9

3 0 0
                                    

Caelum Hayes' side

Nandito ako sa kumpanya ngayon, inaasikaso ang sandamakmak na papeles. Ilang araw na ang nagdaan simula nung tumira si Aeryan sa bahay namin at sa mga araw na yun ay lagi ko nalang siyang nakikitang tulala. I don't know kung ano ang problema but I am worried about her. Minsan pa ay nahuli ko siyang umiiyak, buti nalang ay hindi niya ako napansin. Kakausapin ko nalang siguro siya mamaya pagka-uwi ko sa bahay para na rin ay malaman ko kung anong problema niya at nang gumaan din ang pakiramdam niya.

Sa kakaisip ko kay Aeryan ay hindi ko namalayang mag-aalas otso na pala ng gabi kaya't agad ko na ring niligpit ang mga papeles na natapos ko nang pirmahan. Pagkatapos naman ay agad na akong bumaba sa ground floor at dumiretso na sa parking lot para ay makauwi na. Habang nasa byahe ay hindi ko maiwaksi sa isip ko si Aeryan. Habang nagda-drive ay naisipan kong bumili muna ng pagkain para may makain kami ni Aeryan mamaya. Pagkatapos kong bumili ay agad na rin akong dumiretso sa bahay.

Pagkapasok ko pa lang sa bahay ay bumungad na sa akin ang boses ng isang babae.

"No Nanang, ako na po dito. Magpahinga nalang po kayo at malapit na naman rin po itong maluto." rinig kong sambit nito. Nang mapagtanto kong nasa kusina sila ay agad na akong pumunta sa kwarto ko at nagbihis pagkatapos ay tumungo na ako sa kusina.

"Magandang gabi ho, sir Hayes." bati ni Nanang sa akin.

"Magandang gabi rin po, Nanang. Ano pong nangyayari dito?" tanong ko sa kanya. Agad naman siyang napakamot sa pisngi niya.

"Nako ho sir, si ma'am Aeryan ho kasi nagpupumilit na siya na daw ang maghahanda ng hapunan. Sinasabi ko naman po sa kanya na ako nalang pero nagpupumilit talaga kaya hinayaan ko nalang po." mahabang litanya nito. Tumango naman ako.

"Sige po Nanang, ako na po bahala dito." I said to her bago umalis at nagtungo sa kinaroroonan ni Aeryan.

"Hey, young lady." I said to get her attention.

"Hello, good evening Mr. Caelum. Upo muna kayo at naghahanda pa po ako ng hapunan natin." sambit nito.

"Ano ba yang niluluto mo?" tanong ko naman, naaamoy ko na kasi yung niluluto niya at sa amoy pa lang ay masasabi ko nang masarap ang kanyang hinahanda.

"Bulalo po. Niluto ko po ito ng may samang pagmamahal." she said that made me chuckle.

"Oh, sige. I'll wait at the dining room. I'm excited to taste your bulalo Ms. Aeryan." I said playfully at agad nang pumuntang dining room.

I am excited to taste the bulalo that Aeryan cooked. Ngayon pa lang ulit ako makakatikim ng bulalo simula noong naghiwalay kami ni Izumi. Bulalo was my favorite since I was a kid, tinigilan ko lang noong naghiwalay kami. Lagi ko kasi siyang pinaglulutoan ng bulalo noon at nang maghiwalay kami ay naging mahirap na ulit sa akin ang magluto ng bulalo because everytime I am cooking bulalo, para ring bumabalik sa akin yung pagtataksil na ginawa nila sa akin. I had a hard time removing the pain that she gave me.

Sa kakaisip ko ay hindi ko namalayang tapos na palang magluto si Aeryan at nakahanda na rin lahat ng pagkain sa lamesa.

"Hey, Cae — I mean, sir. Kain na po tayo." she said to me.

"Stop calling me sir, just call me Hayes. Okay?" sabi ko sa kanya, tumango naman ito at ngumiti. Oh, she's pretty when she's smiling. Nalipat naman ang tingin ko mga pagkain na nakahain sa lamesa, pagkakita ko nito ay agad akong napalunok.

"Mukhang masarap itong mga niluto mo ah?" sabi ko sa kanya, ngumiti naman ulit siya.

"Masarap talaga yan, ako nagluto niyan eh." may pagyayabang na sabi niya. Napatawa naman ako.

"Kumain na nga tayo." sabi ko at mapailing nalang dahil sa kalokohan niya.

Habang kumakain kami ay hindi ko maipagkakailang masarap talaga ang mga luto niya, lalo na yung bulalo. It makes me forget all the pain and memories that I had been through in my past. Napaisip naman ako sa isang bagay.

"Hey, can I call you Aery?" I said to her.

"Hmm, why? is Aeryan not a nice name?" tanong nito sa akin, agad naman akong napailing.

"No, that's not what I mean. I just want to call you Aery short for Aeryan." paliwanag ko naman sa kanya. Tumango naman ito sabay ngiti.

"Okay!" she said cheerfully. Sheesh! she is so cute.

Sana ay magtuloy-tuloy na ang ganyang ngiti niya at hindi na siya bumalik sa pag-iyak at pagtulala niya gaya ng ginagawa niya noong kakarating niya pa lang dito sa bahay. I know it's weird but it hurts me seeing her cry. Siguro dahil na rin sa ayaw ko ng may nakikitang umiiyak na tao dahil nagpapaalala ito sa akin sa mga naranasan ko noong pinagtaksilan ako nila Izumi. Bahala na nga. I'll try my best to make Aery smile nalang for her not to cry again.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 2 days ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon