Kabanata 28

37 2 1
                                    

Paano kaya kapag naging kami na? Ano kayang pakiramdam kapag naging kami na? Aaminin ko nang gusto ko rin siya. Noong pa mang magkaibigan kami ay gusto ko na siya pero pilit kong itinatanggi iyon sa sarili ko dahil sa iniisip ko dati ay imposibleng magustuhan niya ko dahil magkaibigan lang naman kaming dalawa noon hanggang magkita kaming dalawa rito ay ganoon pa rin ang naiisip ko. Ngayon ay posibleng pa lang mangyari ang mga bagay na iniisip kong imposible.

Kung iniisip ko mang imposible ang magkasundo ang pamilya naming dalawa ay aasa pa rin ako na balang-araw ay mangyari ang hinihiling kong iyon.

Kahit patago ang panliligaw niya ay aasa pa rin ako na kapag sinagot ko siya ay maging kaminang mahaba pang panahon, na magsama pa kami ng matagal kahit patago lang ang lahat. 

Ngayon ay inaayos ko na ang mga gamit ko. Ang buhok ko ay hinayaan ko na lang na nakalugay, naglagay ako ng isang clip para hindi masyadong napupunta sa mukha ko ang buhok ko. Simpleng white hair clip lamang ito.

Humarap ako sa salamin na nasa study table ko, tinignan ko ang sarili ko roon at ngumiti. Mas naging maayos ako ngayon kaysa noon. Hindi ako nag-aayos dati pa man dahil wala akong oras na mag-ayos ng sarili ko, sa tingin ko kasi ay walang kwenta iyon pero ngayon ay naisip ko na hindi naman pala masamang mag-ayos minsan.

Kinuha ko ang lipbalm na nasa isang maliit lalagyan, binuksan ko iyon saka naglagay ng kaunti sa labi ko. Nang matapos akong maglagay ng lipbalm ay agad kong kinuha ang bag ko at umalis na sa kwarto ko.

Habang pababa ako ay naririnig kong may mga nag-uusap sa ibaba, sa sala yata iyon kaya rinig ko. Binilisan ko ang pagbaba ko, nang makababa ako ay nakita ko sina Dad at Mom na nagtatawanan sa sala kasama ang dalawa kong kapatid na nagtatawanan rin katulad nila.

Bigla akong nakaramdam ng kalungkutan habang nakatingin sa kanilang masayang nagtatawanan. Huminga ako nang malalim, siguro naman ay hindi nila ako napapansin na nakatayo rito sa hagdanan.

Ayos lang sa akin. Ayos lang sa akin na makitang masaya ang pamilya ko nang hindi ako kasama. Alam ko namang minsan ay sinusunod nila ang gusto ko para kapag marami na silang nagawa para sa akin ay pagagawin nila ako ng bagay na ayokong gawin.

Paalis na sana ako nang bigla akong tawagin ni Mom.

"Hey, Liana, naalala mo ba 'yung guy na magpapakasal sa'yo kapag nakatapos na kayo ng pag-aaral?" Tanong ni Mom, nilingon ko sila saglit na ngayon ay nakangiti sa akin, agad ko ring inalis ang tingin sa kanilang apat at ibinaling ang tingin sa harapan ko. Siguro ay mayroon pang sasabihin si Mom pero hindi niya sinunod iyon sas tanong niya sa akin.

Ang tagal-tagal na no'n, parang kanina lang ay iniisip ko pa 'yong lalaking iyon pero ngayon ay itinatanong na sa akin ng Mom ko. Ang huling balita ko sa lalaking iyon ay nagpunta siya sa Switzerlad para mag-aral doon, sana lang ay hindi na siya bumalik dito at sana ay nakahanap na siya ng pakakasalan niyang babae para hindi na siya bumalik dito. 

"Hindi ako magpapakasal sa kanya kahit kailan." Wika ko saka naglakad palabas. HIndi ko na hinintay ang susunod na sasabihin ng mga magulang ko dahil alam ko namang pagagalitan na naman nila ako, palagi naman nilang ginagawa iyon sa tuwing salungat ako sa mga gusto nilang mangyari.

Sa totoo lang, hindi ko alam ang mararamdaman ko. Gusto kong makasama ang pamilya ko sa lahat ng bagay, gusto kong magsabi sa mga magulang ko ng nararamdaman ko pero ayoko ng ganito. Paano kami magiging masaya kung puro pera at trabaho ang iniisip nila? Pati ako ay gusto nilang ipakasal sa lalaking hindi ko naman kilala para lang sa pera, hindi ko sila maintindihan kung bakit kailangan pa nilang gawin iyon, para sa pera? 

Tuluyan na akong lumabas ng mansyon at gate. Yumuko ako nang bahagya habang naglalakad sa gilid ng kalsada. May mga ilan akong nakakasalubong na estudyanteng pumapasok din sa paaralan, karamihan ay mga bata na kasaa ang kanilang mga magulang na maghahatid sa kanila sa paaralan. Ang ibang tao ay binabati ako kaya nginingitian ko sila bilang bati rin, inangat ko ang tingin ko sa daanan.

Threads That BindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon