Sir I Love You Sir

24.9K 78 3
                                    

PROLOGUE:

HER POV

"Our Miss Popular Award goes too..."

Apat na naggagandahang mga dalaga ang nasa stage. Ito ay noong School Foundation Day namin.

"....Miss Thea Samaniego!" at malinaw pa sakin kung paano kalakas ang palakpakan. Balita ko, sold out lahat tickets ko. Biruin mo, natalo ko pa ang mga second, third, at fourth year sa larangan ng pasikatan. Ako ata ang pambato ng first year level...

Ako si Thea Samaniego. Ang pinakasikat, pinakamaganda at pinakasosyal sa buong campus!

HIS POV

"HARAP SA LIKOD...HARAP!!"

Sabi nila, nakakapaos raw ang ginagawa ko, nakakapagod, nakakastress, at nakakapangit...

pero I don't mind. Dinedicate ko na ang sarili ko dito sa organization namin. Ang CAT. Junior officer pa lang naman ako, pero humahawak na ng kadete ng 4th year.

"DISMISS!!"

"SIR THANK YOU SIR!" , at nagsilayas na ang mga kadete sa field. Naririnig ko pang magbulungan yung mga babae.

"Ang gwapo talaga ni Sir Bryan..."

"Oo nga eh, parang hindi talaga siya nagugurang diyan..."

"Ang cool niya talaga!!"

"Incoming corps commander kasi eh."

This is my passion. Ang magserve sa CAT. Kahit ano pang sabihin nila. Ako si Bryan Salazar, ang pinakamagaling na Junior Officer na makikilala niyo!

****

Author-> @AnneFrias

Link of the story-> http://www.wattpad.com/story/1145371-sir-i-love-you-sir

~kremecake

Wattpad COMPLETED Stories~ TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon