Chapter - Seven

128 7 0
                                    

Title: Cinderella Frosty

Copyright: @KamotengWriter

Date started: July 24, 2021

Chapter 7: The End

POV: Cinderella

Lumakad ako papunta sa isang tindahan. "Ate patawag po. Tsaka isang bote ng softdrinks, ibalik ko na lang yung bote bukas ate." Inabot ng tindera ang telepono. "Sige, sige, pero may isang bote pa ako sayo ha Cinderella."

"Opo te, nandun nakalimutan ko lang ibaba. Bukas promise." Sagot ko habang hinihintay sagutin ng broker ko ang aking tawag.

"Hello, ako 'to si Cinderella Frosty. Sorry hindi na ako makakapunta dyan ngayon"

Eys': Trojan, listen carefully, the one you told me to look into was NBI Head Agent Dion Ferrer and the son of Chief Justice Dominic Ferrer.

"Talaga ba? Hayaan mo na marami pa naman pagkakataon." Then I tapped the mouthpiece twice telling my broker (my assistant) to proceed with the info.

Oh, so that's why he's here. He's looking for me because I killed his father. Well, that's not good.

Eys': He's there looking for Trojan, looking for you, and one of her agents found out who you are.

"Sige next time." Then tapped again.

Eys': There's no more time, you need to go.-

So, I guess tonight is Goodbye. Permanently.

"May gagawin pa kasi ako, magkita na lang tayo bukas." Then tapped again.

Eys': Okay, I'll meet you at the safe house at first light.-

"I'll be there, ingat ka bye."

Inabot ko kay ate ang bayad sa pagtawag at sa softdrinks. Bitbit ko ito hanggang sa pagbalik kay barbeque-han ni kuya. "Kuya tapos na ba yung sa akin? Padagdag naman ng sawsawan."

"Oo Cinderella. Ikaw pa ba. Sige andito sa ilalim ng mesa, sa may timba, ikaw na kumuha at marami akong customer."

"Okay po." Lumapit ako umupo at kinapa sa timba ang baril ko at pasimple kong inilagay sa aking likuran. Kumuha ako ng five thousand sa kanang bulsa jacket ko.

"Kuya, maaga kang mag sara. Mukhang malakas ang ulan ngayong gabi." Bilin ko sa kanya, habang iniipit sa pagitan ng garapon ng sawsawan ang limang libong piso, para sa maaga niyang pagsasara ng tindahan.

"Oo, sige Cinderella. Tatapusin ko lang ito at pagkatapos ay magliligpit na ako." Naintindihan agad ni kuya ang ibig kong sabihin.

Pabalik sa apartment ay dumaan ako sa talyer ni Mang Oscar.

"Tay Oscar. Magandang gabi po."

"Oh Cinderella. Magandang gabi naman, napadaan ka."

"Si baby po?" Isa ito sa motorsiklo ko na ipinatatago ko sa kanila.

"Nasa loob. Kailangan mo na ba?"

"Iwan nyo na lang po dito sa labas, dadaanan ko po mamaya." Nakangiti at magalang kong sabi.

"Oh sya sige, ako nang bahala." Sunod-sunod na tango ni Tay Oscar, tila kinakabahan. May idea na siya kung bakit kailangan ko ng motorsiklo.

"Tay Oscar, mukhang masungit po ang panahon. Mas mabuti siguro kung maaga kayong mag sara ng talyer. Tapos umuwi na po kayo."

Cinderella Frosty (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon