First Page

26 3 0
                                    


"Sa Bawat Pagpikit"

Lulubog ang araw; lilitaw ang araw
Hindi ko lubos akalain
Na sa bente kwatro oras
Puro paghihintay ang aking ginagawa
Nagbabakasakaling huminto rin ang lahat

Ang pagod; ang hinagpis
Na hindi mawala-wala
Dala-dala hanggang sa pagpikit
At pagmulat ng isipang
'Di matahi-tahimik

Lalaban pa ba o susuko na?
Dahil sa puntong ito, hindi ko na rin alam
Hindi hinangad ang ganitong laban
Na sarili lamang ang may alam
Na sarili lang din ang katuwang

- D.A.

Date: 08/23/21
Time: 11:03 pm

Between Black and WhiteWhere stories live. Discover now