30

3.5K 141 61
                                    

Sky.

Naramdaman ko yung pag-galaw ng balikat ko. May gumigising sa akin..

"Nak, bangon na may naghihintay sa'yo sa baba."

"Opo, maliligo na."

Narinig ko na tumawa si Mama tsaka na lumabas sa kwarto ko. About the Mommy & Daddy thingy, sinabi ko na mas gusto ko pa din ang Mama at Papa at umagree naman sila.

Naligo na ako at nag gayak kahit hindi ko kilala yung bisita. Nagsuot ako ng shorts tapos nag converse lang ako at t-shirt. Eh, nothing special. Maswerte nga yung bwisita ka at gumising ako ng maaga. Yas you're right—bwisita talaga.

Paglabas ko nagulat ako kasi lumabas si Ate Michelle sa guest room namin. Suot padin niya yung dress niya kagabi at halatang bagong gising lang siya.

"Good Morning."

Napataas nalang ako ng kilay. Anong nakain nun at FC siya? Tch.

"Hoy Kuya, bakit ang gurang ng itsura ni Ate Michelle?" Tanong ko kay Kuya na kalalabas lang din ng kwarto niya.

"Ah, nalasing yan kagabi kaya kung saan saan siya pumunta kagabi kaya dito na muna siya pinag-stay ni Mama."

Lasing daw? Weh? Maniwala!

"Ahh okay." Sagot ko at bumaba na ng hagdan. "Anong ginagawa mo dito?!"

Ang ganda naman ng simula ng araw ko. Huwaw, pagmumukha ni Darren ang nakikita ko. Nakasandal siya sa sofa namin at nakasmirk na nakatingin sa akin. Feel at home?

Eww, ang pangit niya.

"Huwag mo nga akong titigan."

"Mama! Bakit may kumaw dito sa bahay?!"

Sumilip si mama na nasa kusina. Tumawa siya at binigyan niya ng tubig si Ate Michelle bago pumunta sa akin. Tinitigan kaya uli ni Ate Michelle si Darren? Hay ewan!

"Nak naman, bisita mo 'yan hindi 'yan kumaw." Sambit ni Mama at naglakad siya papunta sa tabi ko.

"More like bwisita."

"Sky." Seryosong sabi ni Mama.

Tumahimik na ako tsaka umirap. Ano bang ginagawa niya dito? OMG trespassing! Irereport ko si Darren!

"Oh ijo, heto na si Sky, balik nalang kayo mamaya ha?" Sambit ni Mama tsaka niyako tinulak palapit kay Darren. Nanay ko ba siya? Tinutulak kasi niya ako sa kumaw waaaaa!

"Mama naman eh! Hindi ko tapos titigan si Kuya pogi!" Sigaw ni Clary na nakadapa sa may sahig at nakatingala kay Darren. Trip naman neto?

"Hindi pa po ako kumakain," sabi ko kay Mama at tinaasan ko ng kilay si Darren. Tumayo naman siya at hinigit niya ako sa braso.

"Paalam po," sagot ni Darren at nag-wave na siya ng goodbye kay Mama. "Huwag ka ngang maarte, sabay na tayo mag breakfast, pasalanat ka ililibre kita."

"Sinabi ko bang ilibre mo ako?" Tanong ko sa kanya. Epal niya, bakit kasi siya pumunta sa bahay?

Nasa labas ng bahay namin yung driver nila Darren. Inunahan niya ako at sumakay na siya sa backseat. Napairap nalang ako. Hindi talaga gentleman si Darren, haha! Ang samang lalaki naman neto!

Nginitian ako ni Kuya driver at pinagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan. Umupo ako sa tabi ni Darren at pagpasok ni Kuya, pinuri ko siya. "Salamat po Kuya ng napakarami, napakagentleman mo po, thank you talaga." Pinandiinan ko yung thank you at gentleman para matamaan si Darren.

"May pinapatamaan ka ba?" Tanong niya ngunit hindi siya tumingin sa akin.

"Bakit? May dapat ba akong patamaan?" Tanong ko sa kanya pabalik.

PROBLEM | Darren Espanto #1 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon