Naalimpungatan ako ng makarinig ako ng kalabog sa kabilang kwarto. Im sleeping here at the guestroom sa masters bed room naman ang asawa ko.
Oo mag asawa kami pero hindi kami magkatabi, lumabas ako ng kwarto at naabutan ko siya sa kabila na wasak ang cellphone. Lumapit ako sa kaniya pero tinulak niya ako kaya napaupo ako,hindi naman malakas pero nawalan lang ako ng balanse.
"fuck! She's not answering" from that time alam ko na kung sino ang tinutukoy niya.
"b-baka busy lang s-siya" matapang kong sagot he look at me na may galit sa mata kaya napayuko ako saka dali daling tumayo.
"ikaw ang may kasalanan kung bakit siya nakipaghiwalay!" bulyaw niya sakin, wala akong imik sa sinasabi niya sakin.
"h-hin-" hindi pa ako tapos sa sinasabi ko nang ituro niya ang pintuan tanda na umalis na ako.
"lumayas ka sa harap ko ayaw kitang makita" with that umalis na ako sa kwarto niya, naiiyak ako pero pinigilan ko. Bumalik nalang ako sa silid ko at naligo na agad.
The girl his been talking a while ago is his Ex, Eleina. Mahal na mahal niya ito kaya naman laking galit niya nung sinabi kong magpakasal na kami. Yun rin yung time na naghiwalay na sila.
Nakarinig lang ako ng kalabog ng pinto tanda na lumabas na siya, takot ako sa kaniya lalo na pag galit siya dahil alam kong hindi ako ang magpapakalma sa kaniya.
Unti unti akong lumabas ng kwarto at napabuntong hininga ako ng wala nanaman siya, lagi nalang siyang wala kung uuwi naman laging galit.
Wala rin kaming maid dahil ayaw niya rin, sanay naman ako sa gawaing bahay kaya okay lang. Malayo kami kila ate kaya hindi ako makagala kailangan ko pang magbyahe.
Dumretso ako sa kusina dahil nagugutom narina ko, natuod ako ng nandoon siya sa harap ng stove seryosong nagluluto. Hindi niya ako napapansin dahil nakatalikod siya. Lumunok ako saka dahan dahang umalis doon at tumakbo papuntang kwarto ko.
Ayokong nakakasabay siya kapag galit siya, mahal ko siya pero alam ko ang limitasyon ko kapag galit siya. Naghintay langa ko doon pinapakiramdam yung kotse niya kung aalis ba.
Nagugutom na rin ako ang tagal naman niyang umalis, humiga muna ako sa kama at pumikit saka may kumatok agad akong napabangon.
Anong kailangan niya? Nanginginig pa akong nagbukas ng pinto at andoon siya nakatayo sa harap habang nakatingin sakin. Nakasilip lang ako sa kaniya.
"m-may kailangan ka b-ba?" bakit ba ako nauutal? Ano ba yan!
"nagluto ako. Bumaba ka ayokong kumakain ng mag isa" saka siya umalis at bumaba na. For 2 months na pag sasama namin ngayon lang kami kumain na magkasama seryoso.
Alinlangan pa akong bumaba at nakita ko siyang kumakain doon pero plato niya lang ang may pagkain. Sumandok ako kaya nasa likod ko siya nanginginig akong kumakain sa harap niya. I didn't even look at him tahimik lang kaming kumakain hanggang matapos siya at umakyat na sa taas.
Nakahinga ako ng maluwag ng wala na siya, inayos ko na ang pinagkainan namin saka tumambay sa garden. Saktong dumating ang barkada niyang si Red lalaki yan.
"hi Joanna! Anna nalang mas madali" saka siya tumawa, nginitian ko rin siya. Siya ang kaclose ko na kaibigan ni Aries Archer Revamonte, ang asawa ko.
"hanap ko asawa mo andyan siya?" tanong niya kaya tumango ako at tinuro ang loob bahay, nagpasalamat siya at pumasok na.
Nagbasa lang ako ng libro doon afyer 1 hour lumabas ang dalawa at parang masaya si Aries tinitigan ko lang siya pero deretso siya sankotse niya na nakangiti at nagmamadali pa.
Napatingin si Red sakin saka ngumiti, "magkikita sila ni Eleina" ngumiti ako ng pilit at kinawayan silang dalawa.
Deretso lang si Aries at napakabilis pa nakatingin lang ako sa kaniya mula dito sa gate. Nang wala na sila saka bumagsak ang balikat ko.
Ako na ata ang pinakamartyr na asawa sa buong mundo. Supportive pa ako sa pagkikita nila, pumasok ako sa bahay at tumingala saka ko tinakpan ang mata ko gamit ang braso.
Pait aking ngumiti at may tumulong luha, ako ang may kasalanan sa nangyayari ngayon. Ako ang nagpumilit sa kasal na ito kaya magtitiis ako hanggang kaya ko.
BINABASA MO ANG
Love me First (Cagayan Series #4) [COMPLETED]
Novela JuvenilHayaan mo akong mapagod pagkatapos nun ako mismo ang lalayo. - Joanna Raine Magno