Part 6

34 1 0
                                    

Baby

1 message received

From: Axl

Thankyou kanina :)

Yung makulit na nagpapirma sakin sa signature campaign. Nakakatext ko na sya dati pero di kami close.

Nagwelcome ako. We talk. Kung ano-ano. Tapos. Ang gaan ng loob ko. Sobra. May kung anong iba sakanya.

After that day, lagi na kaming magkatext.

Habang nagkaklase kami kay Mam Melaine, MAPEH teacher. May nagtext sakin.

From: Axl

"Pst. Tara sa hagdan tambay tayo. :)."

Hindi na ako nagreply dahil madali lang naman magcutting kay Mam Melaine. Bad ass Claire. Hahaha. Paglabas ko ng room, nakaupo na sya sa hagdan, nasa 2nd floor kasi ang room namin at 1st floor naman sila kaya yung stairs sa tabi ng room namin ang nakahiligan namin tambayan.

"Baby!" Tawag ko sakanya. It's not our endearment pero ito ang tawagan nila ng ex girlfriend nya kaya tinutukso ko sya. At isa pa, nag eenjoy akong tawagin syang baby dahil napapangiti sya sa di ko malamang dahilan, na nagiging dahilan ng pag ngiti ko rin.

"Dapat magkaron na din tayo ng endearment." Sabi nya habang nakaupo kami.

"Ikaw, ikaw na mag-isip." Sabi ko, gusto ko talagang i suggest yung baby pero nahihiya ako, di ko alam kung pano.

"Hmm, gusto mo baby nalang? Tutal nasanay na kong tawagin kang ganun." Palusot ko pa. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

Nakatitig lang sya sakin. "Yan din nasa isip ko eh." Sabay ngisi. Di ako nakapagsalita sa sinabi nya. After that, spell A-W-K-W-A-R-D-S-I-L-E-N-C-E.

Nagulat ako ng bigla syang nagsalita.

"Baby?" Sabay tingin sakin, nakangiti sya. Nakakamatay yung ngiti nya shete. Baby. Baby. Baby. Yan lang ang tumatakbo sa isip ko.

"Hmm?" Tumingin ako sakanya, mas nagulat ako nang nakita ko syang nakatitig ulit sakin. Yung mga mata nya, nakakalasing tumingin. Agaw pansin talaga yung mata nya. Ang ganda.

"Di naman tayo nagtataguan pero bakit hinahanap-hanap kita?" Tapos tapos tapos grabe! Ano ba tong nararamdaman ko? May naghuhurumentado sa sistema ko, may mga paru-paro sa tyan ko. Feeling ko sasabog na ko sa kilig. Sobra. Wait? Sa kilig? Nahulog na ba ko kay Axl? Kay BABY?

Hi :) sorry matagal update, priorities hihi. Ewan ko kung itutuloy ko pa to. Bahala na :D Thankyou sa reads and votes. Tas sa konting comment. :D mwaa. :*

Five-Peso CoinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon