CHAPTER SIX

1.8K 45 1
                                    

Nakaupo sya sa upuan malapit sa kama ni Lola sa ospital room na tinutuluyan nila ngayun.

"She's okay Mr. Hernandez, high blood lang. But siguraduhin nyo na maayos si Lola at hindi na mauulit ang bagay na nagtriger sa pagtaas nang dugo nya. May I ask the cause of this."
Tanong nang doktor na ikinalaki nang mata ni Zenny.

"Uhmm..may napanood lang syang..napaka..napaka alam nyo yun..napakahaha wag nalang natin pag-usapan."
Ngumiti sya nang plastic.

"Ohhkay..well Mr. Hernandez lets talk outside?"
Yaya nang doktor kay Ego.

Nang umalis ang dalawa naiwan naman sila ni Lola Omeng sa loob nang kwarto.
Natutulog pa ito at biglang nagising nang marinig ang mga yabag ni Rita.
Mukhang galit ito.

"Anong ginawa mo sa Lola ko ah?"
Galit nitong tanong.

"Sorry hindi ko naman sadya. Isa pah...hindi lang naman ako ang may kasalanan."
Depensa nya.

"Hindi kana nahiya, nakikitira kana ngalang ganito pa ang gagawin mo."
Wow..hiyang-hiya, diba nakikitira lang din naman yan kina Ego?

"Rita..wag mong pagsalitaan nang ganyan ang Señorita."
Pagpigil sa kanya ni Lola Omeng.

"Whats happening?"
Tanong agad ni Ego nang papasok na ito sa kwarto.

"Wala po Sir Ego."
Sabi agad ni Rita.
Napakaplastic..

Zenny rolled her eyes.
Lalabas sana sya nang kwarto pero nakita nyang may napakagwapong lalaki sa tabi ni Ego.
Ay..bongga, pero mas gwapo padin si Ego..

"This is Axl Monteverde, a friend of mine."
Pakilala laagad ni Ego kay Axl nang mapansing nakatitig si Zenny dito.

"Dude...this is Ms. Cruz."
Pagpapakilala nito kay Zenny.

"Pleasure meeting you Ms. Cruz."
Nakangiting nilahad ni Axl ang kamay nya kay Zenny. Magiliw naman nya itong tinanggap.

"The pleasure is mine Mr. Monteverde."
Nakangiti nyang sabi.
Pogi talaga..nakakalaglag panty..haha

NANG MAKA-UWI sila sa bahay ni Ego kasama padin nila si Axl. Iba ata ang mood ni Zenny ngayun dahil parang nang day-off ang bibig nya. Hindi na sya madaldal ngayun.

"BTW,Ms. Cruz can I have your number?"
Tanong nito nang silang dalawa nalang sa sala.
May tumawag kasi sa phone ni Ego kaya umalis muna ito.

"Para po saan?"
Inosente nyang tanong.

"Wala lang..i just thought, maybe you could use some company..napansin ko kasi na parang kayo lang ni Ego ang nasa bahay nato. At alam ko naman na busy si Ego parateh kaya naman siguro alam mo na..kailangan mo nang kausap?"
Sabi agad nito.

"Salamat po sa concern ah..pero okay lang po ako..kausap ko naman sarili ko..hehe"
Gaga! Nilabas nya pagkabaliw nya.

"Its okay...i could use your company too..wala rin naman akong maka-usap minsan."
Sabi agad nito.

Tumango nalang sya at ibinigay ang number nya. Baka naman kasi sabihin nito na pa-hard to get pa sya.

"Sorry..napatagal ang tawag nayun. Just an important call.Did i miss something?"
Paliwanag at tanong agad ni Ego nang makabalik sa sala.

"Wala...I was just talking to Ms. Cruz here. BTW hihiramin ko muna si Ego. Hahatid pako nito haha."
Patawang sabi ni Axl.

"Abah..ginawa mopa kong driver."
Napailing-iling si Ego.

"Ms. Cruz, matulog kana."
Sabi nito habang papaalis na.

"Have a good night Ms. Cruz."
Nakangiti namang paalam ni Axl.

Alam mo mas may pake pa atah si Axl sa kanya kesa kay Ego eh..

"YOU KNOW, I DON'T really get you dude..
She's like an angel at isa pa kamukha talaga sya ni Ella. Why hate her?"
Hindi makapaniwalang tanong ni Axl kay Ego habang nasa sasakhan sila.

"Don't get fooled by her. May mali sa kanya kanina. Nananahimik lang sya. At isa pah, kamukha nga sya ni Ella pero ang layo-layo naman nang mga ugali nila."
Sabi agad ni Ego.

"Well then..can I have her? Hindi mo naman sya gusto. Mas gusto mo kasi ang 'ELLA' mo na hindi kana tinatawagan. Parang wala nanga kayo dahil wala na kayong communication.
Dude..wala tayong lahing aso na naghahabol pah. Tayo ang hinahabol pareh."
Yeah..totoo naman ang sinasabi ni Axl.
Pero he loves Ella and thats it..pero hindi din nya maalis sa isipan nya si Zenny.

And No!! He won't let Axl have her. Isa pah...may anak na sila ni Zenny.

"May balak ka pa talagang ligawan ni Zenny eh may anak nako dun.. Dude your going to break thr 'Bro Code'. Bawal mong patulan ang patusin ang babae nang tropa mo."
Napailing si Ego.

"First time ko atang narinig ang pangalan nya sa bibig mo. Ego, tinatago mo naman sya sa lahat. Kapag hinayaan moko sa kanya you dont need go worry. I'll have her child as my own."
Nang marinig ito sa bibig nang kaibigan bigla sya napa-preno.

"What!? Thats my child."
Napatitig sya kay Axl.

"But you don't want her and your child diba?"
Tanong nito na nagpa-isip sa kanya.

"Mukha lang ganon. Pero..pinanagutan ko sila kasi gusto ko. Kaya stop saying bullsh*t and shut the f*ck up."
Sabi nya habang pinaandar ulit ang sasakyan.

"Wrong move."
Pag-suko ni Axl.

Hindi nya alam kung bakit nagagalit sya sa napakaliit na bagay. He hates Zenny and he wants her to go, pero hindi nya kayang mawala si Zenny o ang anak nila.

"Tulungan kona po kayo Lola. Baka kasi nahihirapan kayo."
Presinta nya kay Lola Omeng.
Kaninang umaga lang ito nakabalik sa bahay at ang sabi nang doktor wag masyadong i-stress si Lola kaya naman tutulungan na muna nya itong mag floor wax nang buong bahay. Nakakaloko naman kasi si Ego bat di pa nya i-tiles ang sahig.

"Wag na hija baka naman mapagod ka. Masama yan sa bata."
Ang sweet naman ni Lola, pero dapat tulungan nya ito diba.

"Okay lang poh..nag-usap na kami ni Baby. Kaya okay lang naman."
Sabi nya na ikinangiti lang ni Lola Omeng.
Nasan naba kasi ang Rita nayun patang pabigat pa ata ih.

Sa second floor sya naglinis at nang-floor wax nang sahig habang nasa first floor naman si Lola.

"Let's kill this love..rapapam papam papam..yieie."
Kakanta-kanta pa sya habang naglilinis nang tumunog ang cellphone nya.

"Hello?"
Bati nya sa kabilang linya.

"Hey its me..Axl.."
Napatakip sya nang bibig nang marinig ang boses nito. Hindi lang rin gwapo ang mukha. Pati nadin ang boses ang pogi sa phone.
Pero correction..si Ego padin ang type nya.

Nangtagal pa ang pag-uusap nila ni Axl at sigeh padin ang pag-floor wax nya sa sahig. Hindi nya namalayan na pati cr nadamay na nya.

Kinagabihan...

"Ahh!! Who the hell put floor wax on my f*cking bathroom!!"

Natahimik ang buong bahay sa sigaw ni Ego.
Lagot!!!

Amoroso Series 2: Pregnant With Ego's Child Where stories live. Discover now