23

4K 139 32
                                    

Skylynn's POV

Naglalakad kami palabas ng room ni Darren tapos ang tahimik lang namin.

"Darren, san daw tayo pupunta?" Tanong ko para lang makumpirma yung kinakatakot ko.

"Sa office ni Mrs. Valenciano, bakit?" Tanong niya sa akin.

"Diba sa kabilang campus pa yun?" Tanong ko sa kanya at tumango lang siya. "Eh? Sigurado ka? Lahat ng estyudante andito sa campus na ito ah."

"Oo nga ang kulit."

Ang sungit naman ni Darren! Tss. Kung ako sinisisi niya at mapapapunta siya sa guidance office, aba nahihiya naman ako at pinapunta din ako ng dahil sa kalokohan niya.

"Halla Sky, malapit na tayo sa kabilang campus," pananakot ni Darren.

"Mananahimik ka o babatukan kita?"

"Sky, may multo sa tabi mo," sambit niya at tinuro niya yung nasa tabi ko. Nakatingin lang ako sa kanya ng masama. "Seryoso ako."

"Waaaaah! Mommy!" Sigaw ko at tatakbo na sana ako palayo. Letse kasi itong campus, ang dilim! Hinawakan ni Darren yung kamay ko.

"Hahaha! Joke lang! Andito naman ako kahit may multo ako bahala sayo. Tsaka isa pa, wag ka nga sumigaw ng Mommy, wala Mommy mo dito." Sagot niya at tumahimik lang ako.

Bumitaw ako sa hawak ni Darren. Malandi! Hahaha.

Naglakad lang kami ni Darren tapos nagulat ako sa pusang tumalon.

"Waaaaaah! Pogi!"

"Yun naman! Very good Sky! Sumigaw ka ng pogi kasi pogi naman talaga ang nandito."

"Heh!" Sigaw ko at kumapit ako sa braso niya.

"Tsansing ka na naman Sky."

Bumitaw ako sa braso niya. Natetense ako. Nagulat talaga ako doon sa pusa.

"Huy okay ka lang?" Tanong sa akin ni Darren tsaka niya hinawakan yung kamay ko. "Nanginginig yung kamay mo."

"Darren, takot ako sa pusa at sa dilim okay?" Sagot ko sa kanya.

Binitawan niya yung kamay ko at nanginig uli ito. Akala ko kung ano na ang gagawin niya pero umakbay siya sa akin tsaka niya ako inilapit sa kanya.

"Kailangan ko bang ulitin na ako bahala sa'yo?" Tanong niya sa akin.

"Darren wag ka nalang umakbay baka napipilitan ka lang, kakapit nalang ako sa braso mo."

"Hindi," sagot niya tsaka niya ako inilapit pa sa kanya. "Ako talagang bahala sa'yo."

Naglakad kami papunta sa office ni Mrs. Valenciano. "Hello Darren and Skylynn, namiss niyo bang mapunta sa office ko?"

Umiling kami pareho ni Darren.

"Bakit kasi nag-announce pa kayo sa stage?" Tanong ni Mrs. GC.

"Dinare po kami."

"Sumunod naman kayo? Tsk."

"Eh kayo po kaya magbayad," bulong ni Darren at napatawa ako.

"Ewan ko sa inyo. Pumunta kayo sa Gymnasium at ayusin niyo yung mga upuan para sa Science Bingo mamaya."

"Sige po."

Umalis na kami ni Darren at naglakad na pabalik sa kabilang campus.

Habang naglalakd kami. Dumaan na naman yung pusa. Hindi ako sumigaw dahil nagulat ako pero sumigaw ako kasi napatid ako sa letseng pusa na yon.

PROBLEM | Darren Espanto #1 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon