Chapter 21

540 37 0
                                    

Lumabas na kami ng dorm house pero ang pag tataka ko lang ay bakit kanina pa hindi ko nakikita si Kyle?

Aya: Kahit ano talagang piliin mong damit bumabagay sayo lalo na yang dress na'yan, lalo kang gumanda.

Bigla nalang ako namula sa sinabi nya.

"Luh! Hindi naman lahat nagkataon lang naman, maganda lang talaga ang dress kaya nag mukha akong tao " pa humble kong sabi sakanya.

Megan : Kaya andaming nag kakandarapang nagkaka gusto sayo ash, promise nakaka inggit! 

Josh : Wala ka kasing jowa!

Megan: Just shut up! kung ayaw mo pang mamatay! 

Lucas : Sige na Meg Patayin mo na yan

Josh: Ulol mo! 

Napapailing nalang ako sa kanila, buti pa yung dalawa si Sarah at luke hindi nag iimikan .

"Ang Layo na yata ng iniisip mo ?" napatingin nalang ako sa direksyon ni Shawn.

"Wala nakikinig lang ako sa mga pinag uusapan nila pero teka kanina ko pa hindi napapansin, bakit pala wala si kyle dito?" tanong ko sakanya, bumuntong hininga muna sya bago sya sumagot.

"Nauna na sya sa palasyo"-simpleng saad nito, napa tango nalang ako sakanya

Nag patuloy na kami sa pag lalakad
para makalapit sa sasakyan naming kabayo, dahil nga Baguhan palang ako rito sumakay nalang ako kay shawn kasi lahat sila ay may kanya kanyang kabayo, Hindi sya ordinaryong kabayo, paano ko nasabi? dahil yung kabayo ba ay may pakpak? kasi ito may pakpak kaya hindi sya ordinaryo!. Na miss ko tuloy yung kabayo namin ni jaz

Na'ng nakasakay na ako sa kabayong may pakpak at nag handa na, Para syang Unicorn pero wala naman syang sungay sa gitna.

"Humawak ka ng mahigpit sa'kin Dahil  minsan may pag ka unting kalikutan tong alaga ko " pag sasaad sa'kin ni kyle. Humawak nalang ako sa balikat nya pero halatang hindi nya nagustuhan.

"B-bakit?"

"Wag dyan, Sa bewang ko ikaw humawak o kaya yumakap nalang " Pinalo ko sya ng bahagya sa Balikat, napatawa nalang ito,

Kumapit nalang ako sa balikat nya, ayoko Humawak sa Bewang nya nakakahiya! 


Nakikita ko ang mga pigura dito sa itaas sobra akong namangha dahil yung mga tao nasa baba para silang mga langgam dahil sa sobrang liit sarap pag titirisin.

"Excited kana bang makilala ang totoo mong mga magulang?" Napatingin ako sa itsura ni Shawn kahit na katalikod ito alam kong naka ngiti ito.


"Medyo" Simpleng sagot ko.

Tumingin nalang ulit ako sa baba nakikita ko parin ang kabuuan ng Academya, Ramdam ko ring ang sarap ng ihip ng hangin. Sobrang maaliwalas, presko — .

"Mga ilang minuto nalang makakarating na tayo sa Winderian "-lumingon ito sa'kin sabi ko na nakangiti ang loko.

"Maraming pinag bago ang Palasyo... Naging malungkot ang pigura ng Winderian, Simula nung namatay ang Nakakatandang kapatid mo "

Ano kaya ang ugali ni Leslie?

"Isa sya sa, Kinagigiliwan sa buong Bayan, Dahil sa angking talino nito, Mabait sya, Magaling din sya sa pakikipag laban, Sya ang hahalili na maging Reyna sa susunod pero sa kasamaang palad ay, may nangyaring masama sakanya, Dahil narin sa tinuturing nitong kaibigan, Pinag tulungan sya, "-parang may kumirot sa puso, dahil sa sinabi nya sa'kin, Sinong mga kaibigan?, ang pag kakaalam ko sina Aya ang kaibigan nya .

"Sina Chloe "-Biglang nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya, Ano?! yung babaitang nakalaban ko sa Leveling at nakasagutan ko sa gilid ng hallway?

"At dahil narin sa mga Semon "

"A-ano!  Sila rin ang may kagagawan?" parang nalaglag panga ko.

"Dahil nalaman na rin nila na sya ang makakatalo sa kanila kaya ang ginawa nila ay agad nila itong pinaslang ...Na alam nila na hindi sya makakalaban " pero paano naman hindi sya makakapag laban.? 

"Pero ano yung ginawa nila, teka bakit hindi nakalaban si Ate? " naguguluhan kong saad sakanya.

"Dahil ginamit ng Hari ng Semon ang mga kaibigan ni Leslie sina Chloe... Pero ang hindi alam ni Leslie ay Kasabwat rin sila "-Kasabwat sina Choe? Kakampi nila ang Semon? 

"Nag wagi sila sa pag patay kay Leslie... Nag dusa ang magulang mo dahil nawalan nanaman sila ng isang anak... " Parang biglang nalungkot ang boses ni Shawn.

"Huli na nabalitaan namin ang ginawa ng Semon kay Leslie, Huli ng natulungan ni Kyle, Pati kami ay nalungkot sa nangyari--- Nauwi ni Kyle si Leslie sa Winderian na wala ng buhay dahil sa saksak sa dibdib at mga sugat sa mga katawan ." Siguro sobrang nasaktan si kyle sa nagyari ngayon, Dahil nawalan sya ng importanteng babae sakanya.

"Oh andito na tayo"-hindi ko na namalayan na nadito na pala kami sa...

"I-ito ba ang Winderian? "naiilang na tanong ko sakanya.

Nag palinga linga ako ng tingin dito sa winderian kung totoo nga, bakit?  Bakit ganto ang itsura ng palasyo ang paligid bakit ang, Tamlay?

"Dahil yan sa pag kamatay ng Ate mo" nandito pa pala si shawn sa likod ko.  Yung puno kasi rito walang Ka dahon dahon tapos yung  ulan ay hindi gaanong Kaliwanag para bang may onting itim na bumalot? 

Lahat ng mga tao rito ay tinitignan kami, ako lahat sila at parang nagulat ewan ko sa reaksyon nila.

Shawn : oh anjan na pala kayo tara na para makapasok na tayo sa palasyo

Nandito na pala sina Megan sa likod namin, nag patuloy na kami sa pag lalakad papunta sa palasyo sabi nila malapit lang rito kaya nag lakad nalang kami iniwan ang sinakyan naming mga kabayo, wala akong makitang puno na may dahon lahat ay mga sanga lang pero mga buhay pa, para lang sila nakalbo. Nakaka takot ang awra!

"Ang laki ng pinag bago ng Winderian ito ang dating pinaka magandang palasyo sa buong Lugar, " malungkot na saad ni Megan. 

Ako rin ay nalungkot kahit hindi ko pa nakikita avg dating Itsura nito para akong nang hihinayang, Siguro sobrang ganda nito dati.

Nasa harap na kami ng pinto ng palasyo, kumatok ng tatlong beses si Shawn at may tumabad saamin ng dalawang kawal sa harap namin.

" Buti ay nakarating na po kayo"-saad ng isang kawal

"Mahal na Prinsesa! " napatingin ang kawal sa'kin at biglang yumuko. 

"Luh!  anong ginagawa nila "-naguguluhang tanong ko kanila shawn, pero nginitian lang nila ako.

Ilang segundo ay tumayo sila ng tuwid at inalalayan kaming makapasok sa palasyo.















To be Continued...

Pirsa AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon