My Fiancé Since Birth (Completed) A Published book under LIB/Pastrybug

50.8K 205 30
                                    

PROLOGUE

"Honey nakita mo ba si Van?" tanong ni Madeline sa kanyang hubby na si Sin. Napansin niya na wala sa kanyang tabi ang kanilang limang taong gulang na baby boy na si Van.

"Sweetie hindi ko napansin eh" sagot naman ni Sin.

Sinuyod ni Madeline nang tingin ang buong paligid ng kuwarto pero wala talaga si Van. "Oh my nawawala si Van!" kinakabahang wika ni Madeline.

"Let's go guys hanapin natin ang aming baby boy" yaya ni Sin sa kanyang mga kaibigan na nandoon sa kuwartong iyon.Kasalukuyan kasing tinitingnan nila ang buong silang na baby ng isa sa kanilang kaibigan na si Jerry. Sa kakulitan ng kanilang kaibigan dahil pinagkakaguluhan nila ang bagong baby ay hindi nila napansing mag-asawa na ang kanilang baby boy na lumabas ng private room na iyon ng St. Mary's hospital.

"Sweetie don't worry makikita din natin si Van" niyakap niya ang kanyang asawa na mukhang iiyak na sa sobrang pag-aalala. Pilit n'yang pinapakalma ang kanyang asawa. Pero sa sarili niya ay nakaramdam na rin sya ng pag-aalala para sa kanilang anak.

Sabay-sabay na nagsilabasan sila ng private room na iyon para hanapin si Van. Inisa-isa nila ang pwedeng puntahan ni Van. Ang kanilang mga kaibigan ay naghahanap narin sa ibang ward at private rooms..

Mahigit kalahating oras nang naghahanap ang mag-asawang Sin at Madeline nang mapadako sila sa mga hilera ng nga private rooms sa third floor.

"Tita,is your tummy hurts?" narinig nilang boses ng isang bata. Dali-dali silang pumasok sa loob ng kuwarto. Kaboses ng kanilang anak ang maliit na boses na nanggaling doon.

"Van!" tawag ni Madeline sa anak. Dali-dali niya itong nilapitan at niyakap. Nakahinga na siya nang maluwag dahil sa pagkakatagpo nila sa kanilang anak.

"Baby bakit nandito ka?" malumanay na tanong niya sa anak.

"Mommy kasi nawiwiwee pow ako kaya naghanap pow ako ng bathroom" paliwanag ng anak. "Mommy look she's in pain" inosenteng sabi pa ni Van sa kanyang Mommy tapos itinuro nito ang magandang babaeng buntis.

Tiningnan naman n'ya ang itinuro ni Van. Mukha ngang naglalabor na ang magandang babae na kasalukuyang nakahiga sa kama. Pansin n'ya rin sa mukha nito ang sakit na nararamdaman. Alam niya na nahihirapan ito sapagkat napagdaanan nya na rin ang ganoong pakiramdam.

"Naku Misis pasensya na at kinukulit kayo nitong baby boy namin." hinging paumanhin ni Sin sa babae.

"Okay lang kasi nililibang naman niya ako sa mga sinasabi nya sa akin kaya medyo hindi ko nararamdaman yung sakit" sagot naman nito. "Nakakatuwa nga sya kasi napakabibo niya." nakangiting sabi ng buntis kahit medyo nahihirapan na sa contractions na nararamdaman.

"Misis wala ba kayong kasama dito?" tanong naman ni Madeline. Ang nasa loob lang kasi ng kuwarto ay ang kanilang anak at ang magandang buntis.

Biglang nalungkot naman ang babae sa tanong ni Madeline. "Wala eh kasi yung asawa ko papadating palang galing Singapore. Susunduin ko nga sana sa airport mamayang alas singko kaya lang biglang sumakit ang tiyan ko at mukhang manganganak na ako. Ang sabi ng OB ko ay any minute daw ay lalabas na si baby." Malungkot na sagot nito.

"Ganoon ba tutal ginulo ka naman nitong baby boy namin sasamahan ka na lang namin hanggang sa makapanganak ka." sabi ni Madeline.

"Talaga! Salamat ha. Nag-aalala nga ako na baka pagtumawag ang asawa ko ay hindi ko masagot ang tawag niya at mag-aalala yun sa akin." masayang sabi ng buntis. "Ah ako nga pala si Althea." Pagpapakilala nya sa sarili sa mga magulang ng cute na batang kanina pa ay tanong nang tanong ng kung anu-anong bagay sa kanya.

"I'm Madeline yung poging yon naman ang asawa kong si Sin." tinuro nito ang asawa na busy sa kanyang cellphone. Malamang ay kausap nito yung mga kaibigan nila na hanggang ngayon ay naghahanap pa rin kay Van.

"Nice meeting you guys. Salamat sa inyo ha. Kanina kasi kinakabahan ako eh buti na lang pumasok dito sa room ko si Van." grateful na wika ni Althea "Nalibang ako sa mga tanong niya"

"Mommy magkakababy din pow ba siya tulad pow ni  Tita Eunice?" tanong ni Van sa Mommy niya. Si Eunice ay yung nanganak din sa ospital na iyon na dinalaw nila kanina. Asawa ito ng isa sa mga kabarkada ni Sin.

"Yes baby" sagot ni Madeline sa tanong ng anak.

"Mommy gusto ko pow maging asawa yung baby na lalabas." namimilog ang matang sabi ni Baby Van.

"Ha! Ano ba yang pinagsasabi mo Van?" gulat na tanong ni Madeline sa anak.

"Sige na pow mommy pumayag ka na pow." kulit ni Van sa ina.

"Naku Althea pasensya kana ha lastweek kasi sumama kami sa pamamanghikan ng kapatid ni Sin kaya tuloy kung anu-ano ang sinasabi ni Van." Nahihiyang hinga niya ang paumanhin sa magandang buntis.

"No Mommy paglaki ko pow papakasalan ko pow yang baby sa tummy ni Tita" nakakakunot noong sabi pa ni Van. Pinatulis pa nito ang kanyang nguso.

"Baby masyado ka pang bata" sabi ni Madeline. Biglang umiyak si Van dahil pakiramdam nya ay ayaw ibigay ng mommy nya ang kanyang gusto.

"Ayan Sin tingnan mo ang anak mo, masyado mo kasing iniispoiled ayan tuloy akala mo nanghihingi lang ng kendi kung makarequest. Gustong pakasalan yung magiging baby ni Althea. Nakakahiya" baling sabi ni Madeline sa asawang natatawa sa request ng anak.

"Eh di ipakasal natin sila pagdating sa tamang edad nila." natatawang sagot naman ni Sin.

"Halika dito baby Van" tawag niya sa kanyang anak na labas na ang sipon sa kakaiyak. Mamumula na ang mga mata at ilong nito. Kumuha naman ng panyo si Madeline sa kanyang shoulder bag at pinunasan ang mukha ng anak.

"D-daddy s-sige na pow p-pumayag na pow kayo ni Mommy" humihikbing sabi niya then nag puppy dog eyes pa sya. Alam niya kasing pagnagpuppy dog eyes siya ay hindi siya matitiis ng kanyang parents. Siya si Van nag-iisang anak nila Madeline at Sin, siya ay isang spoiled at makulit na bata. "Prowmise I will be a good boy and I will take good care of the baby". Itinaas pa niya ang kanyang kanang kamay na parang nanunumpa.

"Sige na tita pumayag ka na pow." lumapit naman siya sa hinihigaan ni Althea at nagpuppy dog eyes din.

"Ha o sige kung talagang gusto mo." pagpayag naman ni Althea tutal bata pa naman si Van at baka makalimutan nya na rin paglaki nito ang mga sinasabi ngayon.

"Yeheey Mommy Daddy pumayag na si pow si Tita paglaki namin papakasalan ko pow ang baby niya.' masayang sabi ni Van. Tumalon-talon pa siya habang pumapalakpak. "Tita what will be is your baby's name?"

"Alex kasi hula namin ng asawa ko ay lalaki ang magiging anak namin. Hindi kasi namin inalam ang ultrasound ang kanyang gender" natatawang sagot ni Althea.

"Oh no" sabay na sabi ng mga magulang ni Van. Si Van naman ay inosenteng nakatingin lang sa mga magulang.

****

Author-> @kagome_Annah

Link of the story-> http://www.wattpad.com/story/7996299-my-fianc%C3%A9-since-birth-completed-a-published-book

~kremecake

Wattpad COMPLETED Stories~ TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon