Ang Pagtutuos

556 33 1
                                    

"Handa na ba kayong lahat?" Tanong ko sa mga kasamahan kong nandito sa winderian.

Tumango silang lahat ganun din ang mga magulang ko,

"leslie, kaya ko na bang lumaban?" Tanong sa'kin ni kuya aries, ngumiti lang ako.

"Kuya mag tatatlong linggo ako nag ensayo para sa digmaan na ito, kailangan na natin tapusin ito, dahil iyun ang naka tandaha" pahayag ko sakanya.



"Handa na ang mga hukbo namin," si kyle, bakas parin sa mga mukha nya ang pag ka lungkot ng mawala ang kapatid ko, tanggap ko na sa sarili ko hindi na ako mahal ni kyle, at tanggap ko na ang kapatid ko ang minamahal nya hanggang ngayon.

"Tara na at maghanda" utos ko, sina aya at iba pa naming kaibigan ay umusad na ganun din kami, hindi na kami makapag hintay na makipaglaban para sa bayan! At para na din sa kapatid kong nawala.



Third Person Point of View

Sumalakay na sina Leslie sa Semonian ng hindi nila alam.

Pinaulanan ang palasyo nila ng ibat ibang kapangyarihan kaya, nagsilabasan ang mga semonian sa labas ng palasyo.

Marahan na nagulat ang hari ng semonian sa paglusob nila leslie,

"Nagulat ka ba sa paglusob namin rico?" Saad ng hari ng Winderian, hindi ito makapagsalita.


"Ang aga ng paglusob nyo, pero hindi kami uurong lusob!" Sigaw ni rico, lumusob na ang mga hukbo ng semonian, ganun din ang panig nina Leslie.

Nagpalitan ng mga ibat ibang kapangyarihan ang tatlong lahi ang Firian, Winderian at kaaway na Semonian.

Lumapit si Leslie sa hari ng Semonian na may hawak na latigong kumikislap.

"Ito na ang una't huli nating pagtutoos hari ng Semonian" nakangiting saad nito

Nakangisi lang si rico naka tingin kay leslie, pero sa loob looban nito ay natatakot ito na baka mapatay nga sya ng dalagitang nasa harapan nya ngayon.


Naghagis ng maitim na bola si rico kay leslie pero hinampas lang ito ng kanyang latigo. Pero hindi tumigil si Rico sa pag tira nito kaya walang tigil din sa pagharang si leslie.

"Ano? Hindi mo ba ako matatamaan ng iyong kapangyarihan rico?" Saad ni leslie.

Hindi ito nakapag salita kaya nagsalita ulit si leslie.

"Kung ganon, ito tikman mo ang aking kapangyarihan!" Naglabas ito ng wind blade at hinagis kay rico, nagharang lang ito ng dark shield para hindi ito matamaan pero nagkakapitak na ang dark shield nito dahil sa mga lakas ng kapangyarihan nito.

Naglabas ng Wind Circle si Leslie, at inihagis ulit kay rico, dahil na rin sa malaking pitak ng dark shield nito ay hindi nito naharangan bagkus ay tumalsik ito dahil sa lakas ng impact.

Napangiti ang dalaga dahil sa itsura ni rico na nanghihina na.

"kaya mo pa ba lumaban?" Tanong nito.

"Kahit sino ay walang makakatalo sa'kin lalo ka na!" Maghangis sya ng isang malaking maitim na bilog at may lumabas na dalawang halimaw.

Tumakbo ang dalawang halimaw sa pwesto ng dalaga kaya tumakbo rin ang dalaga para puksain ang dalawang halimaw.

Inuna nya muna ang isang halimaw na tatlo ang mata hinampas nya ito ng latigo sa likod kaya napa ungol ito sinipa nya rin ang likuran sabay hagis ng Wind Blade.

Pirsa AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon