7 - Runaway

0 1 0
                                    

Mrs. Ylarde's side

Pauwi na kami ngayon at plano kong kausapin na si Aeri about dun sa napagkasunduan namin ni Mr. Monteleone.

"Mom, are you sure about this?" nag-aalalang tanong ni Cassian sa akin.

"Yes son, this is the only way for us to show our gratitude to Mr. Monteleone." paliwanag ko sa kanya, napailing naman siya.

"Mom, may iba pa namang paraan para masuklian natin yung pagtulong sa atin ni Mr. Monteleone, bakit kailangan pang ipagkasundo natin si Aeri sa kanya? kilala mo naman si Aeri mom, diba? ayaw niyang makasal sa lalaking hindi niya mahal at alam mo ring ang focus niya ngayon ay ang pag-aaral niya." litanya ng aking anak.

Alam ko naman yun at may punto naman din siya pero hindi ko na mababawi yung sinabi ko kay Mr. Monteleone dahil sa napagkasunduan na talaga namin yun.

"Hayaan nalang natin anak, alam ko namang maaalagaan ng mabuti ni Mr. Monteleone si Aeri" sabi ko, nanahimik nalang din siya.

------

"Aeri, baby?" sambit ko pagkarating namin ng bahay.

"Yes mommy?" rinig kong sagot nito.

"Baba ka muna dito baby, may pag-uusapan tayo." sabi ko sa kanya, agad naman siyang bumaba.

"What is it mom? I still have to finish my activities mom, bukas na ang deadline nun." sabi niya, tumango naman ako at inaya siyang umupo muna sa tabi ko.

"Halika muna dito anak, may sasabihin si mommy." I said while tapping the chair beside me.

Agad namang umupo sa aking tabi si Aeri. We used to call her Aeri here at our house pero kung sa ibang tao ay Euphoria ang pinapakilala naming pangalan niya.

"Baby, do you have a boyfriend?" I asked her while caressing her hair.

"Ha? mom, you know that I am still learning and I want to finish my studies without any hindrance. Magiging distraction lang yan sa akin mommy." litanya niya, napabuntonghininga nalang ako dahil sa sinabi niya.

"Baby, listen. You're already big now and I know that you are still focusing on your studies. Baby, don't you think it is time for you to find a man that will take care of you until you grow up?" sabi ko sa kanya.

"Maybe it's time for you to have a lover?" sabi ko. Nanatili lang na tahimik ang anak ko kaya't napagpasyahan kong sabihin na sa kanya yung napagkasunduan namin ni Mr. Monteleone.

"We are going to meet your fiancee tomorrow, baby. I decided to arrange you into a marriage para naman may boyfriend ka na at hindi na ako mangangambang baka walang mag-alaga sayo pag wala na ako." I said to her, umasim naman ang mukha niya dahil sa sinabi ko.

"Mom, arrange marriage? to a guy that I don't even know? mom naman! sabi ko na sayo mom diba? ayoko muna ng mga ganyan kasi gusto kong mag-aral muna. Gusto kong tapusin muna yung pag-aaral ko bago yan, makakapaghintay pa naman yan mom eh. I want to reach my own dreams without having a boyfriend mom, sana maintindihan mo yun. Atsaka mom, alam mong may tamang panahon para sa lahat, alam ko namang darating din ang panahon at may magmamahal rin sa akin eh, may mag-aalaga sa akin gaya ng pag-aalaga ng daddy sayo." mahabang litanya niya. Napabuntong hininga nalang ako.

"Well baby, I'm sorry but hindi ko na mababago yung desisyong nagawa ko. Don't worry, baby. He is a good man, he can take care of you. I already talked to your fiancee at sabi niya ay gusto ka na niyang makilala bukas." sabi ko, bigla namang tumingin ulit si Ellyse sa akin.

"Mom, can't you understand? ayaw ko muna ng mga ganyan. Hindi mo man lang muna ako kinausap mom? bago ako ilagay sa ganyang sitwasyon. Ayoko muna ng ganyan mom and that's final." nangingiyak niyang sabi.

"Baby please, do this for mommy." pakiusap ko sa kanya.

"Well kung hindi mo po maintindihan, then aalis po muna ako dito sa bahay. Babalik nalang po ako kapag nakapagtapos na po ako ng pag-aaral." she said before walking away. I think that was really a bad decision.

His WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon