CHAPTER THIRTEEN

1.6K 54 0
                                    

Tumingin sya sa paligid bago lumabas nang cr.
Papalabas nadin sya nang airport pero di nya nakita si Ella.
"Where are you going?"
Napatayo sya nang maayos nang makita si Ella na may kasama nang mga lalaking nakaitim.

Basta daw naka-itim at parang gangster ang itsura, masama ang balak nang mga yan.

"Ahmm...hinahanap kita."
Pagsisinungaling nya.

"Ah...talaga bah? Bat dito moko hinahanap? Nasa loob nako kanina diba?"
Nagtataka nang tanong nito.

"Ah...di ako na inform.."
Natatawa nyang sabi.
Kasalanan ni author.

"You can't fool me again. Come on..I'll bring you home...hinihintay kana ni Dale."
She saw that her smile means something.

"Ayoko...na-miss ko bigla si Baby Ezzy.
Uwi nalang tayo."
Aalis na sana sya pero pinigilan sya nang mga kasama ni Ella.

"Well..you can't change your mind..Sis"

Agad syang hinawakan nang mga kasama nito at kinaladkad papunta sa runway nang mga eroplano.

"Hoy...ano namang ginagawa natin dito?
Bawal tayo dito ah.."
Nakanguso nyang sabi.

"Baka masagasaan tayo nang eroplano...kawawa naman kayong dalawa, ang gagwapo nyopa naman tapos mamamatay tao pala kayo.
Maawa kayo may anak nak--"
Nadulas bigla ang dila nya at naginig talaga ni Ella ang sinabi nya ah..

"What did you say?"
Bumaling ito sa kanya.

"Wala...may sinabi bako? Wala akong sinabi..maingay lang talaga sa lugar natoh..guni-guni mo lang siguro yun."

Daldal nya kasi...hays..

"Naaalala mona? Well, that was fast.
I didn't expect na ganon ka kadaling maka-alala."

Kontrabidang palaka..chee!!

"Eh..loka-loka ka eh..sasabihin mong anak mo si Baby Ezzy tapos ako yung may gatas? Ano yun ah? Bitawan nyoko guys uupakan koto."
Palaban nyang sabi.

"Hmm...so what? Matutupad din naman yun..pagkatapos mong mamatay, ako ang babalik kay Ego. I'll be the mommy of Ezzy and we will leave happily ever after."

"Loko..walang happy forever! At wala talagang forever! Namamatay ang tao tang*!
Akala mo hindi nila malalaman na pinatay moko? Malalaman nila! Bleeee..."
Para syang bata na iniinsulto pa si Ella.

"Don't play with me Billy!"
Naiinis na nitong sabi.

"Im not Billy, Im Zenny b*tch!"
Sigaw nya sa mukha nito.
Napanganga sya nang maramdaman ang mga palad nito sa pisngi nya.

"You made me do that.."
Palusot agad ni Ella.

"Ih ano? Di naman masakeht..at anong you made me do that..pikon kalang talaga..pikon!!"
Pang-aasar pa nito.

"Your acting like a stupid child Billy. Just shut your f*cking mouth."
Napailing iling ito.

"Bakit moba kasi ginagawa sakin to?"
Nakakainis na ih..

"You wanna know?
Well you..Billy Flox is the worst sister ever!
Dad still love's you and your still his favorite daughter! You always have everyone's attention and you..stole my fiance..hindi kana nakuntento sa asawa mo!"
Galit nitong sabi.

"Ang babaw naman nang rason moh!
First of all, pareho tayong mahal ni Papa ikaw lang ang nag-iisip na ako lang ang mahal.
Second..papansin ka kasi kaya di ka nila pinapansin..and third! Na-amnesia ngako diba?
Kaya pano ko malalaman na may asawa noko?
Magpapaliwanag nalang ako sa kanya...nakakaintindi naman si Dale..di katulad mo!"
Sigaw din nya..

"Gusto mo nasyang makita?"
May itinutok si Ella na baril sa kanya.

"Isusunod na kita!"

Nanlaki ang mata ni Billy..

"Ikaw ang may pakana nang lahat?"
Realization hit her.

"Wow...your not that smart after all..
Magsama nalang kayo nang asawa mo sa langit..
Ako na ang bahala sa mag-ama mo..
I mean..mag-ama ko."

Nang makita nyang nakatutuk muli ang baril sa kanya napapikit sya..
Is this the end? Ommooo

"Say good bye my dear sist--"
Natigilan si Ella nang marinig ang pag-ring nang phone nang isa sa mga kasama nito.

"Ano ba Luis.."
Napabuntong hininga si Ella.

"Sandali."
Paalam nang lalaki at lumakad muna papalayo sa kanila.

Nang makita nyang distracted ang mga ito.
Bigla syang siniko ang lalaking nakahawak sa braso nya at sinuntok sa mukha si Ella.
Bali ang ilong nun for sure.

Agad syang tumakbo papalayo sa kanila.

"Zenny!"
Wait..its Ego!
Her prince charming...
Nahuli ngalang..

"Ego my labs!!"
Dali-dali syang tumakbo papunta kay Ego.

Agad na sinalubong ni Ego si Zenny, nang makitang ipuputok na ni Ella ang baril.
He hugged her at inilag mula sa baril.

Bang bang bang..😯
A loud bang echoed in the runway.

Napatitig agad si Zenny kay Ego.
Nakangiti ito sa kanya.

"I missed you.."
Bulong nito habang pabagsak..
Sinalo naman sya ni Zenny.
Nang tignan nya ang likod ni Ego nakita nyang may dugo na umaagos mula sa sugat nito.

"Ego..."
Niyakap nya ito.
Akala koba comedy genre nitong story..tragic pala ito ih..

"Wag kang mamamatay..pag namatay ka..
Wala akong magagawa. Patay kana ih..alangan namang buhayin pa kita..ih patay kana nga."
Pilit nyang pinangiti ang sarili.

"Please...wag kang mamatay..pano si Baby? Pano si Ako?"
Halos hindi nya mapigilan ang pag-iyak.

Muli nyang niyakap si Ego pero napangiwi sya nang makaramdam nang sakit.
Napatitig sya sa tiyan nya at nakitang may sugat din sya.

Bwesit ka author!😭

"Aray!!! Gagi..di ko napansin."
Natatawa nyang iyak.

"Sana wag tayong mamatay noh...kawawa naman si Ezzy..ang mag-aalaga sa kanya si Freya..eh kulang yun sa pagmamahal..di kasi na crushback..sana mahalin nya si Ezzy nang true...haha"
Nawawala nasya sa katinuan..

Nakita nyang tumatakbo na palayo si Ella mula sa kanila habang papadating ang mga pulis.

"Maam..wag po kayong matutulog..stay with me maam.."
Sabi nang isang lalaki.

"Bat ako magsi-stay sayo? Meron bang tayo?
Kay Ego nako tang--"
Hindi na nya natapos ang sasabihin nang bigla syang mawalan nang malay.

A/N:

Favor naman guys..
Please follow me para updated kayo sa mga upcoming stories ko..hehe😊

Amoroso Series 2: Pregnant With Ego's Child Where stories live. Discover now