Chapter 66: Sky

766 57 13
                                    

"May something na ba sa inyo?" Tanong ng kaklase ko kay Darren at Sunshine pero pabulong lang. Nandito rin kasi sa room si Jace, baka mamaya magkagulo pa ulit. "Kasi lagi na kayong magkasama." It was a whisper, but it's loud and near enough for me to hear.

"We're friends," sagot ni Darren without taking a glance at our classmate. "Good ones." Dagdag niya tsaka na tumingin saglit.

Si Sunshine naman nakatingin lang kay Darren na parang binabantayan ang mga sasabihin at isasagot niya. Magkatabi na naman kasi sila. Nagrereview sila ng sabay.

"Really?" Natatawa niya ulit na tanong.

"Yes, really." Sagot ulit ni Darren at nakakunot noo naman si Sunshine.

Of course, alam niyang may gusto sa kanya si Darren. Though walang sinasabi si Sumshine na gusto niya rin si Darren, it was pretty obvious with the fact that she's here with Darren instead of Jace which is her ex and I think they should be making up and talking things kung si Jace padin ang gusto niya.

But she isn't doing anything.

And for Darren and Sunshine? Their feelings are mutual, for short.

Hindi ko lang alam kung nag aassume ba si Sunshine na may something na sa kanila. Well, magaling ang mga babae pagdating sa salitang 'asa/umaasa/aasa.'

I, honestly, belong to the group of people who keeps on hoping.

Humarap na ako sa libro ko at paulit ulit na namang binasa ito. Damn these Math subjects. Bakit pinaghiwalay pa ito?

"So, who called last night?" Tanong ni Skyler kaya huminga ako ng malalim at isinara ko ang libro ko. I know he won't let this pass.

"Si Darren," sagot ko tsaka pa lalong kinabahan. "Nagtatanong ako ng pointers." Sagot ko agad para wala nang tanong. Lalo lang akong mapaaisip nito. "Ako ang tumawag, actually."

"I see," sagot niya. "Why didn't you call me instead? I wrote the pointers, too." Saad niya and I was completely blank this moment. Hindi ko na alam ang idudugtong ko.

"Eh kayo, Sky na dalawa? Kayo na ba?" Tanong sa amin.

I wanna hug my classmate by now. She is an indirect hero. Sasagutin ko nalang ang tanong niya, baka sakaling maiwal din ang usapan namin ni Skyler.

"Hindi ah," saad ko. "Best friends," dagdag ko tsaka ngiti.

"Tapos magiging lovers din?" Pang-aasar niya at nagsimula na naman silang manukso sa amin. It's okay with me, kaysa naman malaman talaga ang totoo. I need to cover it up, I need some white lies.

"Eventually," natatawang sagot ni Skyler which earned loud chants from them. Shipping will never get old. "What I meant was, 'maybe'."

"Oh tingnan mo nga!" Natatawa niyang sigaw sa amin. "Sweet niyo kasi pero hindi niyo pinapahalata by acting as magkaibigan."

"Hey, stop it!" Saad ko sabay tawa. "We are best friends. Right, Skyler?" Tanong ko. Divert your attention, please. I don't want further questions. Natatameme lang ako.

"Right," jolly niyang sagot bago na kami nagreview muli.

That made me happy. Ayaw ko nang maintriga pa eh. Not that Skyler's going to tell it to others pero mas gusto kong amin nalang ni Darren and I'm hoping he won't tell it to others too.

***

And of course, ang goal namin is to pass the exam. We will study well but not study hard. Pangit din magcram ng lessons, baka makalimutan lang. Inuna lang namin ni Skyler ang Math subjects namin kasi yun talaga ang una kapag first day ng exam.

PROBLEM | Darren Espanto #1 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon