3 - Change

3 3 0
                                    

Caelum Hayes' side

Pagkatapos ng nangyari sa amin ni Izumi ay agad akong nag-book ng flight papuntang Thailand, masyadong masakit yung ginawa niya sa akin kaya pinili kong magpakalayo-layo muna.

"Ano ba naman Caelum Hayes! Ilang ulit ko bang sasabihin na hindi nga ganyan, jusko! sumasakit ang ulo ko sayo." bulyaw ng tita ko sa akin, kasalukuyan akong nagtatrabaho ngayon sa kumpanya nila, sila na ang nagpapaaral sa akin dito sa Thailand at bilang kapalit ay nagtatrabaho ako sa kumpanya nila ngunit hanggang ngayon ay nahihirapan pa rin ako pero kaya ko to!

Pagkatapos kong magtrabaho sa kumpanya nila tita ay umuwi na ako sa inuupahan kong apartment. Hirap na hirap akong mag-adjust dito sa Thailand, napakaraming nagbago lalo na yung paligid kaya't hanggang ngayon ay sinisikap kong sanayin ang sarili ko.

Nakahilata lang ako ngayon dito sa kwarto ko, inaalala yung mga alaalang dapat na kinakalimutan ko na. Hindi ko pa rin matanggap hanggang ngayon na ginamit lang ako ni Izumi noon, na sinaktan at pinagpalit niya ako sa mismong bestfriend ko pa. Nababalot pa rin ng galit at pighati ang puso ko ngayon, hintayin niyo lang Izumi, magkikita rin tayo ulit.

Ilang buwan ang lumipas ay mas nasanay ako sa paligid ko, mag-iisang taon na ako ngayon and dito sa Thailand and guess what, may sarili na akong kumpanya ngayon, pero isa pa nga lang. Pinaplano ko pang magdagdag ng maraming kumpanya para na rin makatulong sa iba, kahit naman kasi puno ng puot ang puso ko ay may kabutihan pa rin akong tinatago sa kalooban ko.

Nandito na ako ngayon sa training room namin, walang may alam ng mga pinaggagagawa ko ngayon dito sa Thailand, kahit na sila tita hindi ay hindi nila alam. Ang tanging alam lang nila ay may kumpanya akong pinapatakbo, yun lang.

Pagkatapos ng training ko ay kinausap ako ng nakakataas sa pinasukan kong organisasyon ngayon.

"Caelum, mukhang lumalakas ka na. Konti nalang ay malalagay ka na sa mataas na ranggo." saad nito sa akin, ngumiti naman ako.

"Oo nga, konti nalang." sabi ko.

Maghintay lang kayo Cairoh, malapit na tayong magkitang muli. As the time goes by, mas lalo akong lumalakas, konti nalang at magbabalik na ako.

His WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon