako sa tabi niya at nag-ayos siya ng upo.
"Malapit na raw sila," aniya.
Pareho naming tinuon ang atensyon sa railway para abangan ang mga kasama namin dahil isang station na lang daw ay nandito na sila. Halos magwala na naman ang sistema ko nang may humintong tren dahil makikita ko na naman siya. At sariwa pa sa isip ko iyong nangyari nung monday tungkol sa ID.
My lips pursued when the tren door open. Inuluwa na non ang hinihintay namin. Mabilis na nagpunta si Redo kay Melchor, kasama sila Kalid at Moreno at si Jay-ar naman ay huling lumabas sa kanila.
My gaze automatically locked on him for no reason even though I want to gaze it away. Napansin ko na umawang nang konti ang labi niya nang makita ako, nagtataka yata kung bakit ako kasama.
He is wearing a black and white horizontal striped t-shirt and blue faded jeans. May gold chain siyang kwintas at silver na relos.
Bago siya makalapit ay iniwas ko na ang tingin at binaling na lang iyon kay Melchor na naiirita kay Redo na nakaupo sa tabi niya, nakikisiksik.
"Tara na? Para maagang matapos," sabi ni Moreno.
Tumayo na kami.
Katabi ko si Melchor na maglakad palabas sa card scanner. Hinintay pa namin ang ibang kasama na makalabas hanggang sa nawaglit ako, inakbayan ito ni Redo at hinatak pauna. Nauna na rin ang tatlo at inabot pa ako ng dalawang segundo bago sumunod sa kanila dahil na-awkwardan ako.
YOU ARE READING
Enjoying Youth Photograph (LITM 1)
Teen FictionRosar Jimboy Culminado lived his whole teenage life full of fears. He is closeted. He don't want his family to know that he is gay. But after the conversation happened between him and his father, he came out of the closet unexpectedly. Starting tha...