Inaayos ko na sa lamesa ang mga inihanda kong hapunan.Gigisingin ko sana si Drey pero nakita ko na ito pababa na.
"Hon,kain na"nakangiti kong sabi.Walang imik na umupo ito.Nilagyan ko ng kanin at ulam ang kanyang Plato.
"I have a business trip ,baka isang linggo na WAla ako"sabi niya na hindi man lang tumitingin sa akin.
"Huh,saan?pwedi ba akong sumama?May event kasi sa School next week kaya medyo busy ang mga guro"saad ko na nakangiti.
"Sa London kami pupunta,hindi ka pwedi sumama dahil kasama sila Mommy"saad nito, malungkot ako napatungo lamang.
"Kailan mo ako ipakilala sa Pamilya mo Drey?"I ask him.
"Huwag muna Jane,baka mabigla si Mommy ,alam mo naman na ayaw pa nila ako mag aasawa dahil nag iisang anak lang ako at ako lang inaasahan sa kompanya namin"medyo pagalit na sabi niya.Hindi na ako nakipagtalo,alam ko naman na wala ring patutunguhan.
"Hindi ka umuwi kagabi"mahinang sabi ko.
"Anniversary nila mom and dad kagabi"tipid na sabi niya.
"Dapat nagtext ka man lang para alam ko para hindi ako mag alala"diin na sabi ko.
"We arguing again Jane?hindi lahat ng galaw ko sasabihin ko sa iyo"galit na sabi nito.
"Asawa mo ako Drey,of course I need to know"saad ko Dito.
Bigla itong tumayo.
"Pupunta ako sa bahay nila mommy "Sabi niya na bigla na lang tumalikod at dumiritso palabas.
Narinig ko na lang ang kotse na lumabas ng gate.Tumulo na naman ang luha ko.Ganito nalang ba palagi?Niligpit ko na ang pinagkainan namin,Gabi na naman at nag iisa na naman ako.
Nakatanggap ako ng text kay Kelly na niyaya ako na pupunta sila ng club.Doon daw sa Mercury Drug store ang tagpuan,then dadaanan na lang daw si Cassy.
Siguro Need ko muna lumabas para Makapag relax ang utak ko.Naligo ako at Nagbihis ng skirt at sleeveless.Ni locked ko ang bahay at pumara ng taxi papunta sa Tagpuan namin.
Dinaanan namin si Cassy,sobrang yaman talaga ni Cassy.
Sa wakas nakarating din kami sa Club,kinakabahan talaga ako.Nagpaalam ang tatlo na sasayaw pero nagpaiwan kami ni Cassy.nagpaalam si Cassy na iihi daw siya.Exclusive ang club na ito,mga mayayaman ang nandidito.
Pakunti kunti lang ang iniinum ko baka malasing ako.Laking gulat ko nakita ang mga bagong pasok,Si Drey at may mga kasama siyang mga kalalakihan at mga babae,pero magkahawak kamay si Drey at ang isang matangkad at napakagandang babae.Ito ba sinasabi ng kaklase ko na Babae ng asawa ko.Ininum ko bigla ang natirang alak sa baso ko,napakasakit kapag naaktuhan mo na ang kataksilan ng Asawa mo.
Bumalik na Ang tatlo sa mesa namin pero si Cassy wala pa rin.
"Drey Monteverde is here"saad ni Kelly.
"I heard that he's already engage"Bea said.
"Oh, really? he's fucking playboy "natatawang sabi ni Ann.
Nakikinig lang ako sa kanila,hindi nila alam ang tinutukoy nilang lalaki ay asawa ko.Engage siya Samantala kasal kami.Gusto ko lapitan at sampalin ang babae na nakakalong sa asawa ko.
"Tagal mo naman umihi Cassy"reklamo ni Ann kay Cassy na kakarating lang.
"Guys you wanna do a game"nakangisi na saad ni Kelly na makikita ko rin sa mga mukha ng kasamahan ko ang excitement.
"Sure"sabay sabay na sabi ng Tatlo.
"Okay, here is the game,lumapit kayo isa sa mga hunk na iyon at sabihin niyo sa harap ng kanilang babae na asawa kayo at sampalin niyo ang babae"natatawang sabi ni kelly.
"Ay, Ayoko ko "biglang sabi ni Ann
"Sinu ang may gusto?dating gawi"tumatawang sabi ni Kelly.
"Ako,ako na lang"sabi ko,galit ako,galit ako sa Asawa ko.
"Ohhhhh"sabay sabay na sabi nila.
"Are you sure Jane"natatawang sabi ni Bea.
"Yes"nakangisi kong saad
"So,sino ang target mo Jane?"nakangisi na saad ni Ann.
"Si Drey Monteverde"diin kong Sagot
"Okay,after mo magdrama at pag sampal sa babaeng kasama niya,balik ka dito , don't worry no one can touch you, if they want to stay alive"nakangisi na saad ni Bea.Bea is not you think an ordinary girl,alam namin trabaho niya, she's an assassin.
Nilagok ko ang natirang alak sa baso ko,pampalakas loob.Bahala na magalit si Drey,dapat nga ako ang may karapatan magalit kasi asawa ako at kabit ang babeng nakakandong sa kanya.
Tinanggal ko ang blazer na pinatong sa Sleeveless ko.Inayos ko muna ang sarili ko,nakangisi ang mga kaibigan ko sa akin.This night I'll became an evil.I'm the Legal wife ,Lintik lang ang walang ganti!
BINABASA MO ANG
Secret Wife
RomanceJane Fuentes- Swerteng nakapasok sa isang sikat at mamahaling university ,nakakuha siya ng scholarship.Doon niya nakilala ang mga tunay na kaibigan ,na hindi tumitingin sa estado ng buhay na kahit sobrang yaman nila. Doon niya rin nakilala ang lala...