"Tatlong Parte Ng Libro"Parang libro lang tayo:
May simula, gitna, at wakasTatlong parte na pilit na pinaghati-hati
sa di' mabilang-bilang na kabanata
upang makalikha ng storya na
may kombinasyong tamis at pait
Pero higit sa lahat
Upang makapagiwan ng tintaSimula, gitna, at wakas
Sa mundong napupuno ng pahina
Nasa pang ilang kabanata ka na ba?Nakakainip. Nakakasabik.
Pero higit sa lahat — nakakatakot
Ni sinuma'y walang kaalam-alam
Kung ang kabanata na tinatahak
Ay parte ng simula, gitna, at wakas
Saang parte ka na kaya?Simula, gitna, at wakas:
Saan nga ba nagwawakas
ang wakas?- D. A.
Date: 09/16/21
Time: 12:18 an

YOU ARE READING
Between Black and White
PoesíaA collection of poems, prose, and all in betweens of all the things I wanted to say but cannot. Disclaimer: TagLish