Chapter - Six

130 4 0
                                    

Title: Cinderella Frosty

Copyright: @KamotengWriter

Date started: July 24, 2021

Chapter 6: Patience

POV: Author

[R E W I N D]

Nagbantay pa ng ilang oras si Cinderella sa hagdan, tulad ng inaasahan marami pa ang bumisita at nag tangka sa buhay ng bagong saltang si Dion sa apartment. May ilang nakuha sa matinong pakiusapan at may mga nagmatigas na tulad ni Verdugo ay hindi na rin makikita pa si Dion kinabukasan.

That night she made it clear to everyone that Dion is under her wings, and no one is allowed to even touch a single strand of his hair.

Matapos ang ilang oras nang pagbabantay at nang masigurong wala na sa panganib ang buhay ni Dion ay bumalik na siya sa pet-shop, naligo at muling nag palit ng damit bago muling bumalik sa apartment.

Alas kwatro na nang umaga nang makabalik si Cinderella sa apartment, may bitbit pa siyang pandesal at 3in1 coffee. Umakyat ng hagdan habang humuhikab, nang makarating sa ikaapat na palapag ay binuksan ang kanyang lumalangingit na pintuan. Nang makapasok ay binuksan ang ilaw at sinara ang pintuan. Inilapag ang lahat ng hawak sa maliit na lamesa, hinubad muli ang damit, bago pumasok sa banyo para linisin ang mukha, tapos ay pabagsak na humiga sa kama.

"Good morning." Sabi ni Dion sa kabilang dingding.

"Nagising o hindi natulog? Malamang hindi natulog." ----Tumagilid siya paharap sa dingding, inabot ang isa pang unan sa ulunan at niyakap ito.

"Don't worry Sir Knight, Cinderella got your back. You're safe now, or at least when I'm around. So try to get some sleep, or get some rest without placing a gun under your pillow." She smirked as she pictured him, not sleeping while checking the gun under his pillow every time he got anxious. Thinking any moment an enemy would appear at his doorstep.

"I on the other hand need to sleep, dahil may pasok pa ako mamaya 9:30."

"Goodnight" Sagot naman niya, sabay hikab at ipinik na ang pagod na mga mata.

Hindi na kailangan ni Cinderella mag set ng alarm para magising siya at bumangon, dahil alam naman niyang magigising siya sa mga sirena ng sasakyan ng pulis at ng ambulansya. Saktong sa pag alingawngaw ng tunog ng sirena sa buong kapaligiran ay nagising na si Cinderella. Parang zombie na tumayo siya at nag salang ng mainit ng tubig sa kalan. Sumusunod ang pagbabalanse niya ng kanyang katawan sa tunog ng ambulansya habang nakatayo at nakapikit pa rin dahil sa tulog na tulog pa rin ang diwa niya.

Ayaw naman niyang humiga dahil baka tamarin siyang pumasok pag nagkataon, kaya sa ganun posisyon niya hinihintay na simipol ang takure. Nang sumipol ito ay pilit na idinilat ang isang mata at nag salin sa mug ng maiinit na tubig. Kasabay sa pagbaba niya ng takure ay narinig niya malakas na katok sa kanyang pintuan. Muli parang zombie na lumakad at binuksan ang langitngiting pinutaan niya.

"Bakit?" Halos tunog ungol lang na sagot niya habang pilit na idinidilat ang isang mata, subalit ipinipikit din naman dahil sa nasisilaw sa liwanag mula sa labas.

Si Dion, naman ay nakangisi lang at tila naaliw sa itsura at ikinikilos ni Cinderella na halatang wala pa sa wisyo.

"I was wondering if I could ask for some hot water."

"Saglit." Wala sa loob na tumalikod, naghikab, nag inat at kumamot sa pisngi ng puwetan niya habang naglalakad patungo sa ilang hakbang lang na kusina.

Dion surely enjoys everything his eyes are witnessing based on the amusement smile and smirk on his lips.

Nang makuha ang takure ay lumapit ito kay Dion at sinalinan ang baso nito. At kagaya kanina isang mata lang ang gamit na halos hindi pa nakadilat ng todo, natutulog pa kasi ang kalahating parte ng katawan niya at ang kalahati lang din ang nagpa-function.

Cinderella Frosty (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon