2 - Truth

4 3 0
                                    

Caelum Hayes' side

Ilang araw na mula nung hiniwalayan ako ni Izumi at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung bakit niya ginawa yun. Parang kahapon lang ay sobrang saya pa namin at ramdam na ramdam ko pa yung pagmamahal niya sa akin, pero ngayon ay tinatanong ko sa sarili ko kung bakit niya yun nagawa, kung may pagkukulang ba ako sa kanya. Kahit na nasabi ko noong nakaraan na hindi niya deserve na habulin ay todo pa rin sa paghabol yung puso ko. Ganito talaga siguro kapag lubos mong minahal yung isang tao.

Kailangan ko siyang kausapin, alam ko mahal niya pa ako. Naghanda na ako para makapunta ako sa condo ni Izumi, kailangan kong malaman kung bakit siya nakipaghiwalay sa akin.

Pagkatapos ko mag-handa ay sumakay na ako sa aking kotse at nagtungo na papunta sa condo ni Izumi. Pagkarating ko doon ay agad akong kumatok sa pintuan ng condo niya at agad naman niya itong binuksan, bago pa niya ako mapigilan ay pumasok ako kaagad sa condo niya.

"Izumi, bakit ka ba talaga nakipaghiwalay sa akin? Please ibalik natin yung dati, mahal na mahal kita eh." sambit ko habang hinahawakan ang kamay niya, alam kong mahal niya ako.

"Please Caelum, umalis ka na. May boyfriend na ako." sabi pa nito na mas lalong nakapagpadurog ng puso ko pero binalewala ko lang yun. Alam kong nagsisinungaling lang siya, alam kong mahal niya pa ako.

"Please Izumi, alam kong mahal mo pa ako. Mahal na mahal kita eh, please. Wag mo akong iwan." sabi ko at niyakap siya ngunit tinulak niya rin ako kaagad.

"Ano ba Caelum, sabi ngang ayoko na sayo eh! Atsaka may bago na ako! bakit ba habol ka pa rin ng habol sa akin? ganyan ka na ba talaga ka-desperado?!" sabi niya sa akin.

"Izumi, mahal na mahal kita please naman oh, wag mo 'tong gawin sa akin." sabi ko sakanya ngunit tila balewala lang lahat sakanya ng sinabi ko yun.

"Caelum, ilang ulit ko bang sasabihin sa iyo na may boyfriend na ako, ginamit lang kita okay?! Pangpalipas oras ka lang! " ulit niya, hindi ko na napigilan pa ang mga luha ko at nag-uunahan na itong tumulo.

"Kahit sa huling pagkakataon lang naman Izumi, eh. Alam kong mahal mo pa rin ako." sabi ko pa, sasagot na sana siya ngunit agad din itong natigilan ng biglang bumukas ang pinto.

Nung makita ko kung sino ang pumasok ay parang tinusok ng karayom ang puso ko.

"Hi love, kamusta ka na?" parang mas lalo pang nabiyak ang puso ko dahil sa narinig ko, agad na nabalot ng galit ang puso ko.

"Mga walanghiya kayo! kaya pala nakipaghiwalay ka sa akin dahil kayo na pala ng bestfriend ko?! Izumi naman, bakit sa dami ng tao dito sa mundo yung matalik na kaibigan ko pa?" sumbat ko sakaniya, kaya pala.

"Caelum, sorry g-ginamit lang k-kita." sabi nito, parang gusto ko nalang mabaon sa lupa at magpalibing ng buhay.

"Sorry?! mabubura pa ba ng sorry na yan yung sakit na nararamdaman ko ngayon Izumi?! mababago pa ba ng sorry na yan ang katotohanan na pinagtaksilan niyo akong dalawa? ang kakapal ng mukha niyo!" bulyaw ko sakanila.

"Walanghiya! minahal kita Izumi. Tapos talagang ginamit omo lang pala talaga ako?! sa kaibigan ko pa ah? pinagkatiwalaan ko kayo" sigaw ko habang dinuduro silang dalawa.

"HHAHAHA ang tanga mo kasi pare, ang pangit mo pa kaya ka pinaglalaruan at ginagamit eh." sabi ni Cairo. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at agad siyang sinuntok.

"Tama na Caelum! umalis ka na." Awat ni Izumi sa akin kaya tumigil ako at matalim silang tinignan.

"Pagbabayaran niyo to." sabi ko at tinalikuran na sila.

Maghintay lang kayo Izumi at Cairo. Pagbabayaran niyo lahat ng ginawa niyo sa akin.

His WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon