c h a p t e r • t h r e e

8 1 0
                                    


Lumipas ang isang araw, hindi ko pa din nirereplyan ang message nung e-boy. Ang kapal ng mukha niyang akusahan ako ng sexual harrassment. I mean, yes, I did kiss him without his consent - na sobrang ikinahihiya ko - pero hinalikan niya din ako! Quits na dapat kami. Kung kakasuhan niya ako edi kakasuhan ko din siya. Stalking. Paano niya nalaman ang pangalan ko? Paano niya nahanap ang account ko? Teka, counted ba na stalking kapag online lang? Ah basta. Message request zoned siya sa akin.


It's already evening. Nandito ako sa sala kasama sina Mama. Kakatapos lang namin kumain at ngayo'y inaabangan nina Papa iyong isang teleserye sa TV. Wala talaga akong pakialam sa teleseryeng iyon pero nag-order kasi ng fries at tsaka peach mango pie si Gift sa Jollibee kaya heto, nakikiabang nalang din ako.


Magkasama sina mama sa isang malaking sofa sa harap ng TV. Si Gift naman nakaupo sa isang single couch, nag-ce-cellphone. I sat on a bean bag sa may harapan ng kapatid ko.


May mga TV naman kami sa mga kanya-kanya namin kwarto pero dito talaga kami sa sala madalas manuod para makapanood din sina Manang. The more, the merrier daw.


"Syanga pala, bukas, may gagawin ba kayong dalawa? Binyag ng magiging inaanak namin ng papa niyo. Gusto ko kayong ipakilala total maiging parang magkapatid naman kayo," saad ni mama.


"Wala naman po, Ma," sagot ni Gift. Hindi na nakakagulat. Halos hindi na iyan lumalabas ng kwarto niya. Kung wala sa bahay, nasa school o di kaya ay sa gaming hub.


"Anong oras po ba? May class kasi ako ng 9 'til 12 PM. May lipad din ako sa hapon," tugon ko. I'm already on my third year in college - taking up Aeronautical Engineering - while earning hours para maging isang Airline Transport Pilot. Yes. I'm a busy girl na may oras maglakwatsa and magpaka-heartbroken. I find ways.


"Pwedeng-pwedeng doon ka nalang mag-lunch sa celebration, anak. Hanggang hapon naman iyong handaan," sagot ni mama.


"Mas mabuti pang pagpahingahin mo nalang 'yang si Smile, ma. Hindi naman required na pumunta," saad ni papa. Ganoon na talaga ang tawagan nila mula no'ng ipanganak ako.


"Okay lang, pa. Alas tres pa naman yung flight. Pwede pa akong makikain," biro ko. At nagtawanan kami except kay Gift.


"Patay gutom talaga," ani ng kapatid ko. Anak ng...


"At least hindi kinulang sa sinag ng araw," pang-aasar ko pabalik. Gift has vetiligo, which makes white areas appear on his skin. Inambahan niya ako ng suntok. Inambahan ko din siya. Lintek lang ang walang ganti.


"Magtigil nga kayong dalawa. Para kayong mga bata," saway ni mama.


"Anong parang? Bata pa talaga iyan," tukoy ko kay Gift. He's just seventeen years old. I'm four years older than him.


"At least, I'm acting my age. Ikaw ba, ate?" Diniinan niya talaga iyong pagtawag niya sa akin.


"Ma, pa, pigilan niyo ko. Mapuputulan ko ng dila 'tong batang 'to." Umiling lang sila papa, di ako sineseryoso. Inilabas pa ni Gift ang dila niya para mas lalo akong asarin. Aba't-

Never Not In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon