01

11 0 0
                                    

"Tumayo ka na kasi dyan!" Tanginang bunganga iyan apaka ingay naman.

Tinalukbong ko ang kumot tska tinalikuran ang isang ito.

"Hoy! Ano ba mali late ka nyan pucha kanina pa tunog nang tunog cellphone mo apaka ingay!" Argh!

Sa sobrang inis ko tumayo na ako at padabog na hinagis ang kumot sa kanya tinignan ko ang cellphone ko na halos mapuno sa dami ng tawag nang nanay at tatay ko.

Hindi kasi ako nakauwi kaya kay caleb ako natulog dahil lasing ako kagabi, Well walang bago para sa akin vitamins ko ang alak.

Caleb is my boy bestfriend kasama ko na iyan simula kinder.

"Tanginang bunganga iyan anong oras pa lang 8am pasok ko!" Singhal ko sa kanya 7am pa lang naman, ngayon ang unang araw ko sa kolehiyo.

Sino ba naman ang sisipagin hindi ko gusto ang kursong iyon magulang ko ang nag desisyon pala desisyon amp!

Tourism ang kursong ibinigay nila alam niyo kung bakit? Kesyo tomboy raw ako roon daw mababago pananaw ko aba ako nga hindi ko alam kung ano ako tapos sila alam na nila! 

Tska really? Tourism bakit babae lang ba ang pwede roon minsan talaga hindi ko alam kung tama ba ang iniisip ng mga magulang ko.

Argh! Tumayo na lang ako para maligo at mag ayos na dahil naiinis na naman ako sa naiisip ko.

"Alis na ako." Paalam ko kay caleb na asa sala, Pumapasok iyan pero hindi kami same ng school dahil kuya niya ang nag desisyon saan siya mag-aaral.

Nakarating ako sa school na lumulutang ang isip hindi ko alam paano ko nagawa iyon.

Pag pasok ko sa room medyo marami ng studyante dahil mag aalasotso na tumungo ako sa dulo dahil ayaw ko makisalamuha sa kanila bukod kay caleb wala na akong kabigan.

"Hi, May naka upo ba rito?" Tanong ko sa babaeng nag iisa sa dulo, Mukha siyang manika.
A living barbie doll.

Tumingin siya sa likod niya pati sa kaliwat kanan niya, she looks nervous and i find it cute. 

"Ikaw kausap ko." Nakangiti kung ani sa kanya.

"Ah, Wala." Nautal pa siya ang cute rin ng boses niya.

"Paupo ah." Saad ko sa kanya at na upo na sa tabi niya.

Pag upo ko bakas sa mukha niyang nag iisip siya halata mo rin na kabado siya.

"Halatang kinakabahan ka, Ang cute mo! Anong name mo?" Tuloy-tuloy kong ani habang nakaharap sa kanya.

"Ashley,ash na lang." Kahit pangalan ay maganda, Para siyang batang iniwan nang magulang sa classroom she looks very innocent.

"I'm janine!" Pag papakilala ko sa kanya.

Hindi ako ganito hindi ako pala kaibigan hindi nga ako kumakausap nang iba dahil ayoko, pero iba ang dating ng isang ito para siyang batang kailangan ng kasama dahil sobra ang kaba niya.

Maya-maya ay dumating na ang prof namin kaya hindi na muna kami nag usap, Magaan ang loob ko sa kanya siya lang ang babaeng nakausap ko ng ganon.

Hindi ako palasama sa mga babae laging mga lalaki ang kasama ko dahil lagi akong sa barkada ni caleb nakasama.

Matapos ang introduction sa iilang subject ay break time na, Inaya ako ni ashley pero hindi ako sumama dahil ayoko nga nakikisalamuha sa iba e mukhang ang dami niyang kaibigan.

Kinuha ko ang hoodie ko at sinuot iyon inilagay ang hood sa ulo ko at ipinasok ang kamay ko sa bulsa nito tska ako lumabas bibili lang ako pagkain at dito na lang ka kain.

Maikli ang buhok ko boy cut, Hindi ako sanay mag pa haba.

Sa room ako kumain matapos noon ay nag cellphone lang ako maya-maya ay tumunog na ang bell hudyat na tapos na ang oras ng kain.

"Kumain ka na ba?" Tanong ni ash pag balik niya.

"Yep, Dito na ako kumain tinatamad ako eh." Ani ko pero hindi naman ako tinatamad ayoko lang isipin niya na ayoko siya samahan kanina.

Matapos ang klase ay hindi ko alam saan ako tutungo 7pm pa ang uwi ni caleb, ayaw ko sa bahay.

May susi naman ako ng bahay ni caleb kaso amboring naman mag isa lang ako doon.

Kumain muna ako sa paresan at tsaka umuwi sa bahay wala naman akong choice kailangan ko rin umuwi dahil wala na akong damit kayla caleb paano ang isang iyon sabi mag papa laundry na hanggang ngayon 'di pa rin nag papa laundry.

"Bakit hindi ka na naman umuwi kagabi?" Bungad nang nanay ko.

Napa irap na lang ako at hindi siya sinagot tumungo ako sa loob ng bahay at pumunta sa kwarto ko.

Nag bihis lang ako matapos ay nahiga na aantayin ko si caleb na umuwi.

Habang tumatagal mas hindi ko naiintindihan ang sarili ko nag kaka gusto ako sa babae, Pero sa tingin ko natural iyon may mga babae namang nag ka ka crush sa girl, Pero simula bata ako ayoko ng mga manika at Barbie lagi kong gusto ang laruan ni caleb siguro dahil nasanay ako na siya lang ang kaibigan? Ayoko sumasama sa mga girls dahil ang dami nilang gustong ipagawa sa akin na mga ayaw ko like mag make up mag boy friend hindi ko gusto ang mga iyon.

Minsan ba tinanong niyo na ang sarili niyo kung ano ba talaga kayo? Hindi ko kasi talaga maintindihan ang sarili ko. Hindi ko gusto ang tourism dahil engineering ang gusto ko ayaw ni dad dahil mas lalo raw akong magiging tibo, Dang! Mas alam niya pa ang kasarian ko lagi niya akong pinapagalitan napag bubuhatan nang kamay dahil sa mga kinikilos ko lagi niyang sinasabi na bakit ganyan ang damit mo, lalaki ka ba? Bakit ganyan ang upo mo umayos ka nga. Bakit ganyan ang buhok mo sinisira mo ba ang buhay mo? bakit ka nag yoyosi bakit ka umiinom.

Tangina! Ang daming bakit! Nalilito na rin ako naguguluhan,napapagod. Tao rin ako may pakiramdam.

Pati ako ay nalilito kung ano ba talaga ako iniisip ko na baka tomboy talaga ako pero hindi ko matanggap dahil sa tatay ko paano ba mabuhay na ang mahalagang gawin lang ay huminga hindi na yung iniisip pa ang sinasabi ng iba.

"Bagal mo naman sumagot!" Sigaw ni caleb mula sa cellphone tumatawag pala siya eh nag nag da drama ako.

"Dito ka ba matutulog?" Ani nito asa bahay na siya.

"Hindi, Pero tara inom tayo." aya ko na sinangayunan niya.

Si caleb ay ulila na bata pa lang kami ng mamatay ang magulang niya dahil sa plane crash, Kung sino ang nag pa paaral sa kaniya walang iba kundi ang kuya niya mayaman ang magulang niya may company maraming business na iwan lahat iyon sa kanya at sa kuya niya 25years old na ang kuya niya samantalang siya ay 19, Noong namatay ang magulang nila ay halos walang kinakausap si caleb kahit ang kuya niya wala naman na silang pamilya kundi silang dalawa na lang patay na ang lolo at lola nila tapos ang mga tita naman nila ay hindi naman nila kilala.

Ayaw na ayaw ni caleb ang sumakay nang eroplano pero raw kapag naging Flight attendant ako ay sa sakay na raw siya iyon ang ginawa niyang motivation ko para ituloy ang tourism dahil alam niyang ayoko nito pero wala akong choice.

"Sa bahay na lang tayo uminom pagagalitan na naman ako ni kuya kapag may naka kita sa akin sa bar." Ani niya sinundo niya ako sa labas ng bahay.

Wala si daddy kaya naka alis agad ako si daddy lang naman ang mahigpit si mommy naman ay tulog na, May kuya ako sumunod ako at ang bunsong babae rin close naman kami ni kuya lagi rin wala sa bahay laging asa barkada niya ang bunso naman ay 10yrs old pa lang.

"Sige, Bahala ka bahay mo naman iyon." Mag isa lang siya sa bahay dahil laging asa ibang bansa ang kuya niya tska may sarili na rin kasing pamilya pero hindi naman siya pinapabayaan.

Pinatay ko ang cellphone ko ayoko ng istorbo alam ko kasing tatawag nang tatawag si mom and dad. 










Under her hoodieWhere stories live. Discover now