ELI'S POV
nang mahimasmasan ako ay sinundo ako ni mark sa kinauupuan ko ng nasa kotse na kami ay wala akong imik
Nadakip ko po ang bumaril sakaniya". Sambit ni mark na ikinagulat ko
Nasan siya?. Tanong ko
Nasa bahay niyo po sa secret room may tama din siya ng bala". Singhal ni mark
"Dalhin moko don". Sambit ko at kinasa yong baril kong nakatago sa gown ko
Ng makarating kami sa bahay ay dali dali akong pumasok sa secret room
Nasan siya?. Sigaw ko
Madam! Mag hunos~. Hindi na natapos ni albert yong sasabihin niya dahil pinaputukan ko sa binti yong lalaki
Sinong nag utos sayo!". Sigaw ko sakaniya
Si skye! Inutusan niya ko na patayin si calvin pakiusap maawa po kayo sakin". Paki usap niya
Hindi ko na siya pinag salita pa dahil pinag babaril ko na siya
Dispatsyahin niyo nayan dahil may tatapusin din ako". Singhal ko sakanila at kinuha ang susi ng kotse ko kay mark
Sumakay ako roon at tiningnan ko ang bala ko sa baril ko may dalawa pa nilagyan ko pa ito ng bala saka kinasa nag paharurot ako papunta sa bahay ni skye
Tatapusin na kita para matapos na to!". Sigaw ko at pinaharurot ito ng makarating ako sa bahay ay binaril ko ang lock ng gate nila may mga aso ding sumalubong sakin pero binaril ko din ito may gamit akong silenser
Binaril ko rin ang doorknob nila para makapasok ako agad naman akong sinalubong ng kapatid niyang lalaki
"Sino ka?. Tanong sakin nito pero binaril ko siya sa binti
Wag kang mag alala hindi ikaw ang pakay ko rito kaya manahimik ka". Sambit ko
Nag madali naman yong kuya niya na pumunta sa gilid
Tawagan mo ang kapatid mo pumunta na kamo siya agad dito kong gusto niyang madatnan kapa ng buhay". Sambit ko sakaniya at dinial ko yong number ni skye saka siya tinutukan ng baril sa ulo
Agad agad niya naman itong tinawagan at agad naman itong sinagot ni skye
Hello bakit ka napatawag?". Tanong ni skye habang nasa telepono
Ang ganda pala ng bahay niyo no?. Sambit ko habang naka loudspeaker at tinatali yong kapatid niya hindi naman na ito makagalaw dahil kahit lalaki siya ay well trained naman ako para sa mga ganito
Eli? Anong ginagawa mo jan? Anong ginawa mo sa kuya ko?. Natataranta niyang sabi
Wala pa! Bakit atat kabang patayin ko siya? Wag kang mag alala kapag hindi kapa pumunta dito bangkay nalang ng kuya mo ang makikita mo dito". Sabi ko at binaba ang telepono
Umupo naman ako sa sofa at binaril yong telepono at nilinis ang baril ko
Ano bang ginawa ng kapatid ko sayo?. Tanong ng kuya niya
Marami , marami siyang ginawa sakin gusto mo isa isahin ko? Pinatay niya ang kapatid ko at dahil sa kaniya namatay ang taong minamahal ko kaya kukunin ko rin ang mga taong mahahalaga sa kaniya". Sambit ko at tumawa
Nag kakamali ka hindi niya kayang pumatay". Sambit ng kuya niya na ikinatawa ko
Talaga ?. Natatawa kong tanong saka pinanood sakaniya yong testimonya ni francis
Habang pinapanood niya yon ay naka tingin lang ako sakaniya ilang minuto pa ay natapos na rin niya iyong panoorin
Hindi hindi totoo yan". Hindi niya maka paniwalang sabi ng biglang dumating si skye
Sakto dumating kana". Sambit ko at binaril siya sa hita napa luhod naman siya sa ginawa ko
Bakit hindi mo sabihin sa kuya mo ang katotohanan?. Sambit ko habang dahan dahang lumalapit sakaniya
Paki usap pakawalan mo na ang kuya ko wala siyang kinalaman dito". Sambit niya binaril ko din ang isa niya pang binti
Walang kinalaman , hindi wala ring kinalaman si calvin pero bakit mo siya pinapatay". Sigaw ko sakaniya at tinutukan ng baril ang kuya niya
Hindi ako, napag utusan lang ako noong dinukot mo si audrey natimbrihan kana ni pinuno kaya pina manmanan kana niya sakin at nong malaman niyang binukot mo si francis at isiniwalat ni francis ang nangyari kay ayla ay pinautos niya saaking patayin si calvin, kaya paki usap wag mong idamay ang kuya ko eli". Pag mamakaawa niya sakin
