Kabanata 02
Rosar Jim Culminado
1 second ago | Public
Looking for my IDWith my trembling fingers, I posted what Melchor said.
Kanina ko pa inuulit ang tanong ko sa kanya kung saan niya inilagay ang ID ko. 'Kahit naman sabihin ko ay hindi na rin makukuha pa.' that's what he always replied. Different sentences. Same meaning!
"I hope my ID is fine," I prayed wholeheartedly.
Katatapos lang ng klase namin kaya naglalakad kami ngayon sa hallway, hindi alam kung saan pupunta. Baka sa lobby? Kung saan malakas ang Wi-Fi.
Melchor chuckled. I sharply glance at him. Ang lakas ng trip niya. Halos wala akong muwang na nawala na sa akin ang ID ko!
"What?" he said in a defending tone, like he did nothing wrong. "Gusto mong mas lalong mapalapit kay Jay-ar diba? Ginawa ko na," natatawa niyang sabi.
"Pero hindi sa ganitong paraan, Melchor! Ang risky nito! Paano kung hindi bumalik sa akin ang ID ko? Paano ako papasok bukas? Ang higpit pa naman ng guard," I hysterical. "Pwede mo namang itulak na lang ako sa kanya. There is so many other way, Chorimar!"
Hinawakan niya ang balikat ko para pakalmahin ako. "Chill, Ros. Babalik din 'yon mamaya. I-stalk ka non para siya mismo ang magbalik sa'yo ng ID mo."
"Siguraduhin mo lang. Mag-milktea nga tayo," aya ko bago ako tuluyang mag-histerikal nang malala.
Dahil one hour pa naman ang break, lumabas kami ng campus at tumawid sa kabila para pumunta ng milktea establishment. Iinom na lang ako non para kumalma.
Si Melchor ang pinag-order ko. My social anxiety always can't handle the pressure. Iyon pa nga lang sa pagbili ko sa convenience store ay grabe na ang panginginig ko sa takot. In exchange, libre ko siya.
Umupo na kami. Taro ang akin at sa kanya naman ay wintermelon. Tinusok ko ang straw para uminom na. But right before I sipped, I stopped. Sumagi sa isip ko na lumabas ako ng campus ng hindi pa bumabalik sa akin ang ID ko.
"Melchor, sinasabi ko talaga sa'yo! Kailangan ko 'yung ID!" I said. Tuluyan na akong uminom ng milktea at buti kahit papaano ay kumalma ako.
Kung hindi iyon maibabalik sa akin ngayon ay hindi ako makakapasok ng campus at hindi ako makakapasok sa next subject namin! Ang baba pa naman magbigay ng grades nung next naming prof. Kapag may absent ka. Automatic, expect mo na ang grades mo.
My phone vibrated.
I finished sipping first then got my phone on the table to see the notification. My eyes widened in shock when Jay-ar commented on my status. I clicked it to see what he commented.
Jay-ar Raquil Donacio
Accept my message request"Bakit ganyan ang mukha mo?" tanong ni Melchor na kunot ang noo.
I tapped the table, hindi makapaniwala. "Si Jay-ar. Nag-comment…"
Mabilis itong tumayo. Tinulak pa ang inuupuan niya para malayang makapunta sa tabi ko at tignan ang sinasabi ko.
"Anong ni-comment?" tanong nito, konti na lang ay sasakupin na ng mukha niya ang screen kaya nilayo ko sa kanya 'yon.
"Accept ko raw message request niya," aniya ko. "Gumana. Siya pa ang nag-first move," nangingiti kong sabi.
Marahan niyang hinampas ang balikat ko. "Teh, 'yung ID mo."
I gasped in sudden realization. My ID. I almost forgot about it. Ini-accept ko ang message request niya para magsimula na kaming mag-usap tungkol doon.
YOU ARE READING
Enjoying Youth Photograph (LITM 1)
Novela JuvenilRosar Jimboy Culminado lived his whole teenage life full of fears. He is closeted. He don't want his family to know that he is gay. But after the conversation happened between him and his father, he came out of the closet unexpectedly. Starting tha...