Ngayong araw ang Graduation Day ko at sobrang tuwa ko dahil kumpleto ang mga kaibigan ko kahit si Cassy na may kalakihan na ang tiyan dumating din kasama ang Asawang si Ulysses.Nandito rin si Zack na napag alaman ko na matalik na magkaibigan pala sila ni Ulysses.
Nakakatuwa pa dumating rin si Jenny,ang bait niya talaga kahit puro kalokohan ang ginagawa.
"Congratulations!"-sabay sabay na sabi nila.Napaiyak tuloy ako,hindi ko akalain sa lahat ng nangyari sa akin heto may mga kaibigan akong lagi nasa tabi ko.
"Let's go guys , Let's celebrate na!"yaya ni Kelly.
Ginanap ang kunting salo salo sa Restaurant nila Ann,at kami lang talaga ang tao doon.
Sa isang mahabang mesa kami lahat na nakaupo.
"Mukhang tumatanda na si Ulysses-"pang aasar dito ni kelly.
Tawanan ang lahat pero irap lang abot namin kay Ulysses.
"Baby bawal iyan sa iyo"-sabi ni Ulysses kay Cassy dahil nagsalin ito ng alak sa baso.
"Kunti lang naman eh!"-nakasimangot na sabi nito.
Masaya ako para kay Cassy dahil nakikita kong mahal na mahal ito ni ng kanyang asawa.
"Zack , single ka pa?"-tanong ni Bea
"Yeah"-tipid na sabi ni Zack.
"Single din ako"-kagat labing nang aakit na saad ni Bea na ikinapula ng mukha ni Zack.
"Hoy,Taina mo Ann ang siba mo!"-boses ni Jenny na tawa ng tawa naman si Ann.
"Mga isip bata talaga"-rinig kong usal ni Ulysses.Napangiti lang ako dito.
Sa gitna ng kainan namin dumating ang kuya Roice ni Ann na kaibigan din pala nila Ulysses at Zack.Akalain mo iyon ang popogi talaga nila.
Medyo may pagka seryoso si Roice pero talagang si Bea lang ang nakakatapat nito.
"Roice alam ko ikaw lagi sumusunod sa akin"-sumbat dito ni Bea.
"Kapal mo Bea,hindi kaya!'-sabay irap nito kay Bea.
"Sige lang Roice pag nalaman ko na kayo ni Ross panay buntot sa akin kung saan ako pupunta,babarilin ko talaga kayo"-ngisi ni Bea na humalakhak naman si Ann.
"Masama ang magbintang Bea!"sabay alis nito na tumawa ng tumawa si Bea.
Napapailing na lang si Zack sa mga kaibigan ko.
Pagkatapos ng kainan kanya kanya ng alisan.Nauna na sila Cassy at Ulysses dahil medyo malayo pa ang uuwian nila.
"Jane,kailan uwi mo sa Sorsogon?ihatid ka namin ni Jenny."-tanong ni Bea sakin.
"Ngayong Linggo,sasama rin si Zack"-nakangiti kong sabi.
"Uuwi ka Jane ?sasama ako"-agad namang sabi ni kelly.
Ngumiti lang ako sa kanila.Hindi na ako magtataka pAgdating ng panahon pag may mga asawa ito siguradong stress ang abot ng asawa nila dahil sobrang kulit at kalokohan ang nasa isip lagi.
Sobrang saya ko naman kahit sobrang yaman nila,parang kapatid ang turing nila sa akin.Hindi lahat ng mayaman ay matapobre at napatunayan ito ng aking mga kaibigan.
BINABASA MO ANG
Secret Wife
RomanceJane Fuentes- Swerteng nakapasok sa isang sikat at mamahaling university ,nakakuha siya ng scholarship.Doon niya nakilala ang mga tunay na kaibigan ,na hindi tumitingin sa estado ng buhay na kahit sobrang yaman nila. Doon niya rin nakilala ang lala...