"Nakikiramay kami, Flor."
Ma'am Martha said. Andito kami ngayon sa bahay, nagluluksa dahil sa pagkamatay ng kung sino man iyon. Oo, hindi ko alam kung sino dahil nang tinignan ko ang coffin, ay wala naman itong laman.
"Naiintindihan ko ang pinagdadaanan mo, Flor. Pero sana huwag kang mawalan ng pag-asa. Tibayan mo ang loob mo, andito lang kami."
"Salamat talaga, Martha. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa ngayon. Masyado akong pinanghihinaan ng loob." iyak ng aking nanay habang tintahan naman ng matalik nitong kaibigan.
Ma'am Martha F. Manzano is my mother's one and only best friend. Kahit nagkaroon sila ng alitan dati, ay naibalik pa din nila ang tiwala ng isa't isa at nanaig ang pagmamahalan nilang dalawa bilang pagkakaibigan.
It's my 18th birthday that time noong nalaman ni Mama na si Papa ay nagloloko.
"Kailan pa 'to Teo, ha?! Kailan mo pa ako ginagago?!" nanggagalaiting inilahad ni Mama ang cellphone sa harapan ni Papa. Mistulang may ipinapakitang ebidensya na nagpapatunay na nangaliwa nga ang aking Tatay.
Hindi ko nakayanan pang tignan na nagtatalo sila. Sumandal ako sa pintuang pinagtaguan ko ng marinig ko ang sigaw ni Mama kanina.
My father is cheating on us!
Ayaw ko man magkaroon ng sama ng loob sa aking ama pero hindi ko maiwasang kamuhian siya, lalo na ngayon.
"Binigay ko lahat sa'yo! Lahat ng meron ako! Alam mo 'yan! Ano, kulang pa ba?! Kulang pa ba kami ng anak mo?!"
Kahit hindi ko na sila kita ngayon ay hindi pa rin nakatakas sa aking pandinig ang sigaw ni Mama na puno ng hinanakit.
"Flor, hindi! Hindi ganoon 'yon! Sapat na kayo ni Bea, sapat na kayo ng anak natin!"
"Tumigil ka na Teodorico! Eh ano lang pala 'yon? Sadyang hindi lang marunong makuntento 'yang bayag mo?!"
Hindi ko na kayang pakinggan pa ang pagtatalo nila, I tiptoed until I reach the exit of our house. With tears falling thoroughly on my both cheeks, tinakbo ko ang abot ng makakaya ko makalayo lang sa bahay namin. Hinihingal akong huminto ng natanto 'kong masyado na pala akong napalayo.
Salamat sa Panginoon at nadala ko ang aking cellphone. Cellphone na niregalo sa akin ni Papa noong nakaraang araw para sa aking kaarawan. Biglang may sumakit sa bandang dibdib ko ng maalala ang kanyang pagtataksil.
My mother won't wrath like that. I know her. Ni minsan ay hindi ko pa nakita si Mama na ganoon kagalit. May mga away sila ni Papa, pero palaging nadadaan sa mabuti at mahinahong pag-uusap.
Isa lang ang inaasahan kong tao ngayon. May pait man sa aking sistema, ay mas pinili kong ipagsawalang bahala iyon at agad ng pinadalhan ng mensahe ang aking pinsan na si Kuya Elo.

YOU ARE READING
ONE-SHOT STORIES
Ficción GeneralI have these imaginations that only visit my mind for once, then by tomorrow? Yea it'd be gone. But I realize why not make it a one-shot story on my own and express it properly through writing, right? There's nothing wrong with it tho. So hope you'l...