A/N: Halo goiz! ...
Im back, sorry at natagalan yung pag-uupdate nitong story ko.. masyado kasi akng busy sa aking lablayp..ayiee~~ .. Ume-echos lang...
hehehe! Anyway highway...
Ito na! ...
***************************
*********
Nandito ako ngayon sa room ko..
Nag-iisip~
Inaalala~
Dinadamdam~
ang mga nangyari sa amin kahapon.
Hindi ko lubos maisip na nagbalik na siya.
Sa lahat ng nangyari sa buhay ko,
mga pinagdaang masasakit,
Ngayon lang siya dumating at bumalik....
Flashback
"Hello" sabi niya na habang nakatingin sa aking mga mata.
Matagal bago ako nakasagot .......
Nakakatitig lang ako sa mga mata niya na parang hindi makapaniwala na nagbalik na siya.
"Hindi mo lang ba ako na miss."
Yumuko lang ako. tila iniisip kung ano ang sasabihin at gagawin ko sa kaniya."Hahaha! hindi ka parin nagbabago. ang ganda mo parin at mas lalo kang gumanda..." napatingin ako sa kaniya ng bigla siyang tumawa. .. Tss.. Acting normal huh,?
....
At siya din hindi parin siya nagbabago hanggang ngayon gwapo parin siya.Siguro nga oras na para patawarin ko siya sa kasalanan niya sa akin---sa buhay ko.
"H-hi." gosh! Yun lang yung nasabi ko.
"Hehe! pero pwede ba tayong mag-usap?"
Napatigil ako saglit bago ko siya sagutin.Tss. Saan naman kami mag-uusap?"S-sige"
~~~~~~~~~~~~~~~~
At gentlemen~(cafe po toh! Hehe!)
Dito sa lugar nato ang pinili ko dahil napakatahimik at walang katao-tao, mabuti na yun para maiitindihan ko lahat ng sasabihin at paliwanag niya.
"Ito na yung order natin.
Kain muna tayo" siya na pala nag volunteer kunin yung order namin.
Bakit parang kalmado lang siya? okay lang bah sa kaniya lahat?"Bakit ka bumalik?" Sabi ko out the blue. Grrr! Yung bibig ko talaga.
Napatigil siya sa pagkain ng tanungin ko siya at naging seryoso din yung mukha niya.
"hmm. bumalik? Ganito kasi yun, sige sasabihin ko sayo lahat. makinig ka.
Umalis ako nun dahil kailangan ako ng family ko sa states kaya sinundan ko sila doon. gusto ko sanang mag paalam sayo kaso nalaman ni Dad kaya pinasundan niya ko sa mga body guards niya, yung malapit na ako sa inyo pinutukan nila ng bala yung gulong ng sasakyan na ginamit ko kaya ayan naabutan nila ako at pinuwersa dalhin sa private jet ni Dad. Nung nandoon nako sa states naging magulo ang lahat, hindi na ako nakapag concentrate sa studies ko, naging basagulero, at naging womanizer. Gabi nun,
Pumunta ako sa office ni Dad at narinig ko sabi ni Mom na hindi daw nila ako totoong anak kaya ayun sumakay ako sa kotse at pinaharorot ko iyon sa daan kahit madaming sasakyan. pero nagsisi ako kung bakit ko yun ginawa dahil dun madaming nawala." sabi niya. ha? Bakit niya sinabi yun?"A-anong ibig mong sabihin?"
"Sabi nila na aksidente daw ako at na ospital. malakas daw yung pagkauntog ko kaya nagka amnesia daw ako. pagkatapos nun sabi nila may babae daw na palaging dumadalaw sa akin kaya naisip ko baka ikaw yun. dahil ang huling naalala ko lang ay yung hinatid kita sa bahay niyo." nagulat ako sa sinabi niya. what does he mean na ako? eh? Iniwan nga niya ako eh! Matagal na yun.
no!! Mali ka! yan ang gusto kung sabihin sa kaniya pero kahit isang salita walang lumabas sa aking bibig na kahit isang letra man lang.
Pero diba nga nagka amnesia siya? So it means? Ang huli lang niyang naalala ay yung high school pa kami. watda!" palagi nga nilang sinasabi sa akin na nagka amnesia daw ako. pero paano nga! naalala nga kita eh! sinasabi lang nila yun dahil ayaw niya sa atin. tss!
Kaya nga bumalik ako para sabihin sayo toh lahat at gusto din kitang makita ulit." mali ang iniisip mo! nakalimutan na nga niya lahat.Ang lahat..
Ang lahat...
"Sigurado ka bang yan lang yung naalala mo?" Gusto kung umiyak pero ayaw kung ipakita sa kaniya kung bakit nasasaktan ako!
Gusto ko siyang sampalin para maalala niya ang lahat
Gusto ko siyang murahin para matauhan siya.
Pero lahat yun hindi ko magawa dahil mas nangingibabaw yung 'awa' ko sa kaniya, dahil sa pinagdaan niya nawala na lang bigla ang lahat.Lahat ng pinagsamahan namin...
Lahat ng masasayang alaala..
Lahat ng nagawa namin...
Bilang-----
" hehe! Alam mo masaya ako ng bumalik ka. akala ko nga eh! Hindi ka na babalik. mag isa tuloy ako.he-he-he" pinilit kung tumawa sa harapan niya para hindi na siya mag aalala sa mga nangyari sa paligid niya.
Tumayo na kami at lumabas sabi niya ihahatid daw niya ako sa amin kaya pumayag na lang ako, na miss ko din siya eh.
Nandito na kami ngayon sa harap ng bahay ko.
" Ang bilis naman nag bago yung bahay niyo.nawala lang ako ng 2 weeks iba na at marami pa ang nadagdag ha!" Kung alam mo lang.
" sige ah! Mauna na ko. gabi na din kasi baka hinahanap ka na sa inyo.go! Pasok ka na! Bye bye b---" pinutol ko yung dapat niyang sasabihin ng yumakap ako ng mahigpit sa kaniya.
Ang higpit na parang ayaw ko na talaga siyang bitawan."Woah! Na miss mo talaga ako ah! Hahaha!" Masayahin at mayabang parin. hehe!
Bibitawan na sana niya ko. ng---" wait!
May sasabihin lang ako.
Maraming bagay sa paligid mo ang hindi totoo, gusto ko man sabihin sayo pero gusto kung ikaw mismo ang makatuklas at makaalaala ng lahat. alam ko na dadating din ang araw na magagalit ka sa akin, basta isipin mo lang ginawa ko toh dahil naging parte ka din ng buhay ko kaya hindi ko kayang nakikitang malungkot at nasasaktan. Good night sayo....
.
.
.
.
.
.Kevin..*****************
A/N: woah! ..haha! Akala niyo si Jake noh! ..haha! ....
Sorry pero hindi siya yung nagbalik kundi si Kevin! ...
Eh? ...
Sino nga bah si kevin sa buhay ni chanlie? ...
Abangan!!!
Sorry kung maikli lang ...
Tinry ko kasi kung maayos lang bah na maikli lang kaysa sa mahaba...
Gege! ...wait for the next update! ...
Comment and vote..
PLEASE!!!! T^T
Age_Doesnt14♥♥

BINABASA MO ANG
Two Hearts
Teen FictionThis story is about the Battle of the Past and the Present. How will you handle this kind of situation, Are you going to listen to your mind saying "You have to choose him" or your heart saying "Im still beating fast for him".