CHAPTER 04

53 10 30
                                    




04 - Kakapit sa unang pagkakataon




Dito siya nag-aaral? Paano nangyaring ngayon ko pa lang siya nakita? Malamang ang laki kaya ng school kaya explore to know talaga ang dapat gawin.


Slowly, I stood up. Parang ang awkward kasi ng posisyon ko kanina. Nakahiga na nga, nakabukaka pa. 


"Hi!" I said in a sweet tone. I even wave pero nasa bandang bewang lang ang kamay ko. Omg... Wala pala akong make-up at buhaghag ang buhok ko ngayon dahil sa activity na'to. Ang baho ko pa!


"Hello." He answered. And again, he didn't even smile. His face looks so serious na parang anytime pwede ka nang lamunin ng lupa. But his eyes just mean something.


What a coincidence, maglalaro pala sila ng basketball dito sa court. Pe time rin ata nila. Pinagsisihan ko na dito ako na grupo napunta dahil dito pa sa entrance ng court kami na assign. Ang pangit tuloy ng pagkikita namin.


"Mhie, from the start daw."


Hmm... ang pangit naman maglaro ng mga ka grupo niya. I placed my right hand on my chin habang nakatingin sa laro nila Dahryl.


"Huy gaga! Kanina ka pa sinisigawan ng leader natin." Bumalik ako sa wisyo nang sigawan at hampasin ako ni Dani sa braso.


"Oo na, eto na." Padabog akong bumalik sa aking pwesto saka sinimulan ulit ang aming routine.


"Mhie. Psst!" pabulong na tawag sa'kin ni Dani.


"Bakit?" sagot ko.


"Sino ba tinitingnan mo 'don kanina? May crush ka doon ano?" panunukso niya. "Uy, dalaga na siya..."


"Uy, siraulo na siya..." tinukso ko rin siya pabalik. "Tumahimik ka diyan at baka pasayawin tayo ng individual ngayon."


I need to concentrate on our dance pero nawala parin ako at pina solo ako ng leader namin sa gilid. Nakakadistract naman kasi 'tong si Dannise.


"Aminin! Yiee! Sa'n?" Kahit na medyo malayo na kami, patuloy parin 'to sa pangungulit sa'kin.


"Saan ba banda, yung naka gray shirt? Black? Sino ba sa kanila, Mhie?" She insisted while dancing.


"Wala nga. Tsaka, tumahimik ka diyan." Sinimulan ko ulit 'yung routine namin, "'pag ako pinaulit na naman, sisiguraduhin kong kasama ka na." Pananakot ko.


I slowly turned my head to Dahryl's direction. Sisilip lang naman eh. Nakita kong umiinom siya ng tubig habang nakaupo sa stage. Break time pa ata nila. I quickly turned my head back when I our eyes met. Palpak!

Met you in October (DDC Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon