Paunang Sulat ng May-akda

152 11 11
                                    


S I R A Y A


PAGBATI!


Kumusta?

Ika'y aking pinasasalamatan sa paguumpisa sa pagbabasa nitong aking akda.

Marahil karamihan sa atin ngayong mga Pilipino ay may iba't-ibang paniniwala tungkol sa mitolohiya ng ating bansa ngunit sa akdang ito, aking ibabase sa aking kakaunting nalalaman at mga kwentong nailahad sa akin ng aking mga uwaw o lolo at lola ang mga isusulat. Patuloy din ang aking pagsasaliksik tungkol dito upang malaman at maging mas malikhain pa ang istoryang mababasa na may kaugnayan sa mitolohiya ng ating bansa.

Ako'y naging interesado sa ating mga paniniwala, tradisyon at kultura dahil sa aking mga nababasa tungkol sa mga sinaunang Diyos at Diyosa. Katulad niyo ay may lugar para sa kaalaman at patuloy na pag-aaral at ganoon nga ang aking ginagawa. Limitado lamang ang aking mga nalalaman ngunit matindi ang aking kagustuhang inyo ding matuklasan ang aking mga nalalaman.

Itong istorya ay ginawa upang ipahayag ng manunulat ang kaniyang mga haka-haka at kaalaman tungkol sa mga nangyayari sa nakalipas tungkol sa mitolohiya ng bansang Pilipinas. Ang mga nakatala ay hindi eksaktong detalye ngunit ang ibang mga pangyayari ay may bahid ng katotohanan. Aking ginamit ang aking sariling pagkakaintindi tungkol sa mitolohiya kung kaya't ngayon pa lamang ay akin nang ipinagpapaumanhin at akin ding sasabihin na huwag masiyadong umasa sa nilalaman ng istoryang ito.




---------------

SirayaWhere stories live. Discover now