Lumipas ang ilang linggo hindi pa rin umuwi si Drey.Naging abala ma ang lahat sa paaralan dahil sa nalalapit na pagtatapos namin.Isa akong Nurse, after ng graduation kailangan ko mag aral para sa nursing board exam.Si Cassy at ang kapatid ni Ann ay hiwalay na dahil nagpakasal ito kay Ulysses.Si Ann at Bea bihira ko na sila makita,si Kelly naman pumunta muna ito ng US para bisitahin ang mga magulang nito at si Cassy umuwi ito ng probinsya kasama ang asawa.
Mag isa na lang ako,lalo ako nalungkot kasi wala mga kaibigan ko.
Nakaupo ako sa loob ng classroom namin na biglang pumasok ang president ng aming room."Guys,punta tayo sa pavilion ,may visitor tayo then parang may sasabihin about sa graduation natin"sabi nito.
Nagsitayuan na kami lahat papunta sa pavilion,umupo ako sa likuran .Nagulat ako kasi nakaupo sa stage sina Drey at Sara na magkahawak kamay.
"Good morning everyone,thank you for coming here and we have a little discussions about the graduation,and please welcome one of the owners, Mr.Monteverde and his beautiful Wife"sabi ng Emcee at nagpalakpakan ang lahat.
Nakita ko parang umiikot ang mata ni Drey na parang may hinahanap.Tumayo na ako,hindi ko kaya makita ang saya sa mukha nila habang ako nagluluksa ang puso ko sa sobrang sakit.Bago ako tumalikod tiningnan ko muna si Drey at nagtagpo ang aming mga mata, Tumalikod na ako at lumabas na at dumiritso palabas ng gate ,uuwi na lang ako.
Pagdating sa bahay nagulat ako nasa labas na ang mga gamit ko.Nakita ko si Donya Nadia ang mommy ni Drey na panay utos sa mga kalalakihan na buhat buhat ang mga gamit ko.
"Anu po ang ginagawa ninyo sa gamit ko"napapaiyak na sabi ko
"Pinapaalis ka na ni Drey,dahil lilipat na sila ni Sara dito"mataray na sabi nito sa akin.
"Wala pong sinabi si Drey"galit na sabi ko dito.
"Well,ako inutusan niya na paalisin na daw kita"diin at galit na sabi nito
"Ang sama ninyo!"umiiyak na sabi ko.
Pinagdadampot ko ang gamit ko,biglang may tumigil na sasakyan.
"Oh ,Drey anak ,sinunod ko na ang utos mo ba paalisin na ang babaeng ito sa bahay niyo"sabi ni Donya Nadia kay Drey na kasama nito si Sara.
Ayoko ko magsalita ,ayoko ko na mag makaawa , pagod na ako,siguro ito na ang sign na hinihintay ko para umalis na sa bahay dahil si Drey mismo nagpaalis sa akin.
Saktong may dumaan na taxi,pinara ko ito , tinulungan ako ng driver na isakay ang mga gamit ko,bago ako sumakay ,humarap muna ako sa kanila, tinanggal ko ang wedding ring sa daliri ko at binigay ito kay Drey.
"Hindi na tayo kasal,binabalik ko na ito sa iyo at Kalimutan mo na rin na nagkakilala tayo at kakalimutan ko na rin na nagkakilala tayo"malungkot at galit na sabi ko . Parang nakita ko na para siyang lumuluha o namalikmata lang ako.tumalikod na ako at sumakay na.
Doon ako nag pahatid sa sa dati kong inuupahan ,hindi ito alam ni Drey ang lugar na ito .Laking pasalamat ko na bakante pa rin ang iniwan kong kwarto,medyo may kamahalan lang ito kasi may appliances na ,may TV ,Ref at Washing machine.Dati tinutulungan ako ng mga kaibigan ko na mag bayad ng upa.
Bukas pupunta ako ng bangko,bago kasi namatay ang mama ko may iniwan siyang pera sa akin pero hindi ko ito ginalaw at hindi ko rin alam kung magkano ang laman.Sabi ni mama noon triplets sana kami pero ang dalawang kapatid ko na lalaki namatay ito ng pinanganak kami at ako lang ang nabuhay.
Ang problema ko pa hindi na ako dinatnan,noong huling nangyari sa amin Drey nakalimutan ko inumin ang pills ko dahil na rin sa sunod sunod na problema at stressed nangyari.Kahit anong mangyari,kung buntis nga talaga ako,itutuloy ko pa rin ito at magpapakalayo na kami at magbagong buhay kami.
BINABASA MO ANG
Secret Wife
RomanceJane Fuentes- Swerteng nakapasok sa isang sikat at mamahaling university ,nakakuha siya ng scholarship.Doon niya nakilala ang mga tunay na kaibigan ,na hindi tumitingin sa estado ng buhay na kahit sobrang yaman nila. Doon niya rin nakilala ang lala...