foreword

1.9K 84 4
                                    

Gaano kahalaga ang isang segundo?

Isang segundo para sa isang manlalaro ng basketball, para i-shoot ang bola. Isang segundo para sa isang pulis, para iputok ang baril. Isang segundo para sa isang bata, para matamaan ang lata gamit ang kanyang tsinelas. Isang segundo para sa isang doktor, para pakinggan ang  tibok ng puso ng isang pasyente. Isang segundo para sa isang nag-aagaw buhay, para makalaban at makapagpatuloy. At isang segundo para sa isang katok, para makapagpabago ng buhay ng isang taong nag-aabang na lang ng katapusan niya.

Isang manipis na puting pader.

Iyan ang lagi niyang nakikita paggising at sa tuwing ipipikit na niya ang kanyang mga mata. It was all enough, para sa taong naghihintay na lang ng oras niya. And it all turned into something unexpected when someone knocked on that wall.

Isang katok na magpapa-iba ng pananaw niya.

Isang katok para isipin niyang worth it pang huminga.

Isang katok para magmahal siya.

Magmahal sa una at huling pagkakataon.

And it all happened, behind the wall.

--------------------

Hindi ko pa alam kung one shot talaga 'to o baka maging two/three shots since hindi ko pa natatapos. Haha. SOON. ♥

Behind The Wall [Hunhan]Where stories live. Discover now