"Grabe ka na, Haezy!" biglang sigaw ni Nasha na ikinagulat ng lahat ng binuhusan ako ng ipokritang iyon ng juice sa ulo.
Nandito kami ngayon sa Cafeteria kung kaya't agaw pansin talaga sa lahat ng estudyante ang eksenang nagaganap ngayon. Wala ng magawa at ako nanaman ang pinagdiskitahan ng grupong ito. Una, tinapon nila at inapakan ang tray ko na may lamang pagkain, at ngayon naman, binuhusan ng juice. Naikuyom ko ang aking mga kamao.
Dumirekta ang kanyang tingin sa aking kaibigan.
Nilapitan niya ito, "Alam mo ikaw? Huwag kang pakialamera. Hindi ikaw ang kinakausap ko! Wala kang karapatang sumabat, ultimong kaibigan mo nga hindi umiimik e! Naiintindihan mo?" at walang pasubali na pinalagapak ang isang malutong na sampal sa pisngi nito.
Doon ako hindi nakapagpigil at tuluyang napatayo, nagngingitngit sa galit ang kalooban ko at hindi ko gusto ang pakiramdam na 'to. Alam at alam kong hindi maganda ang magiging dulot ng galit kong ito pero dahil ginalaw niya si Nasha, pasensiyahan na lang.
"Isang dapo pa ng kamay mo sa kanya, magpapaalam ka na." napakariin kong ani habang walang ekspresyon ang mga matang nakabaling sa kanya.
Pinamaywangan niya lamang ako, at parang hindi makapaniwala sa ginawa kong pagsagot.
"Aba! Look who's talking, girls! Sumasagot na! Hindi na siya pipi!" tatango-tango pa siya at patawa-tawa sabay baling sa dalawa niyang kasama na parang nagpapahiwatig na tama nga siya.
Unti-unti nila akong nilapitan, silang tatlo ng mga kaibigan niya. Haezy, Josie, and Nellie. The three mighty bitches sa loob ng campus namin.
"Lumalaban ka na ha? Sino'ng tinakot mo?" hirit ni Josie, pagkadating nila sa mismong harapan ko.
"Oooh! I like your hoody, such a trashy, just like you." si Nellie naman na umikot pa saakin, para lang i-eksamin ang suot kong pang-itaas bago nagtawanan ang dalawang natitira sa aking harapan.
"My God, Nellie! Huwag mo ngang sabihin 'yan, nakakahiya naman para kay Tamara." Hindi nakatakas sa aking pandinig ang tungkol sa kung paano niya bigkasin ang aking pangalan na may halong pangmamaliit.
"Looser na nga, ginaganyan mo pa. Right, Tamtam?" pairap na wika ni Haezy sabay taas ng isang kilay sa akin.
Ramdam ko ang tingin ng mga estudyante sa amin pero wala akong pakealam.
Ginalaw ko ang aking panga bago siya matamang tinignan, nakakaumay 'yung mukha niya. Nayayamot na ako.
"Wala ka sa posisyon para manampal. Lalo na, kapag ang taong kinalantari mo, ay kaibigan ko." sinadya kong diinan ang bawat bigkas, babala lamang na unti-unti ng umaangat at naghahari ang galit sa aking sistema.
Umakto siya na parang natakot kuno, may paghawak pa siya sa dibdib niya, at pag-atras na nalalaman. Mas lalo lang uminit ang ulo ko.
Nilapitan ako ni Nasha at binulungan, "Tam, tama na 'yan. Halika na." naramdaman niya sigurong kahit anong oras at isang kalabit nalang ng tatlong 'to ay puwede na akong sumabog.
"Get out, bitch." sabay lapit at tulak ng buong lakas ni Haezy sa kaibigan ko. Tila gatilyo iyon ng tuluyan ko ng pagsabog.
Hinarap niya ako ng nanlilisik na mga mata. "Sasampalin ko, ang kung si--"
Hindi ko na hinayaang matuloy niya pa ang sasabihin niya at binigyan na siya ng isang malakas na suntok na agad niyang ikinatumba. Agad akong sinugod ng dalawa ng makita ang nangyari sa lider nila, akmang mangangalmot at mananabunot pero umilag ako sabay harang ng isang paa dahilan ng pagkatalisod at pagkatumba rin nila.
Muling tumayo si Haezy at sumugod, "How dare you?!!"
Ngunit hindi pa man siya nakakalapit ng tuluyan ay may kamay ng nagpigil sa nanggagalaiti niyang sarili na sabik na sabik makipag-away.
Nang nakita kung sino ito, ay agad nag iba ang kanyang aura. Para siyang isang kuting na biglang umamo ang mukha.
Akmang susugod na naman ulit ang kanyang dalawang mga alipores ng pinigilan niya ito gamit ang isang kamay ng hindi sila tinitignan dahil nakuha na ng lalaki sa harapan niya ang kanyang buong atensiyon.
"Girls, stop it."
"Uh, hi! I am Nehaezy Sheera H. Villanueva, but you can call me "Haezy." hah! hanep nagpakilala pa! Para siyang kiti-kiti sa pagsasaayos ng kanyang damit, buhok, at mukha bago naglahad ng kamay sa lalaking kaharap.
Nagbubulung-bulungan na ang iilang mga tao sa paligid namin. Iyong iba, dinig na dinig pa.
"Oh my gosh, nakakahiya 'yang bruhang Haezy na 'yan!"
"Ew, ang feeling niya pa!"
"Oh, boy. Do not tell me that's Drake Calmeron of Invention Six Magazine!"
"Yo, he is one.shot.of.a.hot.masterpiece!!!"
Ilang minuto na ang lumipas, nakalahad pa din ang kamay ng pilingera. Imbis mainis, ay natuwa pa ako sa mukha niyang parang maiiyak na sa kahihiyang natamo.
Pero aba, matibay ha. Inulit niya pa ang pagpapakilala at parehas lang din ang naging reaksiyon ng kinakausap niyang lalaki.
Cold expression.
"Next time you lay your fucking filthy hands, make sure it is not for my girl." napakariin ng pagkakasabi ni Drake na mas nagpaingay sa mga estudyanteng nakapaligid.
"Oh! that was intense!"
"Wait, what?! So girlfriend niya si Tamara?!!"
"Oh my god, she's so lucky!!!"
"Ang swerte niya! Sana ako nalang siya!"
"Teka! A-ano?! Girlfriend mo 'to?!" usal niyang hindi pa din makapaniwala.
"Seriously, etong introvert na 'to?!" dagdag niya pa.
Binalingan ko ang dalawa niyang alipores at nakanganga lang din sila na parang hindi makapaniwala.
"Let's go." pang pinal na sabi ni Drake, bago ako hinawakan sa kamay at tuluyang hinila palabas doon. Nakasunod si Nasha sa amin na tikom din ang bibig.
-whnzzy.
YOU ARE READING
ONE-SHOT STORIES
Ficción GeneralI have these imaginations that only visit my mind for once, then by tomorrow? Yea it'd be gone. But I realize why not make it a one-shot story on my own and express it properly through writing, right? There's nothing wrong with it tho. So hope you'l...