36

2.2K 140 48
                                    

Skylynn.

"Ready ka na anak?" Tanong sa akin ni Papa. Tumango lang ko tsaka siya humalik sa noo ko. Para siyang si papa talaga. "Kain ka na." Inayos na ni papa yung libro ko na nakatapat sa mukha ko tapos bumungad ang napakabait na pagmumukha ni Michelle.

Bahay niya ba ito? Alas sais palang ng umaga andito na siya. Epal nito ah. Pasimple ko siyang inirapan. Ngumiti lang siya sa akin.

Santa santita. Tss.

Kumain na ako ng mabilisan tsaka bumalik sa kwarto ko para magtoothbrush at kunin ang gamit ko. Humarap ako sa salamin, ang ayos ko tignan. Walang eyebags dahil nakareview na ako.

Lumabas ako agad tsaka sumakay sa front seat. Papasok sana si Michelle pero nag earphones ako tsaka pumikit. Buti nga sa kanya.

Pagsakay ni Kuya, nagulat siya kasi ako ang nakita niya. Huwag niyang sabihin sa harap ang girlfriend niya. Ako padin ang kapatid niya, partially—akin din ang kotseng ito.

Inirapan ko din si Kuya. Nagmamaldita na naman ako. Nag-aaral din naman si Kuya kaso College na siya. First year College at ngayon ay sembreak na nila. Ang aga no? Kami, pagkatapos palang ng exam namin.

Nakatingin ako sa may rare view mirror. Walang emosyon ang itsura ko pero ang mata ko, hatang naiinis. Nakatingin aki kay Michelle na nasa likod mag-isa. Akala mo napakaamo niya.

Bumaba kami ng kotse at ng paalis na ako, hinawakan ni Kuya yung braso ko.

"May problema ka ba kay Michelle?" Mariin na tanong sa akin ni Kuya. Inalis ko ang pagkakakapit niya sa braso ko at pansin kong namumula ito.

"Ako? Wala akong problema sa kanya pero siya? May problema siya sakin."

Naglakad na ako papunta sa last locker ko. Bahala si Kuya. Pati tuloy siya, kinaiinisan ko na. Hindi man lang niya inalam ang buong pagkatao nung Michelle.

Binuksan ko yung locker ko. May nahulog na letter. Nakafold lang siya.

May chocolates akong inilagay sa upuan mo, para sa exam natin. Good luck and God Bless, sana makita kita this day.

-Siopao :))

Sino kaya itong Siopao na ito? Nagtataka na talaga ako sa kanya. Napangiti nalang ako. Malakas kutob ko, kilala ko siya.

Pumasok na ako sa room namin at nakita kong pinapaligiran nila ang upuan ko.

"Wow, haba ng hair ah."

Lumapit ako at nakita kong ang daming brand ng chocolates sa upuan ko. May isa ding rosas at may nakadikit na sticker na smiley. Wala naman letter na nakalagay pero kinuha ko pa din yung mga chocolates at inilagay sa bag ko.

Una kong kinain yung mga kisses. Sabi kasi nila lalong tatalas ang isipan mo kapag kumain ka ng chocolates.

"Hoy pahingi naman. Hindi ka pa nagbayad sa tutorial na ginawa ko."

Kumuha ako ng lima tsaka ko isinubsob sa mukha ni Darren. "Oh yan bayad ko tch." Kumain uli ako tsaka nagbasa sa notebook ko ng Biology. Shet kinakabahan na ako.

"Kulang pa ito ah." Sagot niya tsaka kumain. Inirapan ko nalang siya at kumain na muli.

Hindi naman totoo yung sinasabi nila na kapag kumain ka ng chocolate habang nag aaral, mas makakafocus ka.

PROBLEM | Darren Espanto #1 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon