CHAPTER 26

12 1 0
                                    




26 – "I wish we never met..."




The heartache will teach you then happiness will fill you.


I heard someone knocked on my room. I rapidly fixed myself up and clean my face with a clean towel.


"Sandali! Ito bababa n-" my voice cracked. I saw myself in the mirror crying again, it feels like my tears were unlimited at this time. They keep on falling even though I wanted them to stop.


"Beh? Okay ka lang?" Narinig ko ang boses ni Erich.


I pursed my lips and sighed, "Yes, oo--okay lang ako."


"Gaga ka, alam kong hindi." Pagpupumilit niya.


Bahagya akong natawa sa sinabi niya. Totoo naman kasi eh, hindi ako okay. Nagmumukha na nga siguro akong tanga ngayon kung may nakakakita sa'kin.


"Sira! Okay nga lang ako-Hoy!" Nagulat ako nang makita siyang nasa loob na ng kwarto ko. Hindi ko naman matandaan na binigyan ko siya ng copy ng susi dito.


"Don't ask. I know how to unlock doors." Mataray niyang saad saka inayos ang mga hairpin na nasa buhok niya.


Huminga ako ng malalim bago naglakad at umupo sa dulo ng kama ko. Bahagya akong ngumiti habang rumaragasa ang mga luha sa mata ko. Nakita ko namang malungkot niya akong tiningnan, binigyan niya ako ng tipid na ngiti. Lumapit siya sa'kin saka hinawakan ang mga kamay ko, lumuhod siya sa harap ko.


"You need to rest. Ako na ang bahala mag explain sa pamilya mo. Hindi na ako magtatanong, sabihin mo lang pag may kailangan ka pa, ha?" Mukhang maiiyak pa ako ng lalo dahil sa mga sinasabi niya. Alam niya na siguro kung ano'ng nangyayari sa'kin, halata rin naman kasi eh.


Tumango-tango ako habang humihikbi, "Salamat.." niyakap ko agad si Erich. Sa tingin ko kasi kailangan ko talaga ng yakap ngayon.


"O siya sige na at mag ce-celebrate pa kami sa baba dahil sa pagkakaroon ko ng jowa!" He sarcastically laughed.


Kumawala ako sa yakap saka siya tinampal sa noo, "Sorry na kase. Wala na akong ibang masabi."


"Tawagan ko ba sina Dani at Kesh o gusto mo munang mapag-isa?"


"Ako na lang siguro muna. Text ko lang kayo." Matamlay kong sambit.


Tumango siya sa'kin bago lumabas sa kwarto ko. Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko nang maramdaman ko na mag-isa na naman ako. Sinigurado kong nakalock na talaga sa pagkakataon na 'to. Ayaw ko munang may kumausap sa'kin.


Hindi ko lubos maisip na nangyari nga sa'kin 'to. Akala ko kasi ok na kami, nagkakaintindihan na, sabay aabutin ang malayong bituin hanggang sa huli.. pero--hindi parin pala sapat ang pagmamahal para patunayan na kayo hanggang dulo.

Met you in October (DDC Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon