one

1.6K 87 16
                                    

Day 1

Paano maging masaya ang buhay? Susundin ang lahat ng gusto mo? Bibili ng mamahaling damit? Lilibutin ang buong mundo? Makikipagkwentuhan sa mga kaibigan? Manonood ng pelikula kasama ang buong pamilya?

All these things are possible.

Well, except for Luhan.

He was diagnosed with coronary heart disease since he was 20. Substances formed a wall to block blood and oxygen from coming to his heart. Kaya madalas, hindi siya makahinga. And slowly, pabagal na ng pabagal ang pagdaloy ng dugo at hangin sa puso niya. Sa madaling salita, naghihintay na lang siya na huminto ito.

Na huminto na ang pagtibok ng puso niya.

3 months na siya sa ospital and the doctors told him na nahihirapan na ang katawan niya and he needs miracle.

By that, kahit kailan hindi siya naniwala sa miracle. Kaya pinasok na niya sa utak niya na at the end of the road, people will die.

Pero mauuna siya.

He has his mom. Dati, madalas siyang binibisita ng ina niya. Pero dahil masyadong itong maraming ginagawa at kung saan-saan siya panig ng mundo napupunta, dalawang buwan na yata noong huli siyang nakadalaw kay Luhan.

His father? Wala. Hindi niya alam kung nasaan na yung ama niya. He was 16 when he last saw him, nung naghiwalay ang mga magulang niya.

His heart is broken, literally and emotionally.

All he does is sleeping and waking up from his hospital room. Ang tanging naririnig lang niya ay ang nakakairitang tunog ng aircon sa kwarto niya.

That's all he has.

He has been independent yet dependent.

He can do what he wants, but he's dying.

Nakatitig lang siya sa IV fluid na unti-unting pumapatak papunta sa kamay niya.

'Parang ako, unti-unting nauubos.' He thought.

Hindi niya alam pero naiinis siya. Naiinis siya kasi gusto na niyang mamatay at naiinis siya kasi ayaw niyang lumaban.

Kung pwede lang sanang patigilin ang pagdaloy ng IV fluid sa katawan niya at kung pwede lang ilabas ang mga gamot na nainom niya, gagawin niya.

Pagod na pagod siya.

Sa buong araw, wala na siyang ginawa kung hindi titigan ang dextrose, pader, at kung ano pang nakakasawang bagay na makikita niya.

Pero sigurado siya na kung may bagay siyang ayaw makita ngayon, yun ang sarili niya.

He doesn't want to see himself like this... dying.

His eyes were wandering when someone knocked on the door.

He knew it, it's a nurse.

She's just smiling at him habang palapit sa kanya.

'Here it is... again.'

Something injected into his dextrose and in a snap, nakaramdam na naman siya ng sakit sa buong katawan niya.

He doesn't know if these medicines will help him live or to make him die faster.

Kailan kaya mapapagod ang mga doktor at nurse kakabigay ng mga gamot sa kanya? Siya kasi, pagod na.

Narinig niya naman ang tunog ng pagsarado ng pinto, tapos na pala.

Tapos na naman pala.

He turned his face at the right side. Now, nakatitig siya sa pader.

Behind The Wall [Hunhan]Where stories live. Discover now