Masaya akong nakatingin sa repleksyon ko sa salamin habang busy ang baklang si julz sa pag aayos sa buhok ko. Eto ang araw na pinakahihintay ko kaya naman hindi ko maitago ang saya at galak na nararamdaman ko. September 24 2016,ang araw kung kailan ako ikakasal kay TRISTAN KIER SALAZAR.
Nakatayo ako sa tapat ng malaking pinto ng simbahan. Nakasarado pa ito at magbubukas na sa loob ng ilang sigundo. Inaayos na ni julz ang belo ko bago at ibinigay na rin ang flower bouquet ko.
Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayong nandito nako sa tapat ng simbahan.
"Relax,adelaine. Masyado kang tense dyan." Bahagya akong tumingin kay julz na nakatingin din pala sakin. Nginitian ko na lang sya.
Huminga ako ng malalim bago ibinalik ang tingin sa harap ng magsimulang tumugtog ang wedding song na ako mismo ang pumili, kasabay nun ang dahan-dahang pag bukas ng malaking pinto ng simbahan.
Lahat sila ay nakatingin sakin suot ang malalaking ngiti. Ang iba ay kinukuhanan ako ng video pero wala sa kanila ang atensyon ko. Nakatingin lang ako sa lalaking naghihintay sakin sa harap ng altar. Nakasuot syang black tuxedo at black pants. Kahit ang sapatos nya ay itim din. Ang buhok nya ay nakawax, may konti pang lumaylay na buhok sa noo nya. Ang gwapo ng mapapang-asawa ko. Napangiti na lang ako sa naisip ko.
Hindi ko namalayan na nasa harap na pala ako ni tristan at hinihintay na lang nyang iabot ko ang kamay ko sa kanya upang maalalayan nya.
Nagsimula na ang seremonya ng aming kasal. Tumayo na kami at nagharap ni tristan upang sabihin ang vows namin para sa isat isa.
"Do you Tristan kier take adelaine marie as your lawfully wife in sickness and in health,for richer or for poorer. Till death do you part?" tanong ni father kay tristan. Sandali pa syang natigilan na tila iniisip kung sasagot ba sya ng i do.
"I do." Bahagya akong nakaramdam ng lungkot sa paraan ng pagsagot nya kay father. Walang buhay. Itinago ko ang lungkot na nararamdaman ko sa pamamagitan ng pag ngiti sa kanya ng matamis.
"Do you adelaine marie take tristan kier as your lawfully husband,in sickness and in health,for richer or for poorer. Till death do you part?"tanong naman sakin ni father.
Tumingin ako sa mga mata ni tristan na seryoso ring nakatingin sakin. Ang mga tingin nya na parang nagsasabing wag kong sabihin ang salitang 'i do'. Iniwas ko ang tingin at bahagya na lamang yumuko bago sabihin ang "I do." Muli kong sinalubong ang mga tingin ni tristan na puno na ng galit. Pilit naman akong ngumiti sa kanya.
"Ladies and gentlemen,our Mr. and Mrs. Tristan keir Salazar. You may now kiss the bride."huling sinabi ng pari. Hinawakan ni tristan ang laylayan ng belo ako at dahan-dahang itinaas yon. Inilapit narin nya ang mukha nya sa tenga ko at bumulong.
"Don't expect to much,kasal lang tayo sa papel. I don't love you and i will never be." Bulong nya na nagpatulo ng mga luha ko. Hinalikan nya ko sa gilid ng labi at bahagya pang tinalikuran ang mga nakatingin samin para mas magmukhang makatotohanan ang halik nya. Nagpalakpakan ang mga tao at tumunog ang kampana ng simbahan na nagsisilbing simbolo na tapos na ang kasal.
Yes. It's a one sided love.
Our parent's arrange this marriage.
I love tristan since highschool but he never love me back.
I'm Adelaine Marie Suarez Salazar and this is my story.
BINABASA MO ANG
SALAZAR:Unseen wife
Teen FictionSi ADELAINE MARIE SUAREZ at TRISTAN KIER SALAZAR ay biktima ng arrange marriage na pinagkasunduan ng kanilang mga magulang.Pumayag si adelaine sa pag-aakalang magkakaroon na sya ng tiyansang mahalin ni tristan pero paano kung ikinasal ka sa taong ma...