Ilang araw ako naghintay sa bahay pero hindi pa rin umuwi si Drey.Hindi ko alam kung anu ang gagawin ko,parang nababaliw ako.Hindi ko na rin makontak ang kanyang numero.
Hindi pwedi!gagawin ko ang lahat para bumalik ang asawa ko.Gumayak ako at pupuntahan ko siya sa kanyang kompanya.Pagdating sa company ayaw ako pasukin ng guard kahit nagpakilala ako na asawa ni Drey,tumawa pa mga ito.
"Please po, pasukin niyo na po ako"nagmamakaawang sabi ko.
"Eh, ma'am baka pagalitan po kami eh"nayayamot na sabi ng isang guard.
"Sige na pare,pasukin mo na iyan,basta ma'am huwag kayo gagawa ng iskandalo sa loob kundi mapipilitan kami na palabasin kayo at mababan na rin dito"mahabang paliwanag ng isang may katandaang guwardiya.
Nagpasalamat ako dito,at dali daling pumasok sa loob.May nakasabay ako na mga magagandang babae,siguro dito mga ito nagtatrabaho.
"Grabi noh,ang ganda ni Mrs.Sara Monteverde,at ang bait niya pa"sabi ng isang babaeng naka todo make up.
"Yes,kahit sikat siya napaka down to Earth pa rin niya"saad pa ng isang babaeng ngayon ay nakatingin na sa akin.
"Ah , miss pasaan ka?"saad nito
"Ah,puntahan ko lang ang Asawa ko"mahinang sabi ko
"Ah may asawa ka pala dito nagtatrabho "dagdag pa nito.
Tumango na lang ako, nakarating na kami sa eight floor,alam ko dito ang main office ni Drey.Pagkabukas na elevator tamang tama nakita ko si Drey pero kasama niya si Sara,wala akong inaksayang oras ,tinawag ko ito.
"Drey!"na ikinagulat ng mga babaeng kasama ko kanina sa elevator at tumingin naman ang mga ibang nagtatrabho sa akin,at lumingon naman sila Drey at Sara.
"Drey, please!huwag mo itong gawin sa akin"umiiyak na sabi ko.
"Babe,anu ang ginagawa ng babaeng yan dito?"sabi ni Sarah na masama ang tingin sa akin.
"Mang aagaw ka Sara,asawa ko si Drey,sinira mo ang buhay namin!"sigaw ko dito
"Shut up,Jane!umalis kana Dito"galit na sabi ni Drey.
"Tawagin mo ang guard na palabasin ang babaeng ito"utos ni Sara.
Tiningnan lang ako ni Drey,hanggang dumating ang tatlong guard.Lumuluha akong nakatingin kay Drey,hindi ako makapaniwala na kaya niya akong itaboy, hinawakan ng dalawang guwardiya ang kamay ko at pilit hinihila palabas.
"Huwag,huwag niyo siyang hilahin,hayaan niyo siyang kusang lumabas "medyo galit na sabi ni Drey.
"Umalis kana dito Jane"mauturidad na sabi niya.
Naglapat ang mga ngipin ko,siguro hanggang dito lang,Tumalikod na ako habang dumadaloy ang mga luha ko sa pisngi ko.Nagulat lang ako na nasa harap ko ang mommy ni Drey.
"Anong ginagawa mo dito huh!?"sigaw niya agad dito sa akin.
"Guard palabasin niyo ang babaeng ito!"galit na utos nito sa mga guwardiya.
"Mommy,hayaan niyo siyang kusa lumabas"mahinahon na sabi ni Drey.
"Aba,Drey hindi ka ba nahiya nandito ang Asawa mo at ang kabit na ito pinuntahan ka pa talaga sa kompanya natin"galit na sigaw nito halos lumubog na ako sa kahihiyan.
"At isa pa Jane,umalis kana sa bahay ng anak ko dahil lilipat na sila ni Sara para doon tumira"diin na sabi pa nito.
Yumuko na lang ako at pumunta na sa elevator.ayoko tingnan ang mga mapanghusgang mata na nasa palagid ko.
Manhid na ako,wala na akong mailuha.siguro kailangan ko na tanggapin na hindi na ako mahal ni Drey .hindi ako aalis sa bahay hanggat hindi si Drey nagpapaalis sa akin.
Hintayin ko pa rin siya.tatlong buwan na lang graduate na ako,kunti na lang makakapagtrabaho na ako at patutunayan ko sa pamilya ni Drey na hindi pera ang habol ko.
BINABASA MO ANG
Secret Wife
RomanceJane Fuentes- Swerteng nakapasok sa isang sikat at mamahaling university ,nakakuha siya ng scholarship.Doon niya nakilala ang mga tunay na kaibigan ,na hindi tumitingin sa estado ng buhay na kahit sobrang yaman nila. Doon niya rin nakilala ang lala...