CHAPTER 01

9 1 0
                                    

ADELAINE P.O.V


Umagang umaga ng magring ang phone ko .Sinyales na may tumatawag sakin. Inabot ko ang phone ko sa lamesang nasa gilid lang ng kama bago sinagot yun.

[Hoy! Gaga asan kana?] Boses ni samantha mula sa kabilang linya.

"Nasa bahay,bakit ba? Ang aga mo naman tumawag." bakas ang pagkairita sa boses. Ang aga aga ba naman mambulabog ng isang to.

[Anong maaga? Baka ala-syete na ho at late kana sa first subject natin.]

Mabilis akong nakapaupo at hinagilap ang orasan. At dun ko nakumpirma ang sinasabi ni samantha.

Shit!

"Sam,mamaya muna ako sermunan ah. Byeee!"hinagis ko na lang ang phone ko sa kama at mabilis na tinahak ang banyo.

Mabilis kong tinapos ang morning routine ko. Wala pa atang 30 minutes ang ligo ko pero ok na yun kesa naman lalo akong malate. Sa school na lang ako bibili ng almusal.

Mabilis ang naging biyahe ko patungo sa campus at salamat sa diyos ay mabilis akong nakahanap ng parking space.

Wala na masyadong estudyanteng nasa coridor dahil alas otso na nang makarating ako sa campus. Binilisan ko na lang ang paglalakad. Nang makarating ako sa harap ng pinto ng room namin ay huminga muna ako ng malalim bago kumatok.

"You're late miss suarez."salubong ni prof analise.

Hindi ba obvious?

"I'm sorry po prof hindi na mauulit." Tumango na lang sya sabay irap.tsk,napakasungit talaga nito. Pinapasok naman nya ako agad dahil na naiistorbo ko daw ang klase nya.

Saktong pag-upo ko sa tabi ni sam ay pasimple nyang inilapag ang nakatuping papel sa table ko. Nang tinapunan ko sya ng tingin ay seryoso lang syang nakatingin sa harap at kunwari pang nakikinig.

Pasimple ko rin namang binulat ang papel sa ilalim ng table upang hindi ako masita ni prof.

[ Hindi maitatago ng make up ang malaki mong eyebags.] Iyan ang nakasulat sa papel kaya napatingin ako kay sa gawi ni sam ng nakataas ang isang kilay pero isinawalang bahala nya lang. Nakinig na lang din ako sa discussion ng prof.

Maaga nagpadismiss ang prof namin kaya naman nauna na kami ni sam dito sa cafeteria. Hihintayin sana namin sila nathalie at syrah para sabay-sabay kaming bibili ng makakain kaso dahil nga hindi ako nakapag-almusal gawa ng pagmamadali ay naisipan naming mauna nang umorder ng pagkain.

"Sabihin mo nga..."si sam na ang bumasag sa katahimikang namamayani saming dalawa.

Nilunok ko muna ang nginunguya ko at nagtatakang tiningnan sya."sabihin ang alin?"

"umiyak ka no? Bakit? Hindi kana naman inuwian ng magaling mong asawa?"patuloy nya sa sinasabi nya.

"Alam mo ikaw kumain kana lang dyan at itikom mo yang bibig mo baka may makarinig pa sayo." Tama sya. Pero wala naman akong karapatan magreklamo dahil alam ko namang napilitan lamang syang pakasalan ako.

"Bakit ko ititiko---"

Hindi ko na sya pinatapos sa sinasabi nya ng ipinakain ko sa kanya ang isang buong sandwich.

"Masyado kang maingay baka may makarinig sayo." Sinamaan nya ako ng tingin ngunut ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko. Ipinagpatuloy nya na lang din ang pagnguya ng sandwich na isinubo ko sa kanya.

Bilang lang ang nakakaalam na kasal kami ni tristan. Bukod sa pamilya namin ni tristan ay sila sam,nathalie,syrah lang ang nakakaalam na kinasal kami. Yun kase ang gusto ni tristan.

SALAZAR:Unseen wifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon