Hired Girlfriend, Hired Mommy (Completed)

134K 423 33
                                    

PROLOGUE

Kung may isang dasal na lang na pakikinggan ng Diyos mula sa akin,isa lang ang ipagdarasal ko.. ang mabigyan ako ng pagkakataon na baguhin ang nakaraan ko. Kung pwede lang sanang basagin ang bintana ng nakalipas para malimutan ko na ang lahat ay matagal ko ng ginawa. Kung ganun lang sana kadali.

Pero hindi, Ang nakaraan ay nakaraan na. Kailangan ko na lang sigurong tanggapin na ang mga hindi dapat nangyari ay nangyari na.

Pero dahil ayoko ng balikan iyon, hindi ko na ikukwento pa, 'Move Forward' sabi nga nila.

Ilang buwan nadin ang lumipas simula noong umalis ako sa Livingstone University ng pabigla-bigla at walang paalam. Walang pasabi. Basta't lumipad at umalis na lang ako. Pero kasalungat yata sa pag mo-move forward ang ginawa ko. Para ko na ring pinindot ang replay button sa pagtapak kong muli sa university na ito.

Ginawa ko na ang lahat para iwasan si—-"Shit. Si Uno."

Ganun pa rin siya.

Siya pa rin ang Uno na nakilala ko.

Akala pa rin niya eh kung sino siyang gwapo para sambahin ng lahat. Mahangin pa rin. Kaya siguro nasusundan niya ako kahit saan man ako magsuot. kahit na ginawa ko na ang lahat pati na ang pagtalon mula sa bintana ng comfort room ng mga babae para lang matakasan siya dahil nag-aabang siya sa labas.

Pero tadhana na siguro ang gumawa ng paraan hindi lang para pagtagpuin kami kundi pati na rin maging close kami. At hindi lang yun....hindi pa siya nakuntento sa pagbalik ko.

Ginawa na nga niya akong HIRED GIRLFRIEND...

Ginawa pa niya akong HIRED MOMMY.

What more can I ask for?

****

Author-> @loveorhatethisgurl

Link of the story-> http://www.wattpad.com/story/6152357-hired-girlfriend-hired-mommy-completed

~kremecake

Wattpad COMPLETED Stories~ TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon