02

9 0 0
                                    

Sampal, Suntok, Tadyak. Ang sarap naman ng almusal ko mula sa ama ko.

"Tangina! Ilang beses kong sinabi na huwag na huwag ka ng uminom iyang pag yoyosi mo ay itigil mo! huwag mo akong sagarin janine!" Sigaw niya habang ang nanay ko ay inaawat siya.

Tinalikuran nila ako habang pinupunasan ko ang dugo sa gilid ng labi ko, napangiti ako ng makita ang dugo sanay na ako.
Masakit ba ang mga pasa at sugat na ito? Hindi....Mas masakit iyong parang diring-diri siya dahil sa bisyo ko, Kesyu ka babae kong tao ganyan ako ganito ako, really?! alam kong babae ako pero walang kasarian ang pag inom at pag sisigarilyo!

Oo masama iyon kapag sobra pero kaya kong limitahan ang sarili ko kesyu raw lalaki lang ang gumagawa non tanginang mga pag iisip iyan pati gawain may kasarian na!

Iyan ang buhay ko gigising para masapak at mag tamo ng pasa, Sinong tao ang mag kaka interes sa nakakagagong buhay ko.

Matapos ko mag ayos ay umalis na ako dahil may pasok pa ako buti at hindi gaano halata ang pasa ko sa labi nag hoodie na lang ako bukod sa lamigin ako kakampi ko ito kapag may mga pasa ako natatakpan nito ang mga pasa na hindi ko kayang takpan.

Pag pasok sa classroom tumungo ako sa pwesto namin ni ash na roon na siya at tawa nang tawa habang may pinapanood sa cellphone niya napangiti naman ako sa tawa niya.

Mag isa siya sa dulo pero parang wala siyang pake sa paligid niya hindi niya alam na nakakahawa na ang mga tawa niya kung titignan mo siya halata mo na fragile siya kailangan alaagan at protektahan.

Kinaibigan ko siya dahil akala ko mas maiintindihan ko na babae ako akala ko kasi dahil sa puro lalaki ang kasama ko ay nakukuha ko ang pag uugali nila ngunit mas lalo ko pa atang nasasabi na hindi ako babae, Subalit hindi ko rin matanggap dahil ayokong madismaya ang mga magulang ko.

"Good morning!" Maligalig na bati niya ng maupo ako sa tabi niya.

"Morning." Nakangiti kong ani itinago niya ang cellphone niya at humarap sa akin.

Iyon pa ang isa kong gusto sa ugali niya hindi niya ipaparamdam na wala ka lang sa gilid niya ihihinto niya ang ginagawa niya para bigyan ka ng pansin.

"Okay ka lang?" alinlangang tanong niya.

"Oo, Puyat lang." Ngiti kong ani.

Puyat naman talaga ako.

"May tanong ako." Seryoso niyang saad.

"Ano iyon?" 

"Ano ang abbreviation ng following?" Seryoso niyang tanong, Kumunot ang noo ko sa tanong niya DL kaya itong babaita na ito.

"FF" Alinlangan kong saad.

"Hooray!" Tumawa siya ng apaka lakas kaya napatingin sa amin ang mga kaklase namin.

Nag peace sign siya sa mga ito dahil nag ri review sila may quiz kami mamaya.

"Okay, Good joke." Nalinlang ako roon pocha.

Maya-maya ay dumating ang prof namin kaya nag simula na rin kami sa quiz, Bakas kay ashley na sisiw lang ang quiz sa kanya.

Matalino siya at halata mo na gusto niya ang kurso na ito walang araw na hindi siya pa pasok ng nakangiti o excited sa mangyayare kada mag p-present siya ay bigay todo determinadong maabot ang dulo.

Hindi kagaya ko na basta pumasa na lang.

Sana ganyan din ako, sana ganyan din ako ka desidido sa kursong tinahak ko, Iyong makikita mo sa mga mata niya na tourism ang isa sa nag pa pasaya sa kanya.

----

Lumipas ang buwan nakapag exam na kami nakita ko na rin ang grades ko okay naman pasado lahat, Iyon lang naman ang nag pa pasaya sa akin basta pasado okay na.

"Tagal dumating." Reklamo ko kay caleb sinundo niya ako sa bahay dahil nga iinom kami naka motor siya kaya umangkas na agad ako roon.

Minsan kapag lasing siya ako ang nag mamaneho pero kadalasan mas lasing ako at siya ang hindi umiinom.

"Kitain natin sila apollo at ajax nakauwi na ng pinas ang mga hayop na iyon eh." Ani niya.

Si ajax at apollo ay kambal isa sa mga kaibigan na close namin, Kaibigan ni caleb na naging kaibigan ko na rin.

"Gago! Amoy japan!" Saad ni caleb pag pasok sa bar nila ajax at apollo mayaman yang mga yan may sariling bar.

"Pakyu! Miss ko kayo." Niyakap ako ni apollo kaya ganon din ang ginawa ko kay ajax.

Uminom lang kami ng uminom pero nilimitahan ko ang sarili ko ngayon dahil mukhang mag lalasing si caleb, ganito naman ang buhay namin ni caleb eh.

"Yosi lang ako." Paalam ko sa kanila.

Isinuot ko ang hood ng hoodie ko para hindi na ako mapansin ng ibang tao ayoko kasing may lumalapit na lalaki sa akin at lalandian ako kadiri.

"Kumusta naman?"nagulat ako kay apollo na sumunod pala sa akin.

Sinindihan ko ang yosi ko tska ibinuga ang paunang usok.

Nag yosi rin si apollo pero hindi siya kagaya ko na bisyo na talaga siya ay pa tikim-tikim lang.

"Ayos naman,Kayo ba? Musta naman japan." Saad ko tska ibinalik ang yosi sa bibig ko.

"Ayon 'di pa rin namin nakakasama kapatid namin." Malungkot niyang ani.

May kapatid sila, babae nag iisang babae ngunit hindi pa nila nakakasama hindi pa raw sinasabi nang tatay nila kung sino.

Matapos namin mag yosi at pag usapan ang buhay-buhay bumalik na rin kami sa loob.

Hindi ako gaano uminom dahil si caleb tangina nag papakalasing kaya malamang ako ang mag mamaneho nang motor.

At tama nga ako 3am na tska lang kami na tapos at puta lasing na lasing si caleb akala mo naman ngayon lang nakainom uli.

"Gago, subukan mo mag likot mahuhulog ka talaga!" Singhal ko matapos siyang suotan ng helmet sumakay na ako siya rin tska yumakap sa bewang ko.

"Umayos ka caleb ha kapag na hulog ka riyan sabi sa'yo iiwan kita sa kalsada."

"Oyes master bilisan mo na natatae na ako." Lasing niyang tugon.

Pinaandar ko na ang motor at tska pinaharurot ito, Natuto ako mag motor dahil sa kanya ang astig kasi tignan kaya mas ginusto ko ito.

Ipapahatid dapat kami nila ajax tumanggi na ako dahil hindi naman ako lasing 2 baso lang ata ang ininom ko dahil nga napansin kong nag lalasing si caleb.

Ganoon na kami kung sino ang mas nangangailangan nang alak ang isa ang mag a adjust para mag maneho kapag gusto namin na pareho kaming lasing walang mag dadala ng motor para makauwi kami ng buhay.

Kabisado na ni caleb ang lahat sa akin ulti mo ata ang pag hinga ko kahit regla ko ay mas alam pa niya ganoon kami ka close, Sabay na kami lumaki ako ang kasama niya noong nag pa tuli siya dahil wala na ang mama at papa niya non at wala pa ang kuya niya iyak pa siya ng iyak pero nung ni regla ako ay pinag tawanan lang ako ng hayop na yan pero nag aalala naman siya nung una dahil daw baka maubos ang dugo ko, Wala kasi si mama noong nag ka roon ako....

Laging ako at si caleb ang mag kasama simula noon hanggang ngayon.












Under her hoodieWhere stories live. Discover now