After 5 years
"Mama" napatingin ako sa batang humihila sa laylayan ng damit ko, ngumitu ako saka siya binuhat at hinalikan sa pisngi.
"anong kailangan ng baby Axel namin?" pinanggigilan ko ang pisngi niya.
"Mama is it true that we are going back to Papu?" tumango ako at ngumiti, nagpababa siya para magpaalam sa mga naging kaibigan niya dito sa Madrid.
I smiled my baby is now turning four, mext month na yun kaya uuwi na kami at doon na maninirahan for good. Its been five years since umalis ako sa pilipinas na buntis. Dad knew what was happening pero hindi niya sinabi sakin dahil ayaw niyang makielam, gusto kong magalit pero hindi ko magawa.
God know how i prayed na sana kumalma si Ate Rina sa pagsugod kay Aries nahirapan pa kami dahil nasa Manila si Kuya Kyros at nasa baguio kami. Kailangan pang pumunta ni Kuya Kyros doon kaya pinastay namin si Ate sa room niya.
"Anna" napatingin ako sa lalaking pumasok sa bahay, its Red. Siya ang tumulong sakin sa mga nagdaang taon. He never left my side dahil mahal niya ako.
Una palang i already told him that im inlove with his bestfriend wala siyang nagawa kaya inalagaan nalang niya kami ng anak ko. Im so thankful to him dahil nakaya ko and about Aries? Wala na akong balita sa kaniya mula noong umalis ako sa pinas.
"Ready na ba gamit niyo?" he ask tumango ako saka sinara ang panghuling maleta na dala namin.
"great. Anyway i already arranged the papers para makapagtrabaho ka sa Hospital ni Mommy"
"salamat talaga" nakangiting sabi ko.
"no worries, ikaw pa malakas ka sakin eh" saka niya ako niyakap.
"please be strong pagdating natin doon. Kung may pagkakataon man sana mapatawad mo na siya kasi alam kong mahal niyo pa ang isat isa" hinampas ko ang balikat niya.
"ewan ko nalang basta focus ako sa anak ko" saka ako tumingin sa anak kong naglalakad palapit dito.
"are you ready?" tanong ni Red sa kaniya.
"yes Tito and i miss Papu already with my mommy's" binuhat siya ni Red pinabuhat ko naman sa mga guard ang mga bagahe namin. Si Dad kasi nang malaman niyang buntis ako pagkaalis ko isang dosena ang bodyguard na pinadala niya sakin dito.
It was a smooth flight from Madrid to Manila pero hindi na yata ako sanay sa byahe kaya nahihilo ako. Someone is waiting for us at the airport at hindi nga ako nagkamali sila iyon.
"Papu!" agad tumakbo ang anak ko at niyakap si Dad sa leeg, niyakap naman ni Dad ang naka ko saka ako naglakad papunta sa kanila.
"grabeng glow up ah" asar ni Ate Rina sakin with her 3 year old daughter. Buhat buhat niya si Azrea binuhat ko naman ito at pinangigilan ang cute niya talaga.
Wala ang dalawang kapatid ko dito andoon daw sa baguio dahil hinahanda ang kakainin namin. Napatingin ako kay Red na nagpapaalam na kay Daddy.
"maraming salamat hijo"
"walang anuman po Tito, basta naalagaan ko siya" nakangiting sabi niya.
"naghihintay na siya" biglang sabi ni Daddy at bigla namang lumungkot ang mukha niya.
"go win her back" sabay tango ni Dad nagpaalam na siya sakin saka sumakay sa kotse niya. Sumakay narin kami sa Van si Daddy ayaw bitawan si Axel ang anak ko naman tuwang tuwa. Kinulit ko nalang si Azrea na nasa tabi ko.
Umuwi kami sa baguio nang hindi ko namamalayan siguro sa pagod ko kaya nakatulog ako buong byahe at ang anak ko naman ay nilalaro ni Daddy.
I really miss my home lalo na dito, My Son is upstairs with my Dad he's so excited to see his room here. Not knowing that i already bought a house sa Cagayan sana para malapit rin kila ate pero ayaw ko. Lalo na at maraming alala ang naghihintay saakin doon.
BINABASA MO ANG
Love me First (Cagayan Series #4) [COMPLETED]
JugendliteraturHayaan mo akong mapagod pagkatapos nun ako mismo ang lalayo. - Joanna Raine Magno