c h a p t e r • o n e

6 1 0
                                    

"HOY, gaga! Tama na ang pagpapakalunod sa luha, oras na para lumakwatsa." Tangina naman oh. Ang sakit na nga ng puso ko, pinapasakit pa ng babaeng 'to ulo ko.


"Ayoko," sagot ko saka nagtalukbong ng kumot. Sigurado ako magpaparty 'yang mga yan. Wala ako sa mood uminom. Kumain at matulog, oo.


"Bawal humindi. Peer pressure to the highest level 'to," sabi niya bago hinablot paalis yung kumot ko. Bwisit naman oh.


"Ayoko nga! Baka makita ko doon si Neil!" Fuck. Eto na naman ako. Naiiyak na naman ako. Ang gago kasi eh. Makipagbreak ba naman tapos sasabihin na babalikan niya ako. Parang tanga lang.


"Lah. Ang daming club sa Manila. Kung makita mo man ang putanginang 'yon, edi wow. Ikaw, nagpapakahirap iwasan siya. Tapos siya, walang pakialam. Para ang bobo mo sa part na yun, girl."


"Pwede ba, Hera, konting sensitivity naman diyan. Masamit pa to." Tinuro ko ang kinaroroonan ng puso ko. "Huwag mo naman apakan lalo." Nakakainis na talaga. Inirapan lang ako ng balahurang babae.


"Huwag mo 'kong dramahan, Rie. Hindi lang apak gagawin ko diyan sa  kapag di ka sumama sa'min ngayong gabi. Pinagpaalam na kita kina tita. Pati sila nag-aalala na sa pinaggagawa mo," sabi niya saka lumabas ng kwarto ko.


I sighed as my conscience hit me. Nag-aalala na sila mama at papa. I can't do that to them, especially kay papa. Mahina ang puso no'n. So I got up and made myself look presentable. Kinailangan ko pang mag-concealer kasi yung mga mata ko, magang-maga. I wore a camo bralette paired with mom jeans. Nag sneakers nalang ako kasi wala akong planong magtiis-ganda ngayong gabi.


Matapos magpalit, lumabas na ako ng kwarto. Naabutan ko ang mga magulang ko na magkatabi sa isang couch sa sala at nanonood ng teleserye.


"Mabuti naman at naisipan mong lumabas," ani ng haligi ng tahanan namin. I smiled saka lumapit sa kanya. Ipinulupot ko ang mga kamay ko sa balikat niya, hugging him from behind.


"Awwiee . . . Si papa, nag-aalala," biro ko, "sorry po." I rested my chin upon his head.


"Sa susunod kasi, Smile, 'wag sarilinin. Nandito naman kami. Pakikinggan ka namin," pangaral ni mama. I felt her caress my arm na nakapulupot kay papa. Sigh. Ang swerte ko talaga sa kanila.


"Opo. Pasensya na po. Syanga pala, nasa'n si Gift?" Ang tinutukoy ko ay ang kapatid kong lalaki.


"Hay nako. Nandoon. Naglalaro na naman. Kayo talagang magkapatid, parehas tambay sa kwarto." Umiiling na sagot ni mama. Grabe naman. Ngayon lang kaya ako tumambay doon.


"O siya, umalis na kayo at mukhang atat na atat na 'yang si Hera uminom," biro ni papa. Natawa kaming dalawa ni mama. Mukha nga kasi kanina pa ito tumitingin sa relo tsaka cellphone niya.


"Ay, excuse you po, tito. Sa ganda kong 'to, pinapalabas nyong lasinggera ako? Naku, magagalit si papa God sa'yo." Ngayon, sumali na si papa sa tawanan. Napailing na lamang ang mga magulang ko.


"Sige po. Alis na po kami at baka magkasukatan pa kayo ni Hera," paalam ko bago nagmano sa kanila. I kissed them both goodbye.



---


PAGDATING namin sa club, malapit nang mag alas onse. The place was packed already, and it was obvious everyone had alcohol in their system already. Dumiretso na kami sa booth na sinabi sa group chat namin. Nandoon na ang iba at  mukhang kanina pa nagsimula. Grabe talaga. Hindi man lang kami hinintay.


"Hoy, mga patay uhaw. We're here!" sabi ng kasama ko. Ang lakas talaga ng bunganga. They all look at us in unison.


"OMG! Mabuti naman at napilit mo 'yang si Rie," wika ni Sheena bago umusog para makaupo kami.


Never Not In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon