Chapter - Three

177 2 0
                                    

Title: Cinderella Frosty

Copyright: @KamotengWriter

Date started: July 24, 2021

Chapter 3: November Rain

POV: Cinderella Frosty

Kasabay sa malakas ng kulog pag sabi ko ng "BWISET!" Parang nakikisama sa inis at sobrang kahihiyan na inaabot ko ngayon.

I was biting my inner cheek hard to stop myself from screaming at the top of my lungs. Isa isa kong kinuha at isinuot ang aking damit, padabog at pahampas na kinuha ang five hundred, tapos ay inis na inis na hinila ang dalawang malaking lagayan ng mga damit ng herodes na kuneho. Lahat na yata ng klase ng pagmumura ay naisigaw ko na sa aking isipan. Nang mailabas ko ng mga lagayan ay malakas kong hinila ang pintuan upang lumagabag ang pag sara nito.

Lumipat ako sa kwarto ko, dala pa rin ang labahin. Tapos ay padabog ko uling itinabi sa isang gilid. Habang muling naghuhubad upang mag palit ng damit ay panay ang litanya ko sa aking isipan.

I swear to all the devil, I'm gonna make him pay, hindi siguro ngayon pero promise babawi ako. Arrrhhhggg herodes, hudas, mayabang, Makapal ang mukha at sobrang nakakainis. One day! I swear! One of these days! But not today kung kailan sobrang may something akong nararamdaman sa kanya. Well, konti lang, crush lang siguro. Kahit kasi bwiset sya, yummy naman.

Matapos kong mag suot ng maluwag na t-shirt, gray na jacket na may hoodie, at maong shorts ay lumabas na ako, pinandilatan ko munang muli ang pintuan ng kuneho bago nagtungo sa hagdanan para bumaba at bumili ng pagkain sa kanto. Tumingala ako sa langit, makikita mo ang pag guhit ng liwanag ng kidlat sa ilalim na madilim ng ulap. Mukhang uulan ng malakas ngayong gabi. Hindi maganda ang pakiramdam ko kapag ganito ang panahon. Nasisiguro kong bukas ay may mababalitaan na naman kaming may pinatay, may na rape, o kaya na nilooban ang bahay.

Nang makalapit ako sa tindahan ng barbeque ay nakisingit ako sa maraming bumibili, na malamang ay panghapunan din nila, at sinasamantala ang hindi pa bumabagsak na ulan.

"Kuya isang chicken bbq nga tapos apat na isaw at apat na adidas. Dalawang balot na rin ng kanin. Balikan ko na lang kuya ha."

"Sige Cinderella ako nang bahala."

Lumakad ako papunta sa isang tindahan. "Ate patawag po. Tsaka isang bote ng softdrinks, ibalik ko na lang yung bote bukas ate." Inabot ng tindera ang telepoho. "Sige, sige, pero may isang bote pa ako sayo ha Cinderella."

"Opo te, nandun nakalimutan ko lang ibaba. Bukas promise. Ay ate pakilakas ng konti yung radio mo paborito ko kasi yang kanta na yan. November Rain." Tumango naman si ate tindera at nilakasan ang radio.

I dialed my broker's number and after three rings someone picked up.

"Hello, ako 'to si Cinderella Frosty. Sorry hindi na ako makakapunta dyan ngayon"

"Talaga ba? Hayaan mo na marami pa naman pagkakataon."

"Sige next time."

"May gagawin pa kasi ako, magkita na lang tayo bukas."

"I'll be there, ingat ka bye."

Inabot ko kay ate ang bayad sa pag tawag at sa softdrinks. Bitbit ko ito hanggang sa pagbalik sa barbeque-han ni kuya. "Kuya tapos na ba yung sa akin? Padagdag naman ng sawsawan."

"Oo Cinderella. Ikaw pa ba. Sige andito sa ilalim ng mesa, sa may timba, ikaw na kumuha at marami akong customer."

"Okay po." Matapos mag bayad at kunin ang order ko ay bumalik na ako sa apartment.

Cinderella Frosty (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon