"Marco ano ba?! Tama na nga 'yan!" I screamed from the very bottom of my lungs. Napigtas na ang pinakauunti kong pasensya na natitira.
Kanina pa siya nagwawala dito sa loob ng bar. Andami niya ng naiistorbo, nakakahiya!
"Eto ba, Athena? Ito ba 'yung ipinalit mo sa'kin?" he scowled.
Bigla-bigla na lang siya sumulpot galing sa kung saan at nagbasag ng kung ano nang nagkaroon ako ng estrangherong kasayaw sa gitna ng dance floor kanina.
"DAMN YOU!" malutong niya pang mura habang nakapamaywang na parang hindi makapaniwala.
Iiling-iling niya akong dinuro. "Mamimili ka na lang, itong hindi pa angat sa akin?!" he tsked.
Sobra-sobra na ang pang-iinsultong natamo ko galing sa kanya. Hindi ko inaakala na aabot kami sa gan'to, at dadating 'yung panahon na magiging malupit saakin ang tadhana. Ayos naman eh, ayos naman maging malupit, huwag lang sana 'yung sobra.
I layed him my eyes lacing with anger, "Enough." I said.
Tumaas ang sulok ng kanyang labi with no humor can be seen through his eyes.
May sasabihin pa sana siya pero wala na akong pakealam. Kinuha ko na kaagad ang pouch ko at tinalikuran na siya, dere-deretsong naglakad paalis sa mausok na lugar na iyon. Pumara ako ng taxi at nagpahatid na pauwi sa condo.
I am now an independent woman. Ng tumungtong akong 18, I decided na bumukod na at tumayo sa aking sariling mga paa. At first, hindi pa kumbinsido sina Mama at Papa sa plano 'kong iyon, pero kalaunan ay wala na silang nagawa dahil para din naman ito sa akin. Para matuto na ako na hindi umaasa sa kanila.
Nagpakalunod ako sa mga iisipin at pilit inaalis sa aking sistema ang pait na dulot ng eksenang naganap sa eksklusibong bar na iyon.
Hindi ako makapaniwala, pagkatapos ng ilang buwan na hindi namin pagkikita ay bigla na lang siyang sumulpot doon at nag eskandalo.
He is my boyfriend.
Well, not until noong nahuli ko siyang may ibang babae. Harap-harapan.
<<<PLAYBACK>>>
It's our 3rd year Anniversary, and I want to surprise him bilang pambawi sana sa nagdaang 2 years namin na siya lahat ang nag effort at nagsorpresa.
At dahil gusto ko nga bumawi, I decided to make it public. Ang saya ko pa noon dahil sabi ko pa 'magugulat talaga siya rito.'
Two days bago ang anniversary namin ay hinanda ko na iyong mga susuotin at bibitbitin ko para sa kanya. I just can't erase or even lessen the excitement in my system.
"Stina, I just can't help it. Nag-uumapaw 'yung excitement ko. Talagang hindi niya ito aasahan." sabi ko sa best friend ko with smile etched on my face. Nag fe-facetime kami sa kasalukuyan at binibitin ko siya sa mga kuwento ko para sa surprise.
"Ano ba kasi ang gagawin mo? You know, pwede mo namang sabihin sa akin. My gosh, Athena. Hindi ko naman ipagsasabi. Wala ka atang tiwala sa'kin eh." satsat niya na tinawanan ko.
"Ano ka ba? Surprise nga diba?"sagot ko naman.
"Duh, I'm not your boyfriend. Hindi ako ang isosorpresa kundi si Marco." irap niya, halatang nagtataray.
YOU ARE READING
ONE-SHOT STORIES
Ficción GeneralI have these imaginations that only visit my mind for once, then by tomorrow? Yea it'd be gone. But I realize why not make it a one-shot story on my own and express it properly through writing, right? There's nothing wrong with it tho. So hope you'l...