Sige! Aminin mo muna sakaniya kong anong ginawa mo sa kapatid ko". Sambit ko sakaniya at umupo sa sofa
Pinatay ko si ayla oo, dahil sa pag mamahal ko kay oliver pinatay ko siya inaamin ko dahil natatakot ako na makulong siya noong mga araw na yon hindi ko naman alam na dadating ito sa puntong ganito". Sambit niya habang umiiyak
Bakit? Bakit mo ginawa yon skye?. Tanong ng kuya niya sakaniya
Eli paki usap pakawalan mo na ang kuya ko". Pag mamakaawa niya sakin itinutok ko ang baril sakaniya pumikit naman siya nag smirk ako at tinutok ang baril sa kuya niya tumayo ako at nilapitan ang kuya niya
Makinig ka skye ganito ang naramdaman ko ng mawala sakin ang lahat". Sigaw ko at pinutok ang baril sa sintido ng kuya niya
Hindi!!!. Sigaw ni skye
Ano! Anong pakiramdam masakit diba, masakit!!! Ngayon naramdaman mo na diba". Sigaw ko sakaniya habang gumagapang siya papunta sa bangkay ng kuya niya
Patawarin moko eli". Sigaw ni skye habang hawak ang bangkay ng kuya niya
Nawala lahat sakin skye , patawarin? Tanga kaba? Kahit kelan hindi kita mapapatawad!. Sigaw ko at pinaputukan siya niyakap niya ang kuya niya habang pinapaputukan ko siya
Ng mawalan na ng bala ang baril ko ay kasabay non ay ang pag kamatay din ni skye pinalibutan ko ng gas ang buong bahay at saka pumuwesto sa matalim na tumingin sa walang buhay na si skye kinuhanan ko sila ng litrato at sinend ito kay mayor gonzales saka kumuha ng posporo at sinindihan ito
"Tapos na kapatid ko!". Sambit ko saka tumalikod at tinapon yong palitong may sindi madali namang nag liyab ang bahay nina skye kasama ang bangkay nila habang ako ay nag lakad palabas tumayo ako sa tapat nila habang pinapanood matupok ang bahay nila kasama narin ang mga bangkay nila
Ng makatiyak na akong tupok na ito sa sunog ay umalis na agad ako at nag madaling pumunta sa bahay ni mayor gonzales armado ang bahay niya ay may isang bala lang ako na extra sa kotse huminga ako ng malalim at nag isip ng mabuti
Sakto namang nag bukas ang gate nila at may papasok na malaking track nag madali akong pumunta sa likuran nito habang naka tigil ito at sumuot sa ilalim at doon nag tago kumapit ako sa mga kakapitan ko doon at ng makatiyak nakong naka pasok na ito ay dali dali akong lumabas at dumaan sa likod ng bahay nila tumingin ako sa paligid at kinasa ang baril ko
Naka pasok ako sa bahay ng walang nakakapansin saakin dahil busy ang mga tauhan niya doon sa dumating na track nakarating ako sa kwarto ni mayor gonzales ngunit wala siya rito
Nag tataka siguro kayo paano ko nalaman kong ano ang kwarto dito ni mayor gonzales no? Dahil noon palang ay pina background check kona si mayor gonzales pati narin pinanakaw ko ang blue print ng bahay niya kaya nakapasok ako kahit walang nakapansin sakin
Kinuha ko ang lipstick na naka lagay sa banyo at sinulatan ito kinuha ko rin ang picture ni skye at ng kuya niya na kinuhanan ko kanina at dinivelope ito habang nasa sasakyan ako pinin ko ang litrato nila gamit ang hairpin na nasa gilid ng lababo saka sinulatan ang salamin na
"Hindi pa tayo tapos babalik ako at sisiguraduhin kong pag babayarin mo ang ginawa mo sa mga taong mahal ko"
![](https://img.wattpad.com/cover/272689564-288-k844505.jpg)
YOU ARE READING
12 MIDNIGHT |COMPLETED|
Mistério / SuspenseDecember 5, 2000 alas nuwebe ng gabi merong isang babae ang nag dadalang tao sa kambal na babae at pinangalanan niya itong eli at ayla ngunit kahit pa kambal sila ay malayo ang itsura nila sa isat isa pinanganak naman si eli na may heart failure kay...