03

8 0 0
                                    

"Hoy, putangina gumising kana nga apaka ingay ng cellphone mo!"

Iminulat ko ang mata ko pucha talagang caleb 'to apaka lakas ng bunganga, bading ata ampota.

Sabado ngayon, walang pasok kaya lang maingay ang cellphone ko dahil tawag ng tawag si mama at papa kaya tumayo na ako para umuwi bago pa ako mawalan ng magulang

"Alis na ako, text ko ako kapag may alak ulit, mag pa laundry kana!"

At as usual binugbog na naman ako ng tatay ko, hanep na iyan puro pasa na naman ako.

Uminom lang kami ng linggo at ng mag lunes na ay pasukan na naman alam ko may quiz kami eh pero bahala na tamad ako mag aral.

"Miss kita beh!" Bati ni ashley ng makaupo ako.

"Parang dalawang araw lang tayong 'di nag kita clingy mo na ha."

Maya-maya na tapos namin ang quizzes, tangina akala ko isang quiz lang lahat pala ng major subjects may quiz ampotek.

"Una ako umuwi andyan na sundo ko bye!!!" Paalam ni ash andyan na si mark halatang may gusto si mark kay ash, pusta ko bente mag kakatuluyan yan.

"Tagal mo naman lumabas!" Bulyaw ni caleb, bakit nga ba anditi yan.

"Problema mo? Bakit ka andito? Hindi naman dito school mo."

May dalabg motor malamang to mag aaya na naman tong uminom.

"Samahan mo ako sa company." Ay gago akala ko iinom.

"Tsk, akala ko alak!"

Hinablot ko ang helmet at sinuot na ganin din ginawa niya.

"Puro ka alak, baka 'di na dugo dumadaloy sa'yo" napairap na lang ako.

Maya-maya lang nakarating kami sa company nila, malamang pinapatawag siya ng kuya niya, kada ipapatawag iyan lagi akong sinasama parang batang mawawala ampotek.

"Hi, janine! Kumusta naman?" Tanong ng kuya ni caleb, close rin kami nito mabait eh, niyakap ko si kuya tska na upo sa swivel chair niya syempre makapal mukha ko eh.

"All good naman ang buhay, humihinga pa naman."

Tinawanan niya iyon.

"Caleb, halika sa conference may pag uusapan tayo, janine dyan ka muna manood ka sa TV or sa laptop ko bahala ka na dyan malaki ka na kapag may pumasok sabihin mo nakipag bonding sa aking little bro." Tska siya tumawa, pang asar talaga ang isang to habang si caleb banas na banas na.

Lumabas na sila ako naman sinandal ang ulo sa upuan inaantok ako kaya nilabas ko ang cellphone ko.

Nag IG muna ako dahil na buburyo na ako ayoko naman manood sa TV. Apaka tagal mag usap ng mag kapatid kaya lumabas muna ako para mag yosi.

"Bro!" Bati ng lalaking naka salubong ko sa labas.

"Gago, john?! Buhay ka pa palang hayop ka!" Saad ko tska nakipag bro peace sa kanya. Kaklase ko ito dati noong shs close rin kami, sabi sa inyo puro lalaki ang kaibigan ko.

"Gago, nag ibang bansa lang kaya na wala, u know move on sa jowa." Hanep mag move on sa ibang bansa pa iba talaga yaman nito.

Nag chikahan lang kami ng mga ilang minuto nung may tumawag sa kanya ay umalis na siya tska na lang daw kami mag usap, bumalik na rin ako sa office niya kuya saktong pasok din nila, mukhang malaki problema ni caleb dahil hanggang ngayon na asa tapat na ng bahay ay di na nag salita, kapag ganon huwag mo siyang ka kausapin ayaw niya ng maingay hayaan mo siyang mag isip-isip mag ku kwento rin iyan kaoag okay na siya.

Pag pasok sa bahay buti wala ang magulang ko si kuya lang ang asa sala.

"Wassuo, my beautiful sister!" Itinaas ko ang middle finger ko, gago talaga alam ng ayoko ng tinatawag aking maganda eh.

"Asaan magulang mo?" Tanong ko tska na upo inagawa ang pop corn niya nanonood siya ng movie.

"Malay ko, pake ko ba." Parehas talaga kaming ganito, parehas din ng ugali.

"Bago pasa mo ah, na bugbog ka na naman ni kumander?" Tanong niya sa nag aalala na tono, kapag andito si kuya lagi niyang sinasalo ang pambubugbog sa akin kapag wala siya tiis tiis ako, lab na lab ako nyan eh.

"Ano bang bago" ani ko

"Tangina, tara nag dorm na tayo sagot ko lumayas na tayo rito, mukhang si bunso lang ang safe rito pero kukunin ko agad iyon kapag kinati nila." Saad ni kuya matagal na niyang plano iyan pero ayoko.

Engineering si kuya at 3rd year college na ayokong masayabg pinag hirapan niya kapag umalis kami rito auto cut lahat ng allowance pati tuition mo bahala ka na.

"Mag tapos kana muna kuya, kapag naka tapos ka sasama na ako sa'yo" saad ko tska siya bineso at umakyat na sa kwarto ko.

Tangina kasing buhay ito, wala ng magandang nangyayare, nakakapagod lang puta.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 13, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Under her hoodieWhere stories live. Discover now