Chapter 6

1.2K 55 6
                                    

Ash Pov

"Buti nag open ka sa'kin, pero teka ang sabi mo kaya ka nag aral dito para matuto kang makipag laban ?"

"Oo, yun lang ang paraan ko, para maayos na ang laha." Saad ko sa.kanya, in-open ko kasi sa kanya ang tungkol sa buhay ko, ang pag papaslang ng mga taga Semon sa-aming bayan at paghihiganti ko sa kanila.

"Pero, Iniisip mo ba na baka mapahamak kalang sa ginagawa mo "Pag alala sa akin ni Henry .

"Inisip ko nayan dati pa, Pero sigurado na ako sa desisyon ko. "

"Teka, Ang sabi mo ang pumaslang sa mga magulang mo ang taga Semon?" tanong sa akin ni henry.


"Oo Sila nga "

"Sigurado kaba jan?"Pag tatanong ulit sa'kin ni henry.

"Sigurado, nakita ko sakanila ang simbolo ng Semonian. "-nag iba ang aura ng mukha nung biglang naalala ko ang nangyari nung mga panahon na pinagpapaslang ang mga tao sa Makilya.

"Kapag bang nakuha mo na ang iniisip mong katarungan, Magiging masaya ka na ba?"

"Magiging masaya ako,kapag napaslang ko silang lahat" napatigil sa pag kakain si henry at tumingin sa akin ng diretsyo.

"Ah, Tapos kana bang kumain?"-Sabi nya sa'kin

Tumango ako sa kanya, ang weird nya, bigla syang natahimik, may masama ba akong nasabi?


Nag bayad na sya sa Cashier at lumapit na sa'kin .

"Tara na "-yaya nya sa'kin.

Lumabas na kami sa Restaurant para pumunta na sa loob ng Academy .

"Ok kalang ba?"tanong ko sa kaniya, kanina pa kasi syang tahimik na parang ang lalim ng iniisip nya.

"A-ah ako? Oo ayos lang ako" he said, ngumiti sya pero hindi katulad ng dati nyang ngiti totoo bang ayos lang sya?

"Sabi mo eh" tumingin nalang ako sa dinadaanan namin, wala nang umimik sa amin para sirain ang katahimikan.

"May gagawin kaba bukas?" Pagbabasag nya sa katahimikan.

"Wala naman akong gagawin, Sabado na eh hahaha" saad ko.

"Labas ulit tayo ah" ano lalabas ulit kami?

"Luh kakalabas lang natin, nung isang araw, kahapon, ngayon, pati ba bukas?" Lagi kaming lumalabas dalawa, Tapos binibigyan nya rin ako ng bulaklak.

"Ah Ash" tumigil kami sa pag lalakad nung bigla syang humarap sa'kin.

"ano yun?"-tanong ko.

Nag kamot pa sya ng ulo, At parang nahihirapan syang mag sabi sa'kin.

"Ano bayun haha ,May sasabihin kaba?"

"Ash...ano kasi eh..., Ash Gusto kita " nagulat ako ng sabihin nya iyun.

Kumunot ang noo ko. "Ano Gusto mo ako? Nagpapatawa kaba "Pinalo ko sya ng mahina sa kanyang braso.

"Totoo ang sinabi ko, gusto kita matagal na akong may gusto sayo simula nung una tayong mag kakilala" napatigil ako sa pag tatawa ko, Eh parang namula ang mukha ko.

Pirsa AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon