Chapter 31

634 43 0
                                    

Cassandra Pov

Nag pahinga muna ako sa lilim na malaking puno dito sa gubat... dahil sa init Sobra ang tirik ng araw ngayon... nag sasanay akong makipag laban gamit ang espada, Mag aapat na buwan na simula nung dinala nila ako ng walang buhay dito, Hanggang ngayon ay wala parin ako naalala sa nangyari sa'kin.

"Cassandra! " Pamilyar na boses na tumawag sa'kin., si chesca, oo tawag nya sa'kin ay Cassandra ganon din yung tatlo ko pang Guardian. Ako talaga ang nagsabi Cassandra nalang ang itawag nila sa'kin... dahil hindi pa ako sanay.. nung una ayaw nilang ibahin pero nakiusap talaga ako kaya ayun.

"Cassandra... pinatatawag ka ni Queen Freya." Chesca.

"Ah sige... Pero teka bakit daw? " -tanong ko sakanya.

"Nakalimutan mo na ba? " Teka ang alin ba?

"Ang alin?"

"Ngayon ang araw na iuupo kana sa pwesto bilang bagong reyna " Sh*t oo nga pala...

"Bilisan na natin dahil ilang sandali ay mag uumpisa na ang okasyon, " saad nito.

Gumamit nalang kami ng teleportasyon gamit ang Kapangyarihan ni Chesca...

Ilang sandali ay nakarating na kami sa aking kwarto. Nandito rin sina Keea, kia, at Sophie ...Halatang nag babangayan ang dalawang kambal... sina kia at keea, oo mag kambal sila

"Majesty buti nakabalik kana... Halika na at aayusan kana namin "-hinila ako ni Sophie at pinaupo sa upuan na may kaharapan na salamin.

"Wait....Sandali..Pwede bang maligo muna ako?" Hindi ba nila naamoy ang amoy ko kakatapos ko lang mag ensaho sa gubat.

"Ay akala ko amoy ni Keea " kia

"Hoy kapal ah! "keea.

"Sige Majesty maligo na po kayo" Sya lang ang tumatawag na majesty sa'kin ayaw nya talagang itawag sa'kin na cassandra .

Pumasok na ako sa Banyo ko at nag tanggal na ng saplot at tumutok na sa shower... Nag madali akong maligo dahil aayusan pa nila ako.

Umupo na ako sa Kanina kong inupuan habang suot ang roba ko.

Naka balot ng twalya ang buhok ko para matuyo agad, Imbis na isa lang ang mag aayos sa'kin ay apat pa sila, ganon na ba ako kahirap ayusan?

"Finish na!! " kia

"Wala na may nanalo na talaga!" Keea.

"Majesty ang ganda nyo na nga pero mas gumanda pa po kayo lalo " Ramdam kong pumapalakpak tainga ko yan gusto ko sayo sophie.

"Ito naman ang gagamitin mo " tumingin ako sa pwesto ni Chesca habang may dalawang isang gown... Dalawa ang kulay nito ang left side ay kulay itim then yung kabilang side ay kulay puti.

"Hindi ko pa pala na iikuweto bakit black and white ang kulay ng gown mo ?" nag kamot pa sa ulo si Chesca.

"The black Color symbolizes sa Hell "..."then The white color is Heaven " Paliwanag nito.

Nasa gitna kami ng hell at heaven, Kami ang mga nanghuhusga kung saan mapupunta ang isang taong namatay na... Kung sa imperyno ba o sa Langit na maaliwalas.
Panig kami sa langit at Hell.

Tumayo na ako sa aking upuan at nag tungo sa kwarto ko para Isuot ang gagamitin kong kasuotan para sa Okasyon ngayon.

Wait ah... Sobrang bigat nito, Hindi ako sanay

"Bagay sayo...Lalo kang gumanda Your highest" Nagniningning ang mga mata ni Chesca habang sinasabi nya yun.

"Majesty Ito po yung susuotin nyo para sa iyong paa" may binigay na pantakip sa aking paa at nalula ako dahil sobrang taas ng heels.

Pirsa AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